Chapter 35

11.8K 792 166
                                    

Eris Sinclair Alderhaide's POV

"Georgia..." Mahinang banggit ko sa pangalan niya nang maalala 'yon.

"You remember her?" Tanong ni Leviticus at umupo sa'king tabi habang nasa bulubundukin kami sa likod ng palasyo. He's always like that ever since I met him in this life. Hindi niya magawang lapitan ang mga magulang niya, kaya't nanatili lang siyang nagmamasid.

I nodded in response to his question. The girl visited me in my dreams, and I remembered all my memories with her. She was there for me most of the time I spent in Phoenix Academy. Hindi ko alam kung papaanong nabigay niya sa'kin o naalala ko lahat sa pamamagitan lang ng panaginip. It seems like she blessed me with memories.

Malalim ang aking buntong-hininga. "Yeah. I wish I could meet her again," pahabol kong sagot kay Levi.

He smirked and rested his body down the grass. Tinaas niya ang kanyang mga kamay sa himpapawid, at malakas na binigkas ang kanyang mga naiisip. "The blood fest is coming soon. Hindi natin alam kung ano'ng mangyayari. Will we end up losing our life again in an attempt to save everyone? Will our plans be successful? Is this our last lifetime?"

"What... blood fest?"

Levi, then, told me everything I didn't know about Phoenix Academy, and the situation we're facing. Kinuwento niya na rin sa'kin kung paano at bakit nakuha ni Phoenicia ang kaluluwa ko. Strange, but it seemed hard. How was I able to endure those? Napatingin ako sa kamay ko at laking pasasalamat nang 'di na katulad ni Eris na nakakamatay ang hawak.

Kahit papaano ay naliwanagan ako.

"It's easy to escape this situation, Sinclair," ani Levi at napatawa nang bahagya. "I can choose to just live my own and forget everything. Why are we choosing to fight with our lives?" He sighed loudly and closed his eyes. "I guess it's my predetermined fate to do this. Don't you feel the same, Sin? Hindi mo ba naiisip kung ba't mo ba kailangan pang maalala ang nakaraan? Bakit ka pa nila muling binuhay para ipaglaban lang din ang buhay mo? Ah, hindi ko na rin maintindihan."

Hindi naman siya nagkakamali. Sinubukan ko namang mag-isip ng dahilan kung ba't nga ba pinili kong lumaban kasama nila at abandonahin ang buhay na kinagisnan ko ngayon... na isang mortal lang.

Maybe... "It's just who we are, Lucifer," sagot ko sa kanya't tinawag siya sa kakaibang pangalan. Then, I remembered that from our first lives. I smiled bitterly. "Yeah... that's just who we are. After all, why wouldn't we protect the world we created?"

No matter how many lifetimes pass. This world, these realms are etched in us. This world is us.

Napatingin naman ako sa baba nang makita sina Red at Leo na handa nang umalis, nakasakay na sa mga kabayo nila. We have all planned to visit the Phoenix Falls, where they first saw me. I giddily ran downwards to meet them, and Leviticus followed me in my back.

I jumped on the horse, on Red's back, quickly. Kamuntikan namang mahulog si Red sa kanyang pagkaupo dahil sa gulat. "You're coming with me?" Tanong niya't tumango naman ako. I thought of joining him, so the brothers could have some time together. Hindi ako sasama sa maalin sa kanila. Nang linungin ko naman sila ay napapitlag ako nang parehas silang nakatingin sa'min.

"Ayan, Sin! Pinapatay na nila ako sa tingin nila," ani Red habang bumababa. Akala ko'y hindi na niya ako sasamahan, 'yon pala'y lumipat lang siya sa likod ko. "There you go," he said while carrying me slightly to go forward. "It will be safer for you this way," aniya't kumindat.

"Oh," maikli kong sambit. Habang nasa daan naman ay pumasok na naman ang mga memorya ko kasama siya. At ang pinakanaalala ko lang ay ang mga gan'to. How he reassures my safety in ways. "Thanks," bigla kong pasasalamat sa kanya.

Mukha naman siyang nagulat ngunit mapang-asar lang siyang ngumiti at binalik na ang tingin sa daan.

I unconsciously looked back at the Malcolms, and smiled when I saw them talking. I think... this is a way to make Leo happy, to return what he has provided me so far.

Leviticus Malcolm's POV
LUCIFER

Tiningnan ko ang kapatid ko. Pinagmasdan ko kung paano niya memoryadong memoryado ang daan dito sa kagubatan. Pero sa pamumuhay ko rito, kahit kailan ay wala pa akong nakikitang Phoenix Falls. Walang talon dito sa lupain namin, sa pagkakaalam ko.

Unless... It's a magical falls.

Ang dilim dilim sa paligid pero nagagawa niyang makakita. Nakakaya namin ni Red makakita sa dilim dahil ng mga abilidad namin. He's fire and I'm light, after all. Nag-aalala lang ako kay Leo.

"Leo," I called his attention. "Nakakakita ka ba, or would you like some fire?"

Inikot niya ang kabayo niya sa'kin at tumingin sa'kin nang diretsyo. Impossible. It's complete darkness out here. For a normal human, hindi niya ako matutunton or makikita.

"Kuya," natatawa niyang sabi. "There are torches, how come hindi ako makakakita?"

Napatingin ako kay Rain. Wala namang torches, ah— Natigilan lang ako nang biglang lumitaw sa'ming paningin ang mga torches. Ibig sabihin, kanina pa niya 'tong nakikita? Paano? Hm, hindi talaga siya mortal lang. I wonder what he is.

"Wala bang ibang lahi ang magulang niyo?" tanong ni Rain, kaya't napatingin din si Sinclair. Umiling ako, wala. That I'm sure of.

"Kung gayon, ano ang kapatid mo?" bulong niya nang magkalapit ang mga kabayo namin sa isa't isa. Sinclair, then, looked at Leo who was leading the way. Her eyes became curious ones.

Kibit-balikat lang ang sinagot ko kay Rain, at nagulat ako nang dinaplisan ako ng fire blade ni Rain. "Amp, hilig niyo magkibit-balikat! Magkapatid nga." The hell? When did I even see my brother do that?

"We're here. Sinclair, it's still wonderful, right?" Sabay naman kami ni Rain napatingin kay Leo nang magsalita siya. Bumaba si Sinclair mula sa kabayo at may pagtataka pa rin sa kanyang ekspresyon.

Wow.

Just wow.

Ano'ng wonderful kung wala naman kaming nakikitang falls? Ang nakikita lang namin ay mga puno, at daan pa patungo sa kung saan man. Abnormal talaga ata tong kapatid ko, eh. Siya lang ang nakakakita. Sinclair was silent, so hindi ko alam kung nakikita niya rin ba... pero sigurado kong hindi rin nakikita ni Rain.

"Say the falls name again?" Red told him. His eyes were piercing him with seriousness. Gusto ko sana siyang suwayin, dahil baka matakot ang kapatid ko... pero, "Pre dahan dahan baka mafall kapatid ko sa'yo. Sige ka," mahinang bulong ko sa kanya.

He just raised his middle finger at me, without even looking.

Bumaba si Leo mula sa kabayo, at yumukod at para bang may pinulot sa lupa. Nagulat naman ako nang biglang mabasa ang kaniyang mga kamay. Wala namang tubig d'on ah.

Ngumiti siya at nilingon si Sinclair. Nilahad niya ang kanyang kamay sa kanya, at napansin kong nag-aalinlangang kunin ni Sinclair 'yon. It seems like she doesn't see it too. She's confused.

"This is where I found you, Sinclair. The Phoenix Falls."

Pagkabanggit niya noon, unti-unting lumiwanag ang paligid. Biglang nagkaroon ng mga alitaptap, at ang kaninang plain na kagubatan ay nagkaroon ng mga matitingkad na bulaklak. May mga itim na paru-parong pumalibot kay Sinclair... Katulad ng mga paru-parong kasama niya nang una ko siyang makilala.

Narinig ko na rin ang agos ng tubig, at saka ko nakita ang kumikinang na talon.

The Phoenix Falls.

Napatango ako as I realized something. Lumalabas lang itong talon sa mga taong pinili ng kapatid kong ipakita. It just means that Sinclair wasn't reborn at the Phoenix Falls. Just like how she was birthed from my soul in our first lives, she was reborn from my brother's soul.

My brother who created the Phoenix Falls. He who had the blood of a Phoenix.

"We finally found the full Phoenix that would destroy Phoenicia," I thought while looking at Leonidas and Sinclair.

Phoenix Academy
by lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon