Draft 005

3.9K 240 148
                                    

Dear Kookie,

Kung sa mga oras na binabasa mo 'to ay malungkot ka na, o pakiramdam mo ay wala ka ng silbi, o gusto mo ng mamatay dahil naiinis ka na dahil wala ka ng matandaan, o dahil gusto mo ng mamatay kasi unti-unti mo ng nakakalimutan ang mga pangalan ng mga taong mahal mo, o dahil unti-unti mo ng nakakalimutan ang mga hilig mo, o dahil gusto mo ng mamatay dahil pakiramdam mo iyon na yung huling paraan.

Sige lang, hindi kita pipigilan.

Alam kong nahihirapan ka na, alam kong nasasaktan ka na, alam kong naiinis ka na. Kasi sa mga oras na binabasa mo 'to paniguradong nakalimutan mo na kung sino ka dahil hindi mo naman bubuksan yung cellphone mo kapag natatandaan mo pa kung sino ka. Kaya kung gusto mo ng tapusin lahat ng 'to. Sige lang Kookie, hindi kita pipigilan.

Tuwing iniisip ko palang kung gaaano kasakit yung pakiramdam na gusto mong makaalala pero wala kang maalala ay gusto ko ng mamatay, papaano pa kaya ikaw, na iyan na mismo yung nararamdaman ngayon.

Kaya Kookie, kung gusto mong mamatay na. Hindi kita pipigilan, kumuha ka ng kahit anong matalim na bagay diyan at isaksak mo sa sarili mo, o tumalon ka sa matataas na lugar, kahit na inumin mo ng isang lagukan lang lahat ng gamot mo. Sige lang, hindi mo rin naman maaalala na yan.

Pero ipangako mo sa akin na bago mo gawin 'yan, tandaan mo muna lahat, pilitin mong tandaan yung unang beses nyong nag-away ni Kuya Suga dahil sa bola pero sa huli ay binagay niya rin sa'yo yung bola kasi hindi ka niya kayang makitang umiiyak, tandaan mo yung mga panahon na tinuturuan ka niyang magpiano kasi kaylangan mo sa music class nyo pero hindi mo rin natutunan kaya kumanta ka nalang, tandaan mo yung nag-away kayo ni Kuya Jin kasi akala mo siya yung kumain ng cake na binili mo para kay Honey pero ang totoo ay si Kuya Suga pala ang kumain, tandaan mo yung nabasa mo sa diary na tinago ni Honey yung cookies na ibibigay nya sayo at kinuha mo yun para matikman mo yung cookies pero binigay mo rin agad kay Kuya Suga mo ay dapat siya ang kumain nun.

Tandaan mo yung nag-ayaw kayo ni Kuya Suga noong nalaman mong hinalikan niya si Honey, tandaan mo lahat ng selos mo noon na pilit mong itinago sa sarili mo kasi kaylangan mong pigilan yung nararamdaman mo. Tandaan mo sa lahat ng malulungkot na nangyari sa'yo mas marami ang naging masaya ka, yung lagi kayong nag-aaway na magkakapatid pero pagkatapos ng ilang oras magkakabati na agad kayo, yung pagtanggap nyo sa isa't isa kahit iba iba yung nanay nyo. Mahal na mahal mo silang lahat at naging masaya ka talaga sa buhay mo.

Lalong lalo na sa relasyon nyo ni Honey. Tandaan mo yung sinagot ka niya, kung gaano ka kasaya noon. Tandaan mo unang beses mong hinalikan si Honey, tandaan mo yung ngiti niya noon. Tandaan mo yung unang beses kayong nagdate, yung unang beses mong hinawakan yung kamay niya, yung unang beses mong siya yinakap. Tandaan mo lahat kung gaano ka kasaya ng mga oras na yun.

Kasi makakalimutan mo na rin naman 'yan, wala ka na rin naman matatandaan kapag namatay ka na. Kaya kahit papaano, kahit sa huling oras mo dito sa mundo, tandaan mo lahat. Pilitin mo. Kookie, parang awa mo na. Tandaan mo silang lahat.

Love, Kookie from 2017.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon