Huwag Pumikit

126 3 0
                                    

#A4Day11: A Quiet Rebellion 

Huwag ipikit ang iyong mga mata

Sa kabila ng liwanag.

Kumislap ang mga bituin

Nakikipagsiksik ang araw.

Babanaw ang tubig na malamig,

Iinit ang baradong kanal

Bibilis ang ang tibok ng puso

'Pag narinig mo ang balitang ito.

Hihimlay ako sa daluyong

ng masang api

Nang sa gayon,

Maramdaman ko

At sa diwa ko'y manatili.

Ang paghihimagsik

At pag aaklas ng aking puso't diwa,

Kahit sa pagtulog,

Ako ay nakikidigma.

Ang pusong

Labis ang paghihinagpis

Ang katawang pagal

Mula sa pakikipaghimagsik

Mapipigtas ang mga tanikala

at babangong muli.

Maging masigasig,

Gamitin ang natitira at

kabuohang lakas

Makipagtagisan,

Makipaglaro,

Sa larong ako lang

ang nakakaalam. 

AMACon 4: Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now