Chapter 6

8.1K 184 6
                                    

Jordyn's POV

Zzzzz... Zzzzz... Zzzzzz... Zzzzz..

Mahimbing akong natutulog sa kama ko nang bigla akong ginising ni mawmaw

"Anak, gising na." sabi niya sabay yugyog sa balikat ko.

"Hmmm.. 5 minutes muna Maw."

Siguro na kulangan ako ng tulog kagabi dahil sa kaka isip kung sino ang pwedeng tumulong sa akin sa pageant na yan.

"Anak? May nahanap ka na bang pwedeng tumulong sayo sa pageant mo?" Tanong niya.

Wah. Nababasa ba niya ang iniisip ko? Kahit natutulog ako na ririnig ko parin siya.

"Wala." tipid kong sagot at bumalik sa paghihilik.

"May nahanap na kasi ako eh. At siya pa ang nag offer."

O__________O

Napadilat at napatayo ako sa kinahihigaan ko nung narinig ko yun. Ouch ang sakit ng likod ko nun ah.

Pero seryoso!? Paano? Kailan? At Sino ito!?? Haayyy! Mabuti nga at naka hanap ka na ma para wala na akong ibang iisipin.

"Sino!?" Napa sigaw tuloy tong tanong ko sa kanya. Curious kasi akong malaman kung sino ito.

"Nasa baba siya, kanina pa naghihintay sayo."

Waaahhh! Nandito siya?!Kailangan ko nang magbihis!

Tiningnan ko muna ang cp ko para tingnan kung anong oras na.

6:43 na pala! Ughhh! Ma le-late nanaman ako neto!

Agad naman akong tumayo para mag sipilyo at maligo ng 5 minutes. Pagkatapos maligo, diretso ako suot ng aking uniform at bumaba na agad.

Alam ko kasing nag prepare si mawmaw sa akin ng pagkain pero hindi ako makakakain ngayon kasi na uubusan na ako ng oras. Kaya sa school nalang ako kakain.

"Maw! Di nalang ako kakain kasi duon nalang ako sa sch------ Ivyy?" Nagulat nalang ako nang makita ko siyang naka upo sa sofa namin. Di ko man sinasabi na bawal siyang umupo.

Ang tanong,
"Bakit naparito ka, Ivy?" At paano niya nalaman ang address ko!???

Nginitian lang niya ako at nag wave ng kamay niya.

"Siya kasi ang tinutukoy kong....." Napalingon ako kay mawmaw. "Tutulong sa iyo" dugtong niya.

0_0

"Siya pala?!" Napa sigaw ako dahil na gulat ako na siya ang tutulong sa akin.

"Bakit?? Ayaw mo ba sa akin?" Tanong ni Ivy at nag pa sad face.

Hindi naman sa sinasabi ko na ayaw ko na siya ang tumulong sa akin. Nakakahiya lang kasi parati ko siyang iniiwasan sa school tapos siya pala tong may ganang tumulong sa akin. Diba ang unfair ko lang? Di ko nga siya na turing kaibigan eh. Kakilala lang. Oo, totoo yan. Yung day na umiyak siya? Naging mabait ako non. Kasi alam kong... Basta

My Morena GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin