Chapter 49

2.9K 98 15
                                    

Jordyn's POV

Kinabukasan...

"Goodmorninggg poooo." Bati ko sa kanilang lahat ng maka baba na ako.

Bumeso na ako kina Mawmaw, Pawpaw, Yaya Mela at nagmano nadin kay MommyLa.

"Oh apo, sumabay ka na sa pagkain namin." Ani ni Mommyla.

"Ay hindi na po, dapat po kasi maaga ako sa school ngayon dahil awarding na." Sabi ko.

"Awarding? Saan?" Tanong ni Mawmaw.

"Sa intrams po, nanalo po kasi kami sa basketball girls." Nakangiti kong sabi.

"Aweee ganon ba?? Congrats anak." Sabi nila sakin.

"Sige po, mauna na ho ako."

"Ay Jordyn, kumain ka lang ng konti kahit sandwhich lang para magkalaman naman yung tsyan mo." Sabi ni Mawmaw.

Tumango naman ako at kumuha na ng sandwhich na may masarap na palaman.

Pagkatapos kong kinuha yung sandwhich, naglast kiss muna ako sa kanilang lahat at tuluyan ng lumabas ng bahay.

*

Fast forward muna tayo dahil boring boring pa sa eksenang to.

Last day na pala ng intrams namin. Tas back to aral nanaman kami.

Ang mas nakakainis lang kakatapos lang ng intrams namin, papalapit na agad yung periodical exams namin.

Like next week.

Yes, next week na. Ganun ka bilis.

Yung kala mo naman may lakad sa sobrang bilis.

Kasama ko pala ngayon si Ivy naglalakad papunta sa campus dahil nga awarding na at kaming lahat pinapapunta na sa quadrangle.

"Habang tumatagal, nagiging sweet na talaga kayo ni Tyler no." Nakangiting tugon ni Ivy.

Ngumiti lang din ako. "Ako pa! Haha sabi ko sayo unti-unti ng nade-develop sakin si Tyler."

"Umamin na siya sayooo??!" Gulat na tanong niya.

"Hindi pa. Pero I'm sure malapit na." Nakangisi kong sabi.

"Eh ikaw? Kailan ka ba aamin sa kanya na gusto mo siya?" Sunod niyang tanong.

"Oo, aamin ako pero hindi pa ngayon."

Kasi ngaaaa. Sabi ko, huwag munang magmadali guys baka madapa kayo at masugatan kayo haler.

*

Nandito na kaming lahat sa quadrangle.

Wala na akong pake kahit magkita pa kami ng bangkay nayun. Problema na niya yun.

Skip muna tayo dahil mahaba haba pa yung awarding hehe. Nakakapagod ng makinig.

"Our 1st placer in Chess goes to, Ivy Delores from the Grade 10 Section A!" Si Ma'am Carmen yung tig announce ng mga winners.

Umakyat na si Ivy sa stage at sinuot na sa kanya yung medal.

Pumalakpak naman ako ng malakas.

Wooh! Proud parin ako sa kaibigan ko kahit loka loka to!

Bumaba na si Ivy at bumalik ulit sa akin.

"Sos HAHA kala ko pa naman pera ibibigay." Natatawa niyang sabi.

My Morena GirlWhere stories live. Discover now