Draft 001

3.6K 213 40
                                    

Dear Kookie,

Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ba yung mga detalye na 'to ngayon kapag binabasa mo na 'to, pero tandaan mo, ikaw na nagbabasa ka. Ikaw si Jeon Jungkook, Kookie yung tawag nila sa'yo. Pinanganak ka nung September 1, 1997. May anim kang kapatid na mas nakakatanda sa'yo. Si Kim Seokjin, Min Yoongi, Jung Hoseok, Kim Namjoon, Park Jimin, at si Kim Taehyung. Magkakaiba man yung apilyido nyo pero magkakapatid kayo. Mahilig kang kumanta, sumayaw, at magdrawing. Mahilig ka rin magvideo at magpicture, madami kang kaibigan kaya hindi ko na masasabi sa'yo lahat ng pangalan nila, pero sa tanang buhay mo. Iisang babae lang yung minahal mo. Si Yoon Honey.

Kung naiinis ka ngayon dahil wala ka ng maalala, ikalma mo yung sarili mo. Huminga ka ng malalim at tandaan mo, kahit makalimutan mo lahat ng bagay, kahit dumating sa puntong hindi mo na rin 'to mababasa dahil makakalimutan mo na rin kung papaano magbasa. Wag kang matakot, lagi mong tatandaan na lagi silang nandyan para sa'yo. Hindi ka nila iiwan. Basta magtiwala ka lang sa mga taong nakapaligid sa'yo.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon