Honey 021

3.9K 225 200
                                    

Mabilis kong ininom ang pills na nakatago sa likod ng salamin sa banyo ng kwarto ko, nang marinig kong tawagin ni Kookie ang pangalan ko ay mabilis kong tinago ulit iyon.

Sa sobrang gulat ko ng makita ko si Kookie sa harapan ko ay nakalimutan kong isarado yung salamin. Napatingin siya doon pero sinarado ko rin agad iyon para hindi niya mabasa kung anong nakasulat doon.

"Ano yun?" Tanong niya sa akin.

"W-Wala, sumasakit lang yung ulo ko." Pagsisinungaling ko bago ko siya nilagpasan at lumabas ako ng banyo.

"Bakit parang wala ka yata sa mood?" Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran bago niya binaon ang mukha niya sa leeg ko.

"Pagod lang ako, masakit rin yung ulo ko."

"Hmm?" Naramdaman kong bumaba yung kamay niya kaya naman napapikit ako ng mariin bago ko inalis yung kamay niya sa baywang ko.

"Tigilan mo ko Kookie ha, kakagawa lang natin niyan kagabi, pagod ako." Mariin na sabi ko sa kanya bago ko umalis sa kwarto ko at dumiretso ako sa kusina.

"Kagabi?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

Iritado ko siyang tiningnan pero nakita kong naguguluhan siya kaya naman napabuntong hininga nalang ako para ikalma yung sarili ko. Nadidepressed na ako, aminado ako. Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko, natatakot ako sa araw-araw na paggising ko.

Ako na nagsabi sa sarili ko na dapat sulitin ko yung mga araw ko kasama siya pero hindi, natatakot ako. Natatakot lang ako.

Natigilan kaming dalawa sa pagtititigan namin ng biglang tumunog yung cellphone ko, mabilis kong pinuntahan iyon para tingnan kung sino yung tumatawag.

"Hello, Jimin?" Bahagya akong lumayo kay Kookie pero bago ko pa tuluyang marinig yung sasabihin ni Jimin ay mabilis nyang inagaw sa akin yung cellphone ko.

"Sino to?" Tanong nya sa akin sa galit na tono.

"Si Jimin! Akin na nga yan!" Sigaw ko sa kanya bago ko pa makuha yung cellphone ko ay binalibag na nya iyon.

Kitang kita ko kung papaano mabasag ang screen ng cellphone ko. Napahawak ako sa bibig, lalapitan ko na sana sya para itulak pero nakita kong napakundap siya ng ilang beses bago sya napatingin sa buong paligid bago walang malay na naglakad papalayo sa akin.

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang iritasyon ko, nakalimutan nya agad. Nakalimutan nya agad na nagtatalo kaming dalawa.

Bumagsak nalang yung luha ko bago ko mabilis na pinunasan iyon dahil sa takot na baka makita nya akong umiiyak at magtaka sya kung bakit ako umiiyak.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko at nakita ko syang naglilibot doon na para bang may hinahanap, nang makita nya ako ay agad na lumawak yung ngiti nya.

Pero nawala yung ngiti nya ng titigan nya ako.

"Kanina pa kita hinahanap." Nakangusong sabi nya, para bang maiiyak na sya kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin sya.

Parang kanina lang nagtatalo kami.

"Nasan nga pala yung laptop mo?" Tanong ko sa kanya.

"L-Laptop?" Nagtatakang tanong nya.

"Laptop, as in laptop. Kakagamit mo lang nun kagabi, ichachat ko lang si Jimin." Sabi ko sa kanya.

"S-Sino si Jimin?"

Parang bumagsak yung puso ko sa tanong nya.

"Si Jimin, kapatid mo." Hinawakan ko siya sa braso nya para tingnan sya ng diretso sa mata nya para malaman ko kung nagsisinungaling ba sya o hindi.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon