Honey 009

4K 232 76
                                    

Akala ko magiging masaya yung pagbalik ko dito pero hindi, pagkahatid sa akin ni Yoongi sa apartment na uupahan ko ay umalis na agad siya dahil kaylangan muna daw niyang matulog.

Pero yung tulog niya inabot ng dalawang araw, binangungot na yata.

Kahit alam niyang iyak ako ng iyak dahil sa sinabi sa akin ni Jin ay nagawa pa rin niya akong iwanan kaya nagtatampo ako sa kanya tapos hindi man lang niya ako pinupuntahan sa apartment, alam naman niyang hindi ako makakapunta sa kanila dahil magkagalit kami ni Jin.

Ang plano ko ay hindi pansinin si Suga dahil sa ginawa niya sa akin pero nung may nagdoorbell sa aparment at nakita ko siyang bihis na bihis ay nawala lahat ng plano ko dahil inakap ko siya ng mahigpit.

Hinintay lang niya akong makapagbihis na at makapag ayos, ngayon kasi yung pinangako niya sa akin na pupunta kami sa isang ospital dahil sa isang event doon para kumanta ako sa harap ng mga pasyente.

Pilit kong chinicheer up yung sarili ko kahit wala akong maramdaman ng kahit anong klase ng saya sa akin. Parang bang may blanko na pakiramdam sa loob ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Nang makarating kami sa ospital ay nakita ko kung gaano kadaming pasyente ang manunuod sa akin. Nagpaalam sa akin si Suga na magsiCR lang muna siya, maglakad lakad muna daw ako kaya naman iyon ang ginawa ko.

Ngiting ngiti ako habang tinitingnan ko yung batang pasyente na nakikipaglaro sa isang matandang pasyente rin. Pero narealize kong medyo matagal ko na rin pala silang pinapanuod kaya naman naglakad na ulit ako pabalik pero habang naglalakad ako ay biglang nawala yung ngiti sa mukha ko ng may makita akong isang pamilyar na lalaki na naglalakad.

Parang mas lalo akong nakaramdam na blankong pakiramdam sa loob ng tyan ko habang pinagmamasdan ko siya, ang laki ng pinayat niya pero ganoon pa rin naman yung hitsura niya. Bakit siya nandito sa ospital?

Kahit nagulat ako sa kanya ay hindi ko pa rin maialis yung tingin ko sa kanya at hindi ko rin matigilan ang paglalakad ko.

Napatingin siya sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan kung kakausapin ko ba siya kung kakamustahin ko ba siya o hindi na lang pero bago pa ako makapag isip ng ayos ay nilagpasan na niya ako.

Nung makabalik na si Suga ay wala pa rin ako sa sarili, panay ang tanong niya sa akin kung ayos lang daw ba ako at sinasabi ko naman na okay lang ako. Hindi ko na binanggit sa kanya si Jungkook dahil baka mag isip pa siya ng kung ano, kung si Jin nga na bestfriend ko ay pinagseselosan niya, si Jungkook pa kaya na ex ko.

Kanina pa pala nagistart yung program, nakaupo kami ngayon ni Yoongi sa labas katabi ang ilang pasyente. Nilalaro ko yung isang batang babae na may pasyente rin habang hinihintay kong tawagin yung pangalan ko.

Si Yoongi naman ay kausap ang isang doktor na lalaki kanina pa, hindi ko na mamamalayan yung oras kung hindi ako kinalabit ni Yoongi.

"Alis lang kami saglit, may pag uusapan lang kami." Sabi ni Yoongi sa akin, napatingin ako sa doctor na naghahantay ng isasagot ko.

Hindi ba sila pwedeng mag usap sa tabi ko? At isa pa kanina pa sila nag uusap ah? Hindi pa ba sila nakakapag usap sa lagay na yun?

Pero dahil pareho lang silang nakatingin sa akin habang naghahantay ay napatango nalang ako at mas pinili ko nalang na huwag magtanong.

Naglakad na sila papunta sa loob ng ospital, sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapasok sila, nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko ay mabilis akong napatingin doon. Nakita kong yung MC ang tumatawag sa pangalan ko.

"Ms. Honey?" Tanong ulit ng MC nang makita niyang wala pa rin tumatayo.

Kaya naman mabilis akong napatayo at natuon sa akin ang atensyon ng Mc.

"Kayo po ba si Ms. Honey?" Tanong sa akin ng MC at tumango naman ako habang naglalakad ako papuntang stage, binalikan ko ulit ng tingin yung pinto kung saan pumasok si Yoongi at yung doctor, hindi tuloy niya ako mapapanuod kumanta ngayon, hays.

Narinig kong nagpalapakpakan yung tao kahit hindi pa ako nagsisimula kaya naman mas nauna pa yung kaba ko kaysa sa pagiisip ko ng tama.

Huminga ako ng malalim bago ko kinuha yung mic. Nang marinig ko ang intro ng "I Have To Forget You" ay mas lalo akong kinabahan dahil ito yung unang beses na kakanta ako sa harap ng maraming tao.

Pumikit ako ng magsimula akong kumanta, pero ng nasa kalagitnaan na ako ng pagkanta ay binuksan ko ang mata ko at tumama sa isang specific na tao yung paningin ko, may kasama siyang babae sa upuan pero hindi sila nag-uusap.

Nakita kong nanunuod sa akin yung babae, nang mapansin ng babae na kay Kookie ako nakatingin ay tinuro niya ako dito. 

Nang magtama ang paningin namin ni Kookie ay nakita kong nagtataka siya habang nakatingin ako sa kanya kaya naman pinikit ko nalang ulit yung mata ko para mas makakanta ako ng ayos.

'I love you but I have to leave you, this is so hard

It was dark but I knew that tears were flowing from your eyes
I am only giving you scars but some day, you will understand my heart

I may regret leaving you but it's because I love you'

Pagdilat ko ng mata ko ay nakita kong nakatayo na siya at nakatingin ng diretso sa akin habang inosente akong pinapanuod. Nakipagtitigan ako sa kanya pero wala man lang siyang kaemo-emosyon.   

 'I can't forget that I love only you but I need to erase you and my sadness'

Nakita kong ngumiti siya sa akin kaya naman napangiti rin ako ng wala sa sarili ko pero ng tumama ang paningin ko sa may likod niya ay nakita ko si Suga na nakasandal sa dingding habang nakacross arms at pinapanuod ako mula sa malayo.

 'I may regret but goodbye my love'

Nakita kong ngumiti sa akin si Suga kaya naman ngumiti ako sa kanya pabalik, pero may kakaiba sa ngiti niya na yun.

Kasi ngayon ko lang siya nakitang ngumiti pero malungkot yung mata niya.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon