Chapter 1

91.4K 2.9K 602
                                    

Phoenix. Natuto kong pangalanan ang mahiwagang ibong umaapoy ang pakpak. Walang araw na hindi ko ito nakikitang dumaan sa'min.

Makikita siya lagi sa ibabaw ng araw, at dumadaan mula kanan hanggang kaliwa. Sumabay ito sa araw-araw kong pagmumuni-muni at pagtitig sa kalangitan.

It's been a habit of me to do this every time I arrive home after class. I wanted to be a normal college girl, but magic forbade me to be so.

Their 'impossible's could be possible for me, but their 'possible's seem far-stretched for me.

Itinapat ko ang kamay ko sa sikat ng araw upang 'di masilaw, ngunit sinilip ko pa rin 'yon nang may naniningkit na mga mata. It's about time the Phoenix passes by our home.

Ang kaninang singkit na mga mata ay nanlaki nang bigla kong mapagtanto na may kakaiba nang nangyayari sa araw.

Ang ibon kung dati'y nagmumula sa ulap, ngayo'y nagmula na sa mismomg araw. Patungo siya sa akin, at ang kaniyang mga nag-aapoy na pakpak ay humampas nang malakas na halos masira ang aming bubong.

Ang kaniyang gintong matang nakatingin sa'kin ay tila ba may sinasabi. Hanggang sa lumapat ang kaniyang mga paa sa tuyot na damuhan sa tapat ng aming bahay.

Napatingala ako sa laki nito, nakatingin pa rin ito sa'kin at ginamit ang kaniyang ulo para ituro ang kaniyang likod.

"Sumakay ka na," rinig kong bulong nito sa aking isipan. For once, I didn't believe something. Sure I have imagined talking animals, but why is this happening to me? Nasanay akong taga-obserba lang.

"Ba't?" mahina kong sambit.

It didn't answer, but it remained there patiently. The flames also calmed down, though it was still there. I took a step forward, but I flinched when the little flap of its wings touched my skin.

Muli akong naestatwa sa kinatatayuan ko, naghihintay ng mangyayari, ngunit wala. Napahawak ako sa sarili kong dibdib at napaisip, maybe it's the start of something impossible.

Mabagal akong umakyat sa likod ng Phoenix. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, gumaan ang pakiramdam ko. Hindi nagtagal, umangat na kami mula sa lupa.

Naramdaman kong humampas ang kaniyang pakpak, miski ang bintana namin ay humampas na rin dahil sa puwersa. Kasabay ng paglipad namin ay ang pagkawala ng tanikala ng takot na kumadena sa'king mga kamay. I felt freedom for once in a long time.

Umihip naman nang malakas ang hangin hanggang sa kimpal ng ulap ang pumalibot sa'min. Mukha namang hindi nabahala ang ibon 'pagkat patuloy lang itong lumipad.

Mahigpit akong nakahawak sa kaniyang mga balahibo. Dahil nga wala akong nakikita sa malaking kimpal ng mga ulap, pinikit ko nalang ang mata ko at dinama ang simoy ng hangin.

Pagmulat kong muli, unti-unti nang nawala ang kimpal ng ulap at bumungad naman sa'kin ang isang napakalaking kastilyo. Mas malaki pa sa mga palasyong nai-i-imagine ko't nababasa sa mga kuwento.

Snow, shining from the sunlight that has touched the castle's peak, rounded and softened the edges of it. Oddly, it didn't seem to be winter, especially around the crenelations on top of castle buildings, where I could catch armored people battle each other with weapons.

Inikot ako ng Phoenix sa paligid, nanatiling lumulipad nang mataas. Hindi ko mawari kung nasaan ako, ngunit sigurado akong nabibilang ako sa lugar na 'to.

Magic was everywhere. It could be seen in the palms of people, in the buildings, in luminescent creatures, in the glowing sea behind the castle, in the wilderness of the forest around. It constitutes of almost everything that I have ever dreamed of.

Napansin kong nakasuot ng uniporme ang mga tao rito, and I wasn't clueless enough to know what this place is. It's a school for magic.

May ilan pa sa kanila ang nakita kong natigilan sa'kin, o sa Phoenix na kasama ko. Hindi ko alam kung ano ang nakakuha ng atensyo nila. . . ang Phoenix ba o akong nakasakay sa likod nito?

My breath hitched when the Phoenix slowly landed to the ground. Bawat baba na nililipad noon ay dagdag sa kaba na kumalabog sa puso ko. I may know what's happening around, but that's when I'm not in the picture.

Ano'ng mangyayari ngayong mapapansin na nila ako? Bakit ako dinala ng Phoenix dito?

I was still wearing the uniform I had in my university, different from what they have. Kung kaya't mas naka-attract ako ng atensyon.

People gathered around a large field, where the Phoenix seems to be landing. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa mga balahibo nito.

But soon enough, we landed and my heart fell to the ground.

Bumaba rin ang hibla ng mga bangs ko sa'king nanginginig na mga mata, at hindi ako makatingin sa kumpol-kumpol na tao sa paligid ko.

Hindi rin ako makababa sa Phoenix, at nanatili ang mahigpit na hawak ko roon.. Hindi ko rin alam kung ano'ng mas nangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon. Fear, excitement, confusion, freedom.

But I chose courage.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na naroon lang ako, ngunit naipon ko ang lakas ng loob kong bumaba. The Phoenix, then, flew away immediately, leaving me and blowing my hair away from my eyes.

"Golden eyes," I hear someone mutter. "Just like a Phoenix," he added.

Napatingin ako sa nagsalita. Unlike others, he wasn't wearing the uniform. Instead, he wore a long coat and scarf around his neck. He must be a professor, or an official in this place. He exuded warmth with his smile, and it seemed like he was happy to have me here.

Hindi ko magawang masukliang ang ngiting binigay niya— not with my confusion.

"Where am I?" I asked.

"Phoenix Academy. Welcome to Phoenix Academy, child."

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon