Diary 045

3.5K 197 13
                                    

Dear Kookie,

Masaya ako na kasama kita, masaya ako na kahit papaano natatandaan mo na ako, masaya ako Kookie pero natatakot ako, natatakot ako na baka matapos na agad lahat ng saya na nararamdaman ko ngayon. Kookie natatakot na talaga ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makatulog sa gabi, hindi ako makatulog kahit alam kong katabi kita at mahimbing kang natutulog sa tabi ko, hindi ako makatulog kahit pagod na pagod ako. Hindi ako makatulog dahil natatakot ako baka paggising ko hindi mo na ako kilala.

Pero mas natatakot ako na baka paggising ko wala ka na sa tabi ko.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon