Chapter 20

33.8K 1.6K 471
                                    

Eris Alderhaide's POV
SINCLAIR

Ah, naalala ko na ulit. Hindi ang nakaraan ko bilang Sinclair, ngunit ang rason kung papaano ako naging si Eris Alderhaide, kung sino ako ngayon. Ito ang alalaang hindi ko malilimutan. Naalala ko na ang makakapal na itim na ulap, at ang pagdilim ng kapiligaran ko matapos kong makipaglaro sa mga gintong abo no'ng bata pa ako.

"Kakain na tayo! Mamaya ka na ulit maglaro!" Tawag sa'kin ni Ma, ngunit natigilan siya nang sa pagbukas ng pinto ay kadiliman ang bumungad sa kanya. "Eris!" Nag-aalala niyang sigaw. Doon, bumuhos ang luha ko. Bilang bata, hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Nagsimulang mamatay ang mga dahong kanina'y nakikisayaw lang sa'kin. Nawalan ng kulay ang paligid ko.

"Risven!" Tawag ni Ma kay Da. "Nangyayari na! Sinusubukan na siyang kunin ni Phoenicia!"

Mabilis na lumabas si Da, at dinalo ako. May liwanag sa kanyang mga kamay, ngunit nang makalapit sa'kin ay nawala 'yon. Naaligaga siya't sinubukan ulit na maglabas ng liwanag, pero kahit ano ang gawin ni Da, lahat ay walang saysay sa loob ng bangungot ko.

"Ma, Da, ano pong nangyayari sa'kin?" Hindi ko alam kung nabigkas ko ang mga katagang 'yon nang ayos dahil hindi ako makahinga. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko, na ngayon pala ay nagliliyab na. May boses na nakapagbingi sa'kin at hindi ko naintindihan ang pinaparating.

"Sinclair. This is my revenge to you. You shall suffer from the wrath of the Phoenix." Paulit-ulit, palakas nang palakas. Pilit kong sumigaw upang bugawin ang sinumang nagsasalita sa utak ko noon. Ngunit sa ginawa kong 'yon, mas lumaki ang kadiliman at ulap sa paligid.

Niyakap ako ng mga magulang ko. I cried and cried, until I surrendered to their arms. "Eris, my child, remember this. You need to defeat this nightmare to wake up. The world needs you, so you have to wake up. We will be here. We will wait for your return."

A power from my father and mother enveloped me. I felt it surging in my veins, defeating the darkness that ran in me. I felt lighter, but I was also defeated when I saw my father and mother turning to gold dust. "Ma, Da, saan po punta?" Tanong ng batang ako.

Matagal ko silang hinintay sa labas ng bahay namin, habang nakatingin sa araw, ngunit nabigo ako. Wala na sila. . . Napatay sila sa'king mga kamay, sa'king kapangyarihan.

Hanggang sa natutuhan ko ang mahika ng imahinasyon. Simula noon, kung anu-ano na ang pumapasok sa imahinasyon ko, pero lahat makapangyarihan. Hindi ako mag-isa dito palasyong palaisipan, kasama ko pa rin sila. Kaliwa't kanang tawanan, nag-umaapaw na kasiyahan na taliwas sa katotohanan.

"Ma, Da? Wait lang po, ah," sigaw ko nang marinig na bumukas ang pinto ng aming bahay.

At ngayon, nagbabalik ako matapos silang pansamantalang iwan para makapasok sa Phoenix Academy. Nakita ko sila't napatakbo palapit sa kanila upang yakapin sila. "Ma, Da! Galing akong Phoenix Academy. Kayo ha, naglihim pa kayo sa'kin na do'n pala ako mag-aaral," bati ko.

Napatawa naman si Ma, at hinalikan ang noo ko. Hindi siya nagsalita at patuloy lang akong niyakap. She patted my back, as if she was comforting me. I smiled sadly and tears cascaded from my cheeks. I remember everything now. These are but imaginations of mine brought by my grief.

"Phoenix Academy has finally unlocked your fire, Eris Sinclair Alderhaide," saad ni Da. Napalingon ako sa kanya, at masaya ang ngiting iginawad niya sa'kin. "We had hoped it would be your home. After all, the land where Phoenix Academy stands is where you and your first family has always gathered. It was your home as Sinclair."

"Da, alam mong ako si Sinclair?" Tanong ko sa kanya matapos niyang isalaysay sa'kin 'yon.

Hinawakan naman niya ang kamay ko't napatango sabay pikit. "My abilities are divine sight. I can see the past and bits of future, my child."

Huh? Sandali, kung imahinasyon ko lang sila, pa'no ko sila nakakausap nang ganito, nang parang totoo? Is this also by the power of my father?

Umiling naman si Da, na tila nabasa ang sinasabi ng utak ko. "Your being as a demon-angel allowed us to enter the Neverland. Your imaginations and will has manifested a way where you can go back and forth here in Neverland," paliwanag niya.

"Neverland?"

"Neverland is where lost souls are sent. This is a space where time does not flow." Si Ma naman ang sumagot ngayon. "Now, your soul is also sent here after someone possessed your body."

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari sa battles. The last thing I remember from Phoenix Academy is when I burst out during the battles, and I was sure that someone was controlling me. It took me back to the time when I was a child, before I killed my parents.

Whoever tried to possess my body has succeeded. Pero pa'nong nangyari hindi naging matagumpay noon?

"Sinclair's soul and our powers has stopped it from happening, then," saad ni Ma. "It became successful now because our powers ran out from your body, Eris."

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtataka kong tanong 'pagkat hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi.

My mother heaved a sigh. "Your ability to kill with a touch was to prevent anyone from touching you and try possessing your body again. It is true that it is also part of your power, but I ignited it with my demonic abilities. Meanwhile, your father cleansed your soul that time. The divine light has exhausted the phoenix's flames for the meantime. As a result, we were sent here in Neverland. Eris, it isn't your fault that we lost. You didn't kill us."

Hindi ko mapinta ang sarili kong ekspresyon. Ni hindi ko naintindihan ang nararamdaman ko. It was all too much to take.

"Now that our powers have weakened after a long time of protecting you, the phoenix took that opportunity to devour your being, to steal your body," pagpapatuloy ni Da sa sinabi ni Ma. "It was eventually meant to happen, but we knew that it had to happen after you enter Phoenix Academy. That way, you'll still be saved."

"S-Sandali lang po," pigil ko sa kanila bago sila magpatuloy. "Ano'ng ibig sabihin niyo pong isang phoenix ang umaagaw ng katawan ko? At bakit ako pa po?"

"It's because of who you are, Eris Sinclair."

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Please don't mind the comments hereee. this chapter was from the previous version so it has no relation here dskjfakjdsadfj.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon