Chapter 45

3.2K 88 31
                                    

Jordyn's POV

🔊"Okay! Section A&B - Boys soccer players, gather here at the football feild. I repeat GATHER here at the football feild. The game is about to start in 5 minutes!"

O______O

Narinig kong announcement.

Magsisimula na pala tapos ayaw pang sumama netong ugok nato!!!!

"Sumama ka nalang sabi! Saglit lang naman yung laro nila. At nangako na ako sa kanya na manunuod ako!" Inis kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Wala na akong pakialam. Mas importante pa yung gagawin ko kesa sa Austin mo na yan."

Anak ng tinapa!!!!

Ano bang kailangan kong gawin para mapasama ko siyaaaaa!!!!??????

Wala din akong pakialam kung gaano ba yan ka importante yung gagawin niya dahil mas mahalaga pa sakin yung oras ng Byby Tyler ko!

Napakamot ako ng malakas sa ulo. "Naman eh! Sinabing saglit lang! Tapos pwede mo nang gawin anong gusto mo!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Kung sino sa atin ang dapat masusunod, ako na yun." Ani niya.

Inirapan ko siya. "Eh paano kung ayaw ko din?"

"Edi kawawa ka. Di naman mababa pain tolerance ko." At nauna siyang maglakad.

Tri-ny ko kung kakayanin ko yung sakit pero, >__<

"AAAARGHHH! SAGLIT!" Humabol nalang ako sa kanya.

Lintek! Ganyan ba ka baba ang pain tolerance ko? Hindi pa nga siya nakakalayo ng 1 meter masakit na masyado yung pagkuryente!

*

Pumasok siya sa Student Council's room sumunod naman ako.

"Sirado mo ang pinto." Utos niya.

-___-

"Tsk." Sinirado ko naman ang pinto.

Napansin ko naman na kami lang pala dalawa dito.

Wooooo!

Ang lamig naman dito! Ang lakas lakas ng aircon.

Umupo siya sa isang study table.

At malamang tss.. kailangan ko ding umupo katabi niya.






Tyler's POV

"Ah sorry pero may uupo na po dito." Sabi ko sa babaeng uupo na sana.

Nag reserve na ako ng upuan para kay Jordyn dahil napansin kong marami palang tao manunuod sa laro namin.

"Pre, haha parang wala kang kinukwento samin ah." Nakangising sabi ni Renz.

"Huh? Tungkol saan?" Nagtataka kong tanong.

"May pagtingin ka na yata kay Jordyn eh." Dugtong niya.

"Oo nga. Hahaha!"

"Ikaw haaaaaaa."

"Kayo na ba?"

Tukso ng iba sakin.

Napatawa nalang ako.
"Dun na nga kayo! Ang iingay niyo." Pagtaboy ko sa kanila habang nakangisi padin sila sakin.

Nilagay ko nalang ang tubig at towel ko sa upuan na ni reserve ko para kay Jordyn para wala talagang uupo.

Pumunta nadin kaming lahat sa gitna para mag warm up.

My Morena GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora