Chapter 24

5.1K 125 6
                                    

Jordyn's POV

Bumuntong hininga muna ako  tsaka kumatok na din ng pintoan ni Tyler.

*tok tok*

*tok tok*

*tok tok*

*tok tok*

Mga ilang katok na ang ginawa ko wala paring bumubukas nito.

Umalis ba talaga yun? Saan naman din yun pumunta? Hayyy... sana naglagay nalang ako ng locator sa cellphone ni Tyler para malaman ko kung nasaan na siya ngayon.

Aalis na sana ako para hanapin siya kahit di ko naman alam talaga kung nasaan siya.

Pero nag try padin akong kumatok at nang malaman kong wala talagang sumasagot, tri-ny kong inikot ang doorknob.

Nagulat nalang ako nang bumukas ito.

Halaa?? Bakit hindi ni lock ni Tyler?? Baka pinasukan siya? Omygod. Sana hindi naman. Baka naman nakalimutan lang ni Tyler itong hindi nakalock dahil parang wala siya sa sarili niya. Baka nga.

Dahan dahan naman akong pumasok dahil malay natin pinasukan nga ang apartment ni Tyler.

Tahimik lang akong humahakbang ng apak dahil baka may makarinig sa akin.

Ako tuloy tong nagmumukhang magnanakaw -__-

"Tyler?" Mahina kong tawag.

"Tyler???" Ulit kong tawag ng malakas konti.

Tumingin tingin ako sa paligid, wala namang tao ah. Kasi wala talaga akong naririnig na ingay. Kahit tao na humihinga, wala akong marinig. Nakalimutan lang talaga ni Tyler na i-lock ang pinto. Sana naman hindi na ito mauulit.

Nang dahil may napansin akong pinto na maliit na nakabukas, sumilip naman ako para malaman ko kung may tao ba talaga o wala.

I slowly opened the door...

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Tyler na walang malay na nakahandusay sa sahig.

And of course, nagpanic ako. Agad akong lumapit sa kanya at kinapa ang mukha nito.

"Tyler?! Tyler!! Gising!" Sambit ko baka sakaling magising ito.

Nilagay ko naman ang tenga ko sa dibdib niya kung tumitibok pa ba ang puso niya.

Dug..dug..

Dug..dug..

I was relieved nang marinig kong tumitibok pa nga ang puso niya.

"Kelsey... Huwag mo akong iwanan."

Napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita habang nakapikit parin ito. Napansin kong may isang luha na pumatak sa kanyang mata. Pinunasan ko naman ito gamit ang mga daliri ko.

Nakaramdam naman ako ng lungkot nang malaman kong si Kelsey nga parin ang nasa isipan niya.

Naglasing ba to? Wala naman akong nakikitang mga bote ng alak pati baso dito ah.. at hindi din siya amoy alak.

Namamaga lang talaga ang mata niya na nahahalata mo talaga na buong gabi siyang umiyak at walang tulog sa kaka isip niya kay Kelsey.

Suss.. Kung pwede ko lang sana kalbuhin si Kelsey, kahapon ko pa ginawa.

Gusto kong umiyak dahil awang awa na talaga ako kay Tyler. Kung hindi marunong maawa si Kelsey, pwede ko siyang turuan kung paano.

At dahil wala naman akong lakas para kargahin si Tyler sa kama niya dahil sa sobrang tangkad niya, kumuha nalang ako ng malambot na unan at nilagay sa uluhan niya at kinumutan siya. Mukha kasi siyang nilalamig eh.

My Morena GirlWhere stories live. Discover now