Chapter 22

17.6K 946 385
                                    

Unknown's Point of View

Sinilip ko ang aking orasan. Alas sais na ng gabi. Napangiti naman ako, ngayong gabi na magaganap ang meteor shower. Pumunta ako sa aking kuwarto at nag-ayos ng aking sarili. I also let my long blonde hair tied back to a ponytail. Nagsuot din ako ng sumbrero upang hindi ako makilala ng ilang tao sa labas.

Kinuha ko rin ang aking telescope, matapos ay lumabas na ako sa'king kwarto. Tiningnan ako ng mga kasambahay at ilang mga gwardia. Nginitian ko naman sila at nagpaalam, "Magpapahangin lamang ako."

Tumango sila't tumungo sa'kin upang magbigay galang. "Mag-iingat ka po, Kamahalan," wika ng isang kasambahay. Tumango naman ako at nagpasalamat. Hindi na ako pupunta kay Ama at Ina, malamang ay pagbabawalan lang nila akong lumabas.

Sumakay ako sa'king kabayo at kumaripas patungo sa bayan. Madilim na kaagad at ang mga tao'y nag-si-uwian na sa kani-kanilang mga tahanan. Nagsasarado na rin ang ilang mga tindahan, ngunit mabuti na lamang at nakaabot ako sa paborito kong tindahan.

Bumaba ako mula sa kabayo at kaagad naman akong binati ni manang, "Kamahalan!" Napatakip naman siya nang mapagtantong tinawag niya ako nang malakas, baka kasi pagkaguluhan ako rito. "Kanina ko pang hinihintay ang pagdating mo. Halina, at may mga natira pa akong empanada para sa'yo!"

Pinapasok niya ako sa loob at kaagad akong sumunod. Iniabot niya sa'kin ang mga empanada. "Salamat po! Magkano po ba ito?" Pagtatanong ko.

Umiling siya kaagad, at saka sinabing, "Wala na iyang bayad! Hindi ba't kaarawan mo ngayon?"

Napatungo naman ako sa hiya. "Opo, ngunit mas nararapat pong bayaran ko ito sa inyo, manang." Iniabot ko ang bayad ngunit ibinalik niya lang ito sa'kin. "Ano ka ba, Kamahalan? Iyan ay regalo ko na sa iyo. Maligayang Kaarawan!"

She smiled kaya't tumango nalang ako. "Hindi na po ako magtatagal dito, kailangan ko pa pong pumunta sa Phoenix Falls."

Niyakap ko siya bago ulit sumakay sa'king kabayo at magtungo sa Phoenix Falls. Dahan-dahan akong nagpatakbo rito 'pagkat madulas ang daan, at madilim dilim na rin. Inilabas ko ang kandila ko at pinailaw ito, ngunit nadismaya naman ako nang hindi ito umilaw. Ah, nasira na ata ang wick nito.

Kung ako lang sana ay may kapangyarihan ng apoy. Halos mahulog naman ako sa sinasakyang kabayo nang biglang may umapoy na sulo 'di kalayuan. May iba pa palang tao rito, salamat nalang at nagkailaw naman kahit pa paano. Nagkaroon ng apoy.

Sinilip ko ang lugar na may sulo, ngunit wala namang tao roon. Ah, baka umalis na siya't pinailawan lang ang torch. Nagtungo ako roon, at doon nalang siguro tatambay. Bumaba ako mula sa kabayo at isinabit ang tali ng kabayo sa isang kahoy. Ngumiti ako at nilabas na ang aking telescope.

I looked at the night sky. Napuno ito ng aurora lights, at kaagad kong nakita ang Phoenix, isang southern sky constellation. Hindi magtatagal ay uulan na rin ng mga meteors. I can imagine the flamed rocks falling like wishing stars. Minsan naiisip ko, can I catch a falling star?

Pumikit ako at pinakinggan ang paligid. Ang mga huni ng ibon, ang tunog ng mga kuliglig at ang rumaragasang talon, the Phoenix Falls, ay napakasarap sa tainga. At kung imumulat mo pa ang 'yong mga mata'y mamamangha ka sa mga alitaptap na sumasayaw paikot sa iyo, mga kumikislap na bituin at ang napakagandang buwan. Wala nang tatalo pa sa ganda nito.

Napabalikwas ako nang may pumatak na isang meteorite. Kaagad kong ginamit ang aking telescope, at tiningnan nang mabuti ang langit. I call this meteor shower, Phoenix shower. Sapagkat narito ako sa tapat ng Phoenix Falls, kasama ang mga bituin ay bumuo ng phoenix. Kulang na lang ay totoong phoenix, napatawa nalang ako sa palaisipang iyon.

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon