Honey 008

3.7K 220 66
                                    

"Omg! Excited na kong makita si Jin, sasabunutan ko siya pagnakita ko siya omg." Hindi ako mapakali habang nakasakay kaming dalawa ni Yoongi sa taxi.

"Jin, Jin, Jin. Puro nalang Jin, nagseselos na ko ha." Aniya.

"Bestfriend ko si Jin, boyfriend lang kita. Back off." Pabirong sabi ko sa kanya, nakita kong sumama yung tingin niya sa akin pero tinawanan ko lang siya bago ko kinurot yung pisngi niya.

"Biro lang naman." Sabi ko ng makita kong hindi man lang siya natawa sa sinabi ko, napanguso nalang tuloy ako bago ako lumayo sa kanya dahil alam kong nainis siya sa sinabi ko.

"Honey." Tawag niya sa akin ng makita niyang kanina pa ako nakanguso.

"Honey!" Malakas na tawag niya sa akin kaya naman hinarap ko siya pero nakanguso pa rin ako, napabuntong hininga nalang siya bago niya ako hinila papalapit sa kanya.

Napangiti ako ng malademonyo ng makayuko ako, hindi talaga ako matitiis bwahahaha.

"Nandyan na tayo." Aniya ng makarating na kami sa tapat ng bahay nila. May kaunting nagbago sa bahay nila, sa tingin ko ay nirenovate ito. Tinulungan ni Yoongi yung driver na mag-alis ng mga gamit namin para ilagay sa tapat ng bahay.

Bahagya akong kinabahan sa ideyang nandito rin si Kookie, papaano ko siya iapproach? O wag ko nalang siya i-approach? Baka naman magmukha akong bitter. Hindi naman siguro, bahala na si Batman.

"Tulungan mo na akong magpasok ng gamit." Sabi sa akin ni Yoongi kaya naman tumango ako sa kanya bago ko kinuha ang ilang magagaan na bag.

Binuksan niya yung pinto bago kami pumasok, tahimik ang bahay. Nakakapanibago, madalas kasi ay nagkakaingay silang lahat lalo na si Kuya Jimin, Kuya Hoseok at si Kuya Taehyung. Tapos umaabot hanggang sa kapit bahay yung bunganga ni Jin dahil kinakagalitan niya si Kuya Namjoon.

Pero walang kahit anong ingay akong naririnig, kaya naman ng binagay ko yung gamit ay dumiretso ako sa kusina kung saan inaasahan ko si Jin, napangiti ako ng makita ko ang pamilyar na malawak na balikat.

"Jin!" Sigaw ko.

Biglang napatingin sa akin si Jin at bakas ang gulat sa mukha niya.

"H-Honey?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Pero parang nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko ng makita kong gulat lang si Jin pero hindi siya masaya, parang hindi siya masaya na nandito ako.

"Anong ginagawa mo dito? Kaylan ka bumalik?" Tanong niya sa akin bago niya pinatay yung kalan, hindi siya lumalapit sa akin katulad ng nasa isip ko.

Akala ko ay kapag nakita niya ako ay tatalon siya sa akin tapos iuuntog niya ako sa pader sa sobrang saya niya pero hindi.

"Kanina lang, kakauwi lang namin ni Suga." Sabi ko.

Nakita kong sumama tingin ni Jin ng makita niya si Yoongi sa likod ko. Nagbalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ng makita kong parang nag uusap sila gamit yung isip nila. What the hell?!

"Honey, bumalik ka na sa Japan." Sabi sa akin ni Jin.

Bigla akong naguluhan sa sinabi niya, tiningnan ko siya sa mukha niya para masigurado ko kung hindi ba siya nagbibiro, umaasa akong may makita ako ng bakas ng pagbibiro sa mukha niya pero wala. Wala kahit isa. Seryoso siya sa sinabi niya.

"Kakauwi lang namin oh, papauwiin mo na agad kami?" Nahimigan ko yung panginginig ng boses ko. Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak.

"Ayaw mo ba ko dito?" Kahit natatakot ako sa isasagot niya ay nagbakasakali ako.

"Ayoko Honey na nandito ka, kung pwede lang na ibalibag kita ngayon pabalik sa Japan ay ginawa ko na Honey, masaya ka naman na kamo di ba sa Japan? Bakit bumalik ka pa?" Tanong ni Jin sa akin.

"Bumalik ako kasi namimiss na kita." Mariin na sabi ko sa kabila ng panginginig ng boses ko.

"Namiss din kita Honey, pero walang silbi yung pagkamiss ko kung gugulo lang ang lahat dahil sa pagbalik mo."

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon