Chapter 16

20.7K 1K 80
                                    

Rain Evan Delvar's POV
RED

Nothing ran in my mind, but protect Eris. Although it's not her that's being the victim now. It's everyone else now.

Nilingon ko ang pigura ni Georgia, na ngayo'y duguan dahil sa ginawa ni Eris sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit si Eris, at tiningnan siya. Nararamdaman kong hinang hina na siya, gayunpamang malakas pa rin ang enerhiya sa kamay niya. Hinawakan ko 'yon ngunit nagulat ako nang halos mapaso ako. How come? Her powers don't work on me.

Binalewala ko 'yon at binuhat siya. Marami na ang pumalibot sa'ming mga estudyante, opisyal. Lahat ay si Eris ang pakay. I clenched my jaw in anger. I can't let them take her away. I know that they are the academy's officials. . . but she is hurting right now.

I teleported. Hindi ko na alam kung pasaan, ang naisip ko lang ay ilayo siya ro'n. Napansin kong doon kami nakarating sa may karagatan sa likod ng Academy. Eris was crying blood. Marahan kong pinunasan 'yon mula sa kanyang mukha, at hindi ko alam kung ba't maging ako ay napaiyak. Is this my past self acting up?

I continued to hold her carefully. Baka bumalik ang lakas niya 'pag hinatian ko siya ng lakas ko. Natigilan lang ako sa paghawak sa kanya nang maramdaman kong biglang lumamig ang kanyang kamay, at saglit na tumigil ang tibok ng puso ko.

Nagsalubong ang kilay ko nang 'di ko maramdaman ang bond naming fylgja. I always felt her warmth because of the bond, but. . . Ano nang nangyayari ngayon?

Napasinghap ako nang bigla na namang sumakit ang ulo ko. Maaaring may alaala na namang papasok sa'king isipan. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Eris, at sa isang iglap, nagulat nalang ako nang nakahawak ako sa kamay niya habang nakaluhod at siya naman ay nakatayo.

"I'll protect you, Sinclair, even if you think protecting you is really wrong and against the universe. I believe in you," banggit ko sa kanya habang tinitingnan ang blangko niyang hitsura. "You don't have to do that."

Inilingan niya ako. "It might be the only way, Red. To stop the bloodfest. I'm willing to be a villain, and you. . . You become the hero." Hindi ko alam kung bakit pati sa alaalang ito ay mayroon ding luhang pumapatak mula sa'king mga mata.

"Sinclair!" Garalgal ang boses ko nang tawagin ko s'ya. I felt her hand flinch, so I allowed it to slowly slip away from mine. Unti-unti siyang lumayo sa'kin at tiningnan ang araw, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang pulang pula 'yon, parang dugo.

"If there's no other way, I'll do it, Red," aniya nang nakatalikod. "It's a demon's path."

Then, she levitated from the grounds as she attacked creatures, making the scenery alike to the sun now, blood and red. I saw an empire below me. Lahat sila'y nakaluhod at nakatungo sa akin. Sa'min.

There were countless demons, vampires, and all kinds of dangerous creatures that bowed their heads before us. Napaatras ako nang sa pagbago ng alaala'y digmaan na ang hinarap ko. Mga anghel at demonyong nakikipaglaban sa isa't isa. Mga bampira, werewolf, at lahat ng klaseng nilalang na patuloy na pumapatay upang patuloy na lumaban at mabuhay. . . o upang patuloy na pumaslang ng mga inosente.

"Blood fest." Tila bulong sa'king isipan. Oo, ganito nga ang digmaan noon. If Phoenix Academy was meant to unite every creature across realms and places, the bloodfest was meant to destroy everything and everyone for one ruler.

Tiningnan ko muli si Eris, ngunit nang titigan siya'y napansin ko ang kaibahan sa hitsura niya. Her then black hai turned dark brown. Even her eyes were now red? No, I can't seem to picture what the color of her eyes are. All I know is. . . Eris or Sinclair never smiled this devilishly.

"So this marks the start of the blood fest. This is our kingdom, Red. This will be our world. A world full of chaos."

Napabalikwas ako nang marinig 'yon, lalo nang magising sa reyalidad at wala na si Eris sa mga bisig ko. I gritted my teeth and looked around to see Rowsella, the vampress, near me. Then, she greeted me. "Hello, King of the Blood Fest."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Nasaan si Eris Alderhaide?" Mabilis na nag-apoy ang kanang kamay ko't ang paligid niya upang 'di siya makatakas.

She smiled sweetly, and showed me a vision of Eris carried by Leviticus. Nanlaki ang mata ko sa pagtataka. How come Levi didn't die in Eris' touch? Paano nangyayari ito ngayon? Maging ang buhok ni Eris ay nag-iba, tulad ng nasa alaala ko. Dark brown.

"If you're doubting, it's true, Rain Evan Delvar. Leviticus Malcolm was allowed to bring her to the infirmary before further investigations, since you'd rather let a demon like her escape," pagpapaliwanag niya na mas lalong nakapagpaalab ng aking mga apoy.

"Ikaw ang isa sa mangunguna sa blood fest, Red. Magsasanib pwersa ang araw, your abode, along with the moon. Oras na mangyari iyon. The humans will be extinct."

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon," matigas kong wika sa kaniya.

"Hindi mo mapipigilan ang mga nangyayari, Rain. You are Red's reincarnation. You are the sun. At ikaw. Ikaw ang nag-umpisa ng lahat ng ito back then. You were so mad, Red. You died just for this blood fest to happen. Hindi mo ba natatandaan?"

I didn't answer her. I didn't have to. Whatever she's saying, it's completely different from today. It's the past.

"You'll eventually lead the sun to the moon, Red. You will. History will repeat itself in glory and honor of our true queen!" She implied before vanishing from my sight, and my body unconsciously teleported near Eris' body.

My mouth gaped open when I saw her really in Levi's arms. Nanliit ang mata ko nang humina lalo ang koneksyon naming dalawa. It's as if she's not my fylgja anymore, or the bond keeps weakening. I tried reaching out to her soul, but instead of relief, all I felt was pain.

This... this is not Eris. Someone else possessed her body.

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon