Chapter 33

3.8K 90 8
                                    

Jordyn's POV

Nang makabalik na ako sa quadrangle, patapos na pala yung program dahil na datnan kong naka upo na yung mga bata at nakikinig sa mensahe ni Ma'am Carmen.

"Huwag kayo mag alala dahil babalik pa naman kami bukas." Ani ni Ma'am. "Mag handa kayo dahil may mga sorpresa din kami para sa inyo bukas!"

"YEHEYYY!!" Masayang sigaw ng mga bata.

At nag paalam nadin si Ma'am Carmen sa kanila ganun din kami.

"GOODBYE AND THANK YOU MA'AM CARMEN AND ATE'S AND KUYA'S!!" Pagpaalam din ng mga bata sa amin.

Pagkatapos ng program, nag
si-uwian na din yung mga bata at naiwan kami dito na nag aayos at nagliligpit sa mga kalat at mga upuan.

"Si Jason?" Tanong ni Ma'am Carmen kay Kyle.

"Nanduon lang po siya nakaupo sa----" nagulat naman si Kyle nang nakita niyang wala si Bangki sa may upuan. "Teka Ma'am, kanina lang nakaupo siya diyan."

"Saan naman yun nagpunta?"

"Baka nag cr lang po Ma'am."

Teka, gago to si Bangki eh. Diba nakasalubong ko yun kanina? Eh bakit naman nasa labas yun ng gate kung mag c-cr lang pala eh ang lapit lapit lang ng cr dito sa quadrangle tapos lalabas pa siya.

Pagkatapos naming mag ligpit, nagpahinga muna kami saglit.

At dumating naman yung gunggong na Bangki.

Saan kaya yan nagpunta? Ba't ang tagal? Siguro tumakas lang yan para hindi mautusan. Pfff.

At dahil wala pa kaming kain, pinakain muna kami ni Ma'am sa isang carenderia na malapit nasa loob lang ng school campus.

Grabe. Ang sarap ng sinigang na sabaw nila dito! Pati nga si Ma'am Carmen napa extra rice siya eh.

"Jason, tara sumabay ka na samin. Tikman mo yung sinigang nila, sobrang masarap." Alok ni Ma'am sa kanya.

"No thanks, I already ate." Sagot niya at sumandal ulit sa inuupuan niya habang naka shades.

"Ah Ma'am, saan po yung next stop natin? Mag zi-zipline tayo?" Tanong ni Andrew.

"Anong zipline? Anong tingin niyo sa pagpunta natin dito? Bakasyon? May gagawin pa tayo no." Sagot naman nito.

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa may likuran ng quadrangle kung saan yung garden at mga classroom ng school nato.

Okay, nagprepare na ako ng tubig at panyo dahil eto na daw yung tunay na task na sabi ni Ma'am Carmen. At I'm sure na pagpapawisan ako neto.

Pumasok kami sa isang room na nasa loob ay mga sirang upuan at maduming dingding.

Kaya ang gagawin daw namin, ay ayusin at varnishan ang upuan at pinturahan ang dingding para magmukhang bago eto.

Yung ibang officers naman nasa may garden nag lilinis at nagtatanim para maganda ang bunga.

Para maaga daw kami matapos, nagsimula na sila.

Tutulong na sana ako nangpinigilan ako ni Ma'am Carmen.

"Ops, hindi ka kasali diyan." Sabi nito sakin.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Dahil may sarili kang task. Este kayong task ni Jason." Nakangiti niyang sabi.

Tinawag naman niya si Bangki at dinala niya kami sa isang maliit na classroom na nasira dahil sa lindol.

"Teka, ba't iba sa amin? Di ba pwedeng tumulong nalang kami sa kanila?" Reklamo ni Bangki.

My Morena GirlWhere stories live. Discover now