Chapter 42

3.5K 110 24
                                    

A/N: play niyo po yung song sa taas para mas maganda at masaya. Promise masarap sa tenga. HAHA

Jordyn's POV

After 1 hour...

Natapos na kami ni Tyler sa pagtututor dahil nga isa lang yung subject na pinag-aralan namin.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Tyler habang nag papasok na ako ng mga gamit sa bag ko.

At dahil diyan HAHAH hindi muna ako sasagot ng oo.

"Bakit?"

"Pwede ka bang mag stay kahit sandali lang?"

0__o

Wew. Feeling ko namula ako sa sinabi niya.

Tiningnan ko muna kung anong oras na.

Alas sais pa. Maaga aga pa pala.

Mamaya nalang ako mga alas syete uuwi.

Kahit ikaw naman eh, pag sasabihin ka niyan ng crush mo imposible namang tatanggi ka diba? Ano? Mas pipiliin mong mapagalitan ka o makasama mo si crush? HAHA.

Pero I have nothing to worry naman eh. Dahil alam naman ng parents kong nagtututor pa ako. Tsaka hindi naman kami mag lalakwatsa diba.

"A-Ah hmmm sige, okay lang." Nakangiti kong sabi.

Girls, dapat chill lang kayo sa mga sitwasyong ganito. Naku, huwag mong sobraan yung pagiging pakipot mo ah? Dapat relax lang. Ayaw mo namang mag isip ng negatibo yung tao sayo diba. Mas maganda pa nga mag play hard to get ka diba? HAHA.

"Tara, duon tayo sa taas." Ani niya.

Teka? Anong taas ang pinagsasabi niya?

Lumabas naman siya ng pinto kaya sumunod lang din ako.

Nasa building parin kami ng apartment niya. Umakyat lang kami papunta sa taas.

Ano gamit namin? Malamang hagdan -_-

Pero ngayon ko lang napansin na may pa akyat pa pala? Akala ko kasi ang last na floor na yung kay room ni Tyler.

Mga dalawang hagdan ang inakyat namin, nang makarating na kami sa--

Oohh? May rooftop pala dito ah.

Medyo maluma luma nga lang at halatang walang tao talagang pumupunta dito.

Mga sirang bagay, bakal, at tubo lang yung nnadito eh.

Pero maganda yung view sa itaas. Kagaya sa mga palabas na nakikita mo, maraming bituin.

"Upo ka." Sabi niya.

0__0

^__^

"Really???" Natatawa kong sabi.

"Oh bakit naman?"

"Mag te-tea party ba tayo?"

Napatawa din siya. "Pwede din, haha dito kasi talaga yung stambayan ko."

Eh kasi ang cute lang eh.

May puting kumot na tinayo pa ito parang mag mukhang tent at may mga naka palibot na mga LED lights.

Ay basta alam niyo na yun, yung parang mapapangiti ka nalang dahil kahit simple lang, creative parin siya tingnan.

Nagpwesto na kaming dalawa sa loob.

Komportable pala dito dahil may mga maliliit na unan. Dagdagin mo pa yung presko ng hangin.

Nag bukas naman siya ng dalawang coke na can at binigay sakin ang isa.

My Morena GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon