Chapter 27

5K 128 21
                                    

Jordyn's POV

                Principal's Table
  Bangki                                 Ako

Ganyan ang arrangement namin nang maka pasok na kami sa office. Malinis na ang mga mukha namin ni bangki habang puno parin ng mansta ang aming mga uniporme.

Nakasimangot na naka tingin sa akin si Bangki habang naka kuyom ang isang kamao niya sa lamesa.

Inirapan ko lang siya. Kahit mag wild pa yan siya diyan, hindi ko siya pipigilan at wala akong pakialam. Hmm!!!

Umupo na din si Ma'am Carmen sa harapan namin habang nagpupunas sa kanyang mukha gamit ng towel.

Patay talaga ako neto. Nag aamoy sinigang na si Ma'am :(

"Sino sa inyo ang nagsimula ng gulo?" Tanong ni Ma'am sa amin.

Sasagot sana ako nang inunahan ako ni Bangki.

"Yang itim na pusa na salot sa lipunan." Sagot ni Bangki nang hindi naka tingin sa akin.

Naningkit naman ang mga mata ko. Siya na nga ang nangmintang, may insulto pang kasali. Lang hiya.

"Ay Ma'am, huwag po kayong maniwala diyan sa kanya." Nginitian ko si Ma'am Carmen. "SIYA talaga ang nang una!" Tinuro ko si Bangki.

Blangko lang ang reaksyon ni Bangki at tumingin kay Ma'am. "May nagtapon sa akin ng itlog at amoy na amoy ko talaga na siya ang may gawa nun." Ani niya.

Kumulo naman ulit ang dugo ko sa mga pinagsasabi niya. "Huwaw! Ang lakas pala ng pang amoy ng mga bangkay no? Akala ko third eye lang ang meron, may THIRD NOSE na din pala!" Pagpaparinig ko sa kanya. "Basta Ma'am, siya po ang nang una ng gulo. MAGALING lang talaga yan magawa gawa ng storya na akala mo naman pati si DUTERTE maniniwala!!" Nangingigil kong sabi kay Ma'am. Habang kalma padin ang reaksyon ni Bangki.

GRRRRR!!!! naiinis talaga ako tuwing binibigay niya sa akin yang mukha niyang yan!!! Sarap pektusan!!!

"Soss... parang kayong aso't pusa na parating na aaway. Hay.. mahirap yan. Sa huli, kayo talaga ang magkakatuluyan."

Napatingin naman kaming tatlo kay Sir Kaye, isang baklang teacher na umiinom ng tubig na parang sumisingit sa usapan namin.

Napansin ko naman umubo si Bangki na parang sinasabi niya na hinding hindi siya magkakagusto sa akin. Pwe!! Kung ayaw niya sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanya no!!! Pangit ng ugali!!

"You want tubig?" Tanong ni Sir Kaye ng mapansin niyang napaubo si Bangki.

Pinandilatan naman ni Ma'am Carmen si Sir Kaye.

"Sige.. sige.." inilipat namin ang tingin namin kay Ma'am Carmen nang magsalita siya.

"Jordyn, iha. Ang punishment na ibibigay ko sayo, ay maglilinis ka ng---" kumunot naman ang noo ko dahil may punishment na pala ako pero bago ituloy ni Ma'am ang pagsabi niya, lumapit si Sir Kaye at bumulong.

Hindi ko masyado marinig kung anong binulong ni Sir.

Pagkatapos bumulong ni Sir, humarap ulit si Ma'am sa amin.

"Ay hindi.. Ganito nalang. Ang punishment mo, ay este NIYO ay.." pag iba ni Ma'am.

Nanlaki naman ang mga mata ni Bangki. "NIYO?" Tanong ni Bangki to make sure na hindi nga isya bingi.

Tumango naman si Ma'am. "Oo, NIYO." Pagkla-klaro ni Ma'am. "At bakit? May problema ba?"

Umiling nalang si Bangki at sumandal ulit sa kanyang upuan ng padabog.

My Morena GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon