Bisig

123 5 0
                                    

#A4Day19: Sa Piling ni Nanay



"Sabi nila ang pagmamahal ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng lakas para harapin ang buhay. Nagagawa natin ang mga bagay na dati hindi naman ginagawa. Minsan nagiging bulag tayo sa katotohanan dahil sa pag-ibig. Minsan naman ito ang mitsa ng ang ating pagkabigo. Kasi may mga panahong nakakasakal na."

Kanina pa binabasa ni Maine ang sinulat niya para sa proyekto niya sa paaralan. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo. Binigyan sila ng takdang aralin ng kanilang guro; magsulat ng isang salaysay patungkol sa pagmamahal ng isang ina. Sa totoo lang ay ayaw niya sana sa mga ganitong paksa. Pero wala naman siyang magagawa dahil 'yun ang pinapasulat ng guro niya.

Kausap ni Maine ang kasintahang si Richard. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo. Magkaiba sila ng karanasan ng kasintahan niya kapag pinag uusapan ang pamilya. Malapit si Richard sa pamilya niya. Kaso namatay ang Mama dahil sa sakit na cancer. Bukas ang buhay niya para sa mga ito. Lumaki siyang malaya sa loob at labas ng kanilang tahanan.

Si Maine naman ay kabaliktaran niya. Lumaki siyang ayaw makihalubilo sa ibang tao. Mas gugustuhin niyang mapag isa. Ayaw din ng mga magulang niya na lumalabas siya ng bahay. Malungkot ang naging kabataan niya. Madalas nasa loob lang siya ng bahay habang pinapanood ang mga kapwa niya mga bata na naglalaro sa labas. Ayaw ng Mama niya na madungisan siya. Sobra siyang protektado nito at ng buong pamilya. Nasa loob lang siya ng kuwarto at nagbabasa ng libro. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit.

"Maine, tapos mo na ba 'yung project mo?", tanong sa kanya ni Richard.

"Ha? Oo, tapos ko na."

"Pwede ko bang basahin?"

"Sige..."

Agad na binasa ni Richard ang naisulat niya. Medyo kumunot ang noo nito. Kaya nagtanong na siya dito.

"Oh, bakit? May mali ba sa sinulat ko?"

"Wala naman. Kaso, pakiramdam ko may lihim kang galit sa pamilya mo."

"Ano? Bakit mo nasabi 'yun?"

"Wala lang...nararamdaman ko lang."

"Come one, Richard. It's just an essay."

"I know. Pero sana, anuman ang nasa puso mo ay masabi mo ang lahat sa pamilya mo. Lalo na sa Mama mo. Mahirap 'yung ganyan eh. May tinatago kang galit sa kanila."

"Yes, Mr. Perfect. Noted with thanks..."

Hindi na maalala ni Maine kung ilang beses na niyang sinukuan ang mga pangarap niya. Naalala niya minsan na may nabalitaan siya noon na audition para sa isang pelikula. Gustong gusto niya sanang subukan. Sinabi niya 'yun sa Mama niya.

"Ma, may audition para sa isang short film. Gusto ko sanang sumali. Pwede po ba?"

"Maine, hindi ka pwedeng mag artista. Kapag nag artista ka, sino na ang tutulong sa amin na mag manage ng negosyo natin? Sorry, but you can't."

Nalungkot siya ng sobra. Akala niya kasi susuportahan siya ng Mama niya. Umasa siya na matutuwa ito sa ibinalita niya. Pero, nagkamali siya. Kaya kinalimutan niya ang pangarap na makita sa telebisyon at mag artista.

Madalas din siyang hindi pinapayagan na sumama sa mga kabigan niya na mamasyal lalo na sa mga malalayong probinsiya. Lagi siyang naiiwan. Ang katuwiran ng Mama niya ay ayaw siya nitong mapahamak. Nakakaramdam man siya ng inggit pero binabalewala na lang niya ito. Dahil nga ito ang gusto ng Mama niya.

Pinagpatuloy ni Richard ang pagbabasa sa sinulat ni Maine...

"Madalas tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ako malungkot. Kumpleto naman ang pamilya ko. Medyo nakakaangat namin kami sa buhay kahit papano. Pero bakit parang pakiramdam ko, may kulang? Hindi ko alam kung ano at sino. Napagtanto ko na sobrang malungkot pala ng kabataan ko. Sabi nila may sarili daw akong mundo."

Naalala ni Maine na minsan silang nagtalo ng Mama niya. Marahil 'yun na siguro ang unang pagkakataon na nasagot niya ito.

"Maine, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit hindi mo ko maintindihan?", tanong ng Mama niya sa kanya.

"Ma, buong buhay ko inintindi ko kayo. Sinunod ko kayo, Ma. Lahat ng gusto niyo ginawa ko. Pero bakit ganun? Bakit parang kulang padin ako para sa inyo?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Nicomaine. Ginawa ko ang lahat ng 'yun para mapabuti ang buhay mo."

"...para mapabuti ang buhay ko? Ma, mas lalong lumala eh. Lahat nalang bawal. You don't want me to explore the world. Ayaw niyo 'kong magkamali. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko alam kung paano mag desisyon para sa sarili ko."

"Tumahimik ka! Ang tigas din talaga ng ulo mo! Bakit hindi ka gumaya sa mga kapatid mo? Sa inyong lahat, ikaw lang ang matigas ang ulo."

"Ayun. Lumabas din ang totoo. Ang hirap sa inyo 'yung mga kapatid ko lang ang nakikita mo. Sila lang 'yung mababait, matatalino, at perpekto. Tapos ako? Nganga? It feels like I've never existed."

"Alam mong hindi totoo yan..."

"Nandito ako Ma. Pero hindi niyo 'ko nakikita. Wala kasi akong silbi. Wala akong maipakitang mabuti kung ikukumpara sa mga kapatid ko. Di ba tama ako?"

"...hindi totoo yan. Alam ng Diyos na mahal kita..."

"Mahal? Pero minsan nakakasakal na. Hindi na ako makahinga, Ma. Ayoko na. Sobra na."

Naalala ni Maine na 'yun ang huling pagtatalo nila ng Mama niya. Ang sinasabi nilang mapagkalingang bisig ng isang ina ay tila ba naging bangungot para sa kanya. Bagkus ay nakakaramdam siya ng takot na yumakap dito. Pakiramdam niya kasi ay isa siyang pagkakamali.

Alam niyang hindi niya dapat 'yun maramdaman. Kung tutuusin ay tama naman ang Mama niya. Bilang isang ina ay gusto lang siya nitong protektahan. Naiintindihan niya na ngayon. Pero naisip din niya na may mga pagkakataon na tama din naman siya. Siguro dapat niyang kausapin ang Mama niya.

"Maine, you have to talk to your Mom."

"Alam ko, Richard. Kaya lang, natatakot ako."

"Alam mo...ma suwerte ka kasi buhay pa ang Mama mo. Nakakasama mo pa siya. Samantalang ako, wala na akong Mama."

"I know. Don't worry. Kakausapin ko siya pag uwi ko sa bahay mamaya. Hihingi ako ng tawad."

"Tama 'yan. Habang may pagkakataon ka pa, iparamdam mo sa Mama mo na mahal mo siya. Kung may hindi man kayo pagkakaintindihan ay pwede niyong pag usapan. I'm sure she will understand you. Mabait naman si Tita."

"Okay, sige..."

Makalipas ang ilang segundo ay nakatanggap si Maine ng tawag mula sa kapatid na si Dean. Halos gumuho ang mundo niya.

"Ate, isinugod namin sa ospital si Mama. Inatake siya sa puso. Sabi ng mga doktor ay kritikal ang lagay niya."

Hindi na namalayan ni Maine na tumatakbo na pala siya palabas ng paaralan. Tumakbo siya ng tumakbo papunta sa ospital. Wala na siyang pakialam sa kung anuman ang mangyari sa kanya. Isa lang ang nasa isip niya; SANA AY HINDI PA HULI ANG LAHAT.

AMACon 4: Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now