Chapter 2

12.8K 272 15
                                    


***1 month later***

Masarap na sana ang pagtulog ko, pero parang may nagva-vibrate sa ano ko-- Hala, ano to? Bakit sa.... Lintek! Sa ANO ko pa nag vibrate ang cellphone ko! Manyak rin to eh! O, malikot lang ako matulog?

Tiningnan ko naman kung anong problema ng cellphone ko at kung baki nagvibrate ito ng ganitong ka aga sa umaga.

Alarm? Ba't nag alarm ako? Ano bang meron ngayon?

Tiningnan ko yung date..
June 16? Hindi ko naman birthday ah?

Anak ng tinapa!

FIRST DAY OF SCHOOL pala ngayon!

Ba't hindi ko pa naisip yan!? Eh hindi pa nga prepared ang mga gamit ko ah! Kasi wala akong ganang pumasok sa school na yan. Parang may na fe-feel akong hindi maganda. O, na sisiraan nanaman ako? Tss bahala na nga. Titiisin ko nalang. Para sa PARENTS ko. Hmp. Kahit galit ako sa kanila, mahal ko parin sila.

Binuksan ko naman yung bag ko para e handa ang mga school supplies ko.

Pero pag bukas ko, kumpleto na siya ah. Nasa loob na ang lahat. Notebooks, books, ballpens, haircomb, mirror, at iba pang importante na kakailanganin sa school. Si mama ba nag prepare nito kagabi? Na awa tuloy ako kay mama. Ako nga tong may pa galit galit sa kanya tapos siya patong hindi nakalimutang mag prepare para sa akin. Hayst. Ang salbahes kong anak.

Naligo na ako agad. Hindi na ako nag babagal bagalan. Hindi katulad sa ibang babaeng halos ma abutan ng isang taon kung maka ligo.

Tapos kinuha ko na ang damit ko. Hindi ako naka uniform ngayon kasi tutal first day naman ngayon tapos new student pa ako, kaya okay lang siguro.

Pagbaba ko, may na aamoy na akong mabango. Pumunta ako sa kusina, si mama pala tong nag luluto. Sinilip ko kung ano itong niluluto niya, cornbeef at egg. Alam talaga ni mama yung paborito ko. Napa ngiti naman ako sa likod niya. Pero hindi ko ito pinakita.

"Oh, sakto lang. Tapos na ang niluto ko. Kain ka na anak."  Sabi niya habang dinadala ang pagkain papunta sa lamesa. Tinago ko naman agad ang ngiti ko kanina.

Umupo nalang ako, at nag simula ng kumain. Na mi-miss ko tuloy yung paborito ko. Ewan ko lang bakit hindi ako nakaka kain nito duon sa dati naming bahay.

Pagkatapos kong kumain, umakyat ulit ako sa kwarto ko para mag sipilyo. Siyempre hindi yan dapat makalimutan. May makakausap ka kaya. O wala pala. Baka useless lang ang pag toothbrush ko tapos wala pala akong kausap duon sa bago kong school.

Tapos bumaba na ulit ako kasi parang ready na ako.

PARANG lang ha. Sabi ni Dad, i-hahatid muna daw niya ako ngayon kasi hindi ko pa kabisado ang daan papunta duon. Kaya wala akong choice. Kinuha ko na ang bag ko kasi sti-nart na niya ang kotse. Kinuha ko na ang bag ko tapos napahinto naman ako sa
pinto-an. May nakalimutan pala ako.

Ni lapitan ko si mawmaw duon sa kusina na nag huhugas ng plato at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you"
Nagpasalamat ako sa kanya.

Niyakap naman niya ako at hinalikan sa noo.

"You're welcome anak. Osya! Baka ma late ka pa. Behave ka duon ha?"
Dati pa naman akong behave ah.

My Morena GirlWhere stories live. Discover now