Chapter 26

4.5K 100 6
                                    

Kelsey's POV

Tahimik lang akong nagbabasa sa aking favorite na libro nang lumapit ang dalawa kong lokaret na kaibigan.

"Girl, may news kami." Ani ni Kia.

Binuksan ko lang ang palad ko at hinarang sa mukha nila. "Huwag muna ngayon. Nagbabasa pa ako." Sabi ko while still looking at my book. Ayaw ko pa naman na dinidistorbo ako pag may ginagawa ako.

"Don't you wanna hear it? I'm sure ma gugustohan mo ito pag nalaman mo." Naka tango tangong sabi nilang dalawa ni Chelsey.

"Nope. Still don't wanna hear it." Walang gana kong sagot.

"Kahit tungkol ito kay, Tyler?" Tanong ni Kia.

Napatingin naman ako sa kanya ng blangko. "Ano namang paki ko dun sa kanya? Wala na kami diba?"

Ngumisi lang silang dalawa at may ipinakita sakin na isang litrato sa cp ni Kia.

"Take a look." Ani niya.

Ang nasa litrato naman ay si Tyler na naka bike at may naka angkas na kulay kayumanggi ang balat ng babae. At mukhang sayang saya pa sila ah. Mabuti naman at hindi na sagasaan.

"Ang kapal talaga ng mukha ng negrang babaeng yan noh? May talent din palang lumandi!" Singhal ni Chelsey.

"At si Tyler pa talaga ang napili niyang landiin." Dugtong ni Kia.

Umakyat naman ang mga dugo ko papunta sa ulo ko bukod sa mga pinagsasabi nila.

Oo, wala akong pakialam kahit ibang babae pa ang lumandi diyan kay Tyler basta huwag lang yang kayumanggi na yan!

Huwag na kayong magtanong kung bakit. Basta isa siya sa mga hatelist ko. IKALAWA siya sa mga hatelist ko.

Ang kapal kasi ng mukha niya kung maka sagot sa akin kala mo naman kung sino maka asta. Siya lang kaya tong babaeng sumasagot sa akin. Kala mo naman makinis, YAK!

"Girls, samahan niyo ako mamaya. Kailangan nating turuan ng leksyon yang babaeng yan." Wika ko habang nakatingin sa malayo.

"Akala ko ba wala ka ng pakialam kay Tyler?" Singit na tanong ni Chelsey.

Dahan dahan naman akong tumingin kay Chelsey at tinaliman siya ng tingin. "May reklamo ka?"

"Sabi ko nga magandang idea yan na gumanti sa kanya." Parang binawi pa niya ang nga sinabi niya.

See? Almost everyone here is afraid at me. Yung kayumanggi na yun lang talaga ang may lakas para sumupak sa akin. Galing no?

Basta malalaman niyo lang din kung anong gagawin ko sa kanya mamayang lunch.

Hmm..

*

Okay, ang inaabangan nating lahat.

I confidently stood up nang dinismiss kami para lunch. Hindi ko na kailangan tawagin ang dalawa kong chaka na kaibigan dahil kusa naman talaga yan silang susunod sa akin.

"So? Anong gagawin natin?" Narinig kong tanong ni Kia galing sa likod.

Huminto naman ako para humarap sa kanila. "Bumili kayo ng dalawang itlog." Utos ko.

"Yung luto? O yung hindi luto?"

"May sinabi ba akong, luto?" Tinaasan ko si Kia ng kilay. Hay. Kahit kailan. Wala man lang akong kaibigan na matalino. Pareho silang bobo.

"Eh ano naman ang gagawin natin sa itlog na hindi luto?" Sunod na tanong ni Chelsey na ang dahilan para sumingkit lalo ang mga mata ko.

"Susubukan kong ipakain sayo para malaman natin kung makakasalita ka pa o hindi na." Pagmamataray ko at naglakad na palayo sa kanila.

My Morena GirlWhere stories live. Discover now