Diary 042

3.8K 235 36
                                    

Dear Kookie,

Alam naman nating pareho na nakipagkita sa akin si Taehyung hindi ba? Hindi ko lang maintindihan Kookie is bakit? Bakit kaylangang ibalik sa akin ni Taehyung lahat ng binigay ko sa kanya na bigay mo sa akin? Bakit nagbago yung isip niya ng ilang araw? Na parang nung nakaraan lang pinipilit pa niya ako na magmove on sayo pero ngayon ay ayaw na niya akong magmove on sayo? Bakit kaylangan mong sumunod sa kanya at hilahin siya paalis ng shop? Bakit kaylangan nyong magsigawan? Bakit kaylangan mong kunin lahat ng binigay mo sa akin at umalis na wala man lang pasabi? At higit sa lahat bakit kaylangan nyo pang gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao?!

Hindi ko alam kung anong meron sa inyong magkakapatid at kung bakit ang hilig nyong gumawa ng gulo. Naistress na ako sa inyo.

Plus etong Kuya Suga mo, hindi ko alam na may tinatago palang kakulitan sa buhay ang isang to, panay ang sunod sa akin. Pati sa school ay sinusundan niya ako pero hindi naman siya nagsasalita, basta nakasunod lang siya sa likod ko, para siyang konsensya na hindi ako titigilan hangga't hindi ko tinatama yung ginagawa kong mali.

Hanggang sa dinala na naman niya ako sa coffee shop na yun, hindi ko alam kung anong meron doon Kookie pero #beristressed na talaga si ako. Kasi parang may dapat akong maalala pero hindi ko maalala. Tsaka alam mo ba hanggang sa makauwi ako ayaw niya akong tigilan, naistress na nga ako kakaisip sa ginawa nyong eksena ni Taehyung nung umaga tapos nung tanghali naman panay ang panggugulo sa akin ni Kuya Suga to the point na sumama siya sa akin pauwi sa amin. Kulang nalang sumama na rin siyang matulog sa akin sa kwarto ko.

Kaya para tumigil na siya sinabi ko na, oo. Pumapayag na akong ligawan niya ako.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon