Chapter 29

13.6K 761 94
                                    

Leonidas Malcolm's POV

Nagikot-ikot ako sa palasyo at bahagyang nag-isip sa mga nangyayari. Dumating ang mga taga-Phoenix Academy para kunin si Sinclair, o ang tinatawag nilang Eris. Buhay pala ang kuya ko, at nadadamay ang sangkatuhan.

Rain told me that it wasn't just natural fire, may isa raw nilalang na gumawa nito. Phoenicia. Iyan ang kaniyang pangalan, and she's also after Sinclair. Ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa sambayanan ang dahilan ng sunog.

Lahat ng 'yan ay nangyayari dahil ni Sinclair. No, it's not that I blame her, but it's she who's everyone's after. I need to protect her but I also need to protect my people.

Napasabunot nalang ako sa sarili dahil alam kong hindi ko rin dapat nalalaman ang mga 'to. I only bargained for it.

"Eris!" I heard someone say from Sinclair's chamber. Nanliit ang mata ko at sinilip ko siya dahil hindi pamilyar ang boses ng babaeng narinig ko, at Eris din ang tinawag sa kanya. Nagulat naman ako nang makitang mayroong isang babae at lalaki na nakapasok sa chambers niya.

"Who are you, trespassers?" Tanong ni Sinclair sa kanila ngunit bago pa sila makasagot, ay naglaho sila nang parang bula.

Naglinga-linga naman si Sinclair, na para bang hinahanap kung nasaan na sila. Kumatok naman ako sa pinto niya, kaya't napatigil siya at tumingin sa'kin. She smiled sweetly at me, and asked, "Your Highness, do you need anything right now?"

I also smiled at her. Kanina iniisip kong ihabilin na nga lang siya sa kuya ko, kina Rain. In that way, they'll protect her and I can protect my land and my people. But, I don't want to lose that smile... or at least, there's something telling me not to.

Umiling ako sa kaniya at saka sumagot, "Hm, I just thought I needed to check on you. Ang daming nangyayari ngayon, Sinclair."

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. I was taken aback by her actions. Then, I realized. This is not Sinclair.

"Thank you for the hug, but I need to go, sweetheart," I said and tried my best to act normal. Tinitigan ko siya at pansin kong ang kulay ng kaniyang buhok ay hindi jet black. It was only dark brown, kahit ang mga mata niya't hinid rin kulay ginto.

Nararamdaman kong lumalakas at bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sino 'to kung ganon? At nasaan si Sinclair?

Tumapak ako sa labas ng pinto, at sinilip ko siya isang beses bago ako tuluyang lumabas. Nakaabang parin siya sa'kin at iniintay akong umalis. Ano ba ang hinahanap niya? Dalhin ko kaya siya kina Rain? 'Yon ang naisip ko 'pagkat alam kong hindi ko siya kayang harapin.

"Alam mo, Sinclair, ba't kaya hindi ka sumama sa'kin? Sa dami kasing nangyayari ngayon, kahit nasa palasyo ka, nag-aalala parin ako," sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay.

Argh, sobrang init ng kamay niya. Nakakapaso at alam kong 'di normal 'yon. It was like touching fire. Napabitaw ako ngunit mabilis kong binawi 'yon at inakbayan siya. 'Di niya pwedeng malamang pinaghihinalaan ko siya.

"I think it would be nice to join you, Prince, pero kailangan ko munang magpahinga dito sa chambers ko," she said as she slowly moved away from me.

Pili kong tinago ang pagtataka ko sa'king ekspresyon. May masamang balak siya sa kwarto ni Sinclair kaya hinihintay niya akong makaalis. I slightly raised an eyebrow at her, and insisted, "This is your first time rejecting me, Sinclair."

Bahagya naman siyang nagulat sa sinabi kong 'yon, ngunit hindi naman nagtagal nang makabuo rin siya ng 'excuse.' "I'm just tired, Leonidas," she said.

"Leo!" Ako naman ngayon ang nagulat nang marinig ko si Rain na sumigaw mula sa hallway. At mas lalo pa akong nagulat nang biglang nasa loob na agad ng kwarto si Rain, at mabilis na sinakal ang babae.

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon