Chapter 4

46K 2K 305
                                    

Hinila ni Georgia ang cloak ko papalayo sa kanila, nadala naman ako kaya naman kumunot ang aking noo. "Huwag mo ng patulan, hindi ka nila titigilan," sabi niya at binitawan ang aking cloak. "Isuot mo na yan."

Kaagad ko siyang sinunod. Mas maayos na rin pala 'pag suot itong cloak, protektado ang balat ko't walang makahawak saakin.

Ibaba ko rin sana muli ang hibla ng aking mga bangs nang biglang magsalita si Georgia, "Hayaan mo nang ganiyan ang buhok mo, mas tatangkain ka nilang hawakan if you'll stay weird," sabi nito habang hindi nakatingin sa'kin.

Wala ring ka-emo-emosyon ang kaniyang boses. Napaisip naman ako roon, at mukha namang tama siya. If a person seems or acts different, attention is drawn.

Napansin ko namang doon pa rin pala kami patungo sa kastilyong pinuntahan ko kanina. I think it's the main building here. There's quite a lot people right now. May ilan pang nagmu-muni-muni muna sa may tulay.

"Hindi lang naman ako ang bago rito, 'di ba?" Tanong ko kay Georgia.

She nodded. "Oo. Ang iba ay mas maaga nakarating dito. Ikaw lang ang pinakahuli. Sinakto mo bang sa mismong araw ng pasukan pumasok?" Tanong niya bigla, pero hindi ako nakasagot. Hindi ko rin naman kasi alam na gan'on pala ang sitwasyon.

Mukha namang hindi na siya naghintay ng sagot dahil hindi niya na ako nilingon at nagdire-diretso na papasok sa loob ng kastilyo, paakyat sa ikalawang palapag. Nagawa kong umakyat nang matiwasay ngayon nang 'di tumitingin sa aapakan.

Naglinga-linga naman si Georgia, hinahanap ang pupuntahan. I read her lips. Jupiter. Napaisip naman ako kung ano ang Jupiter, the biggest planet, right?

My eyes immediately find the biggest after Sun. Isang ikot lang ng paningin ko, nahanap ko na agad. Maybe this is what Master Sven told me. . . na madali kong makikita ang mahika dahil sa imahinasyon ko.

Nauna na ako roon at si Georgia naman ngayon ang sumunod sa'kin. Mukha namang hindi ako nagkamali dahil hindi niya ako pinuna.

I only stopped when she tugged my cloak, and when I glanced over at her, her gaze went beyond me. Hindi ako ang tinitingnan niya nang masama.

"Ano'ng proble—" Naalintala ang pagtatanong ko nang tila kidlat siyang pumunta sa mismong harap ko't tinapat ang kanyang patalim sa likod ko.

I held my breath with the sight of the weapon, and suddenly, I felt something dripping on my shoulder. Blood.

But I was more surprised when a hand from the back appeared near my shoulder. It was almost touching me!

Napabalikwas ako't mabilis na lumayo, at nakita ko roon ang lalaking. . . wala naman kanina. I'm certain I didn't see him. Tumutulo na ang dugo mula sa kanyang daliri dahil sa pagkahiwa ni Georgia ro'n.

"Curiosity kills the cat, Gaza. Don't try to," mariing banta ni Georgia. Binaba na niya ang kanyang kamay, at tinago nang mabilis ang patalim.

The man answered while smirking mischievously, "But satisfaction brings it back. Just checking out if the gossips are true, Alas."

He brushed his light blue hair with his other hand, and looked at me with his black eyes. Napatingin naman ulit sa kanya at naalala ang dugo sa'king cloak. Bigla akong nahirapan huminga.

He vanished to thin air, as if he was never here. Nag-aalala naman akong tiningnan ni Georgia. He knew him. Gaza. Wala sa sarili akong napatingin sa mga kamay ko't bahagayang nakahinga nang maluwag nang makita ang gloves.

"Sino siya?" Tanong ko.

"He's Michael Gaza," she answered. "I couldn't tell if you're lucky or not to see him. Bihira siyang magpakita. After all, Camouflage ang kapangyarihan niya." Pinaikot niya ang kanyang patalim at binalik sa maliit na sheath sa likod ng kanyang pantalon.

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon