Diary 018

5.9K 367 75
                                    

Dear Kookie,

Ang awkward, may nagpadala kasi ng bulaklak sa akin kanina. Sabi may nagpapabigay daw na lalaki, tinanong ko sa bata kung sino sabi nya secret daw. Di na ulit ako nakapagtanong kasi nagtatakbo na yung bata, actually ang ganda nung bulaklak ang kaso parang may something sa bulaklak na hindi ko ma-explain, parang ang lungkot. Parang imbes na sumaya ako sa bulaklak parang nalungkot pa ako. Kookie, Ikaw ba nagpadala noon sa akin?

Syempre hindi! Ang gaga ko naman kung iisipin ko na ikaw yung nagpadala sa akin noon. Minsan napapaisip ako kung nakaconnect nga ba sa cellphone mo yung diary? Para kasing hindi mo naman nababasa eh. Kasi kung nababasa mo 'to panigurado na kahit papaano nagkaroon ka ng konting konsiderasyon sa tatlong taon na relasyon natin. Kaso hindi, todo landi ka pa rin. Sa totoo lang Kookie, walang halong kaplastikan, kahit ang landi-landi mo, kahit ilang beses mo kong lokohin, mahal pa rin kita at hindi na magbabago yun.

Pero sa tingin mo sino nagpadala nung bulaklak? Stalker ko kaya? Secret admirer? Kung sino man siya, sana hindi niya ako gusto kasi masasaktan lang siya. Kahit ano kasi ang mangyari sayong-sayo lang ako kahit hindi na ako sayo. Miss na kita, paramdam ka naman? :(

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon