Diary 032

5.3K 343 54
                                    

Dear Kookie,

Kanina nagkakita kami ni Kuya Hoseok, kumakain ako sa isang mcdo nung nakita ko siya, mag-isa lang akong kumakain doon kaya naman umupo na rin siya sa harap ko dahil mag-isa lang din sya at parehong vacant naming dalawa.

Ang bait pa rin talaga ni Kuya Hoseok no? Effortless nya akong napapatawa, hindi naging boring ang usapan namin kasi lagi syang nagpapatawa, kinamusta pa nga nya ako kung iniinom ko pa rin yung gamot ko. Bigla ko tuloy naalala na tinigil ko na yun, alam ko kasing kahit ituloy ko pa yun wala na rin naman ng mangyayari. Hindi naman na mababalik yun, hindi ba? Masaya na ko sa kung anong meron ako ngayon. Di na ko hihiling ng kahit ano pa, masaya na ako na nakilala kita Kookie. Nakilala ko kayong magkakapatid. Naging parte na kayo ng buhay ko, kaya hindi ko na talaga iinumin yung gamot na yun, ayoko ng umasa.

Hinatid ako ni Kuya Hoseok sa school, nakita nyang may nag-abot sa akin ng bulaklak, biniro nya ko na itabi ko daw yun panigurado daw na sobrang importante nun para sa nagpapabigay, nakonsensya tuloy ako, hanggang ngayon nakatabi pa rin lahat ng lillies dito sa kwarto ko kahit ang ilan dito ay nabubulok na, minsan naiisip ko na ang weird talaga ng mundo no? Ang weird talaga kasi pakiramdam ko mahal pa rin kita pero gusto kong makilala pa lalo si Kuya Suga.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon