Chapter 1

3.3K 73 0
                                    

" Carlen parang kilala ko iyong lalaking iyon ." sabi ni Cris kaya nilingon ko ang tinutukoy nito.
" I think siya iyong nakasama ko nung review days sa Manila. Tapos iyong kasama niyang babae medyo familiar din sa akin ."

" Buti ka pa may kilala. Ako wala ni isa ." irap na sabi ko.
" Baka mamaya ipagpalit mo na ako niyan bilang bestfriend mo ." malungkot na sabi ko habang isinusulat ang pangalan sa attendance sheet. Bigla naman ako nitong siniko .

" Ang OA mo !. Bakit ko naman ipagpapalit iyong friendship natin ." natatawang sabi nito.
" Solid kaya iyong friendship natin." dagdag pa nito. Kaya napangiti ako. Since college best friend ko na si Cris. Subok na iyong friendship naming dalawa.





Papunta naman kaming conference room dahil doon kami ioorient ng department head .
Pagkapasok namin sa loob ay naroon na rin ang iba pang newly hired Medical technologist.
Umupo kami ni Cris sa bakanteng upuan na nasa harapan. Nasa likod naman namin ang lalaking tinutukoy nito kanina.

" Lima pala tayong bago dito." bulong ko kay Cris. tumango naman ito at lumingon sa likod .

" Hi I'm Cris." rinig kong sabi nito.
" Hi din ." rinig kong sabi nung lalaki. Kung lalaki nga. May pagka girly kasi makipag usap.
" Do you still remember me ?."
" Nagkasama tayo sa review center sa Manila ." rinig kong sabi ni cris.

" Kaya pala familiar ka nung makita ka namin ni Wesley ." sabi nito.
" I told you . Siya talaga iyon ." Sabi nung Wesley. Hinayaan ko lang na magkwentuhan ang mga ito. Kinuha ko naman ang cellphone ko para maglaro. Iwas boredom na rin habang hinihintay ang department head. Makailang sandali ay dumating ito .

"Good morning. I'm your department head Mrs. Elsa Galvez " ngiting sabi nito. She explain everything about the rules and regulations, policies and other concerns of the department and the hospital. Nagpakilala naman kami isa-isa parang getting to know each other lang.

" Hi I'm Carlen Mae Gonzales ,from General Santos City. May friends call me Car or Len, but I prefer Car . Di ko feel iyong Len ." pabirong sabi ko at tumawa naman sila.
Nagpakilala naman ang iba pa naming kasama hanggang sa last person na lang ang natitira. Ang nag iisang lalaki sa grupo. O kung lalaki nga ito .

" Hi ! I'm Lexus Salvacion. You can call me Lex." at ngumiti ito.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita ito. Literal na gwapo ito ,matangkad at may pagka mestizo but, I smell something fishy. Basta ! Feel ko may itinatago siya.
Aalis na sana kami sa conference room nang may humabol pang isa. Si Maureen. She's my cousin and batchmate during internship. I didn't know that she apply a work here. Nasa labas naman kami ng conference room at nagchichikahan. Hindi ko talaga gusto ang vibes ng Lexus na ito. Hindi ko alam basta naiinis ako kapag tinitingnan ito. Mabait naman ito at may sense of humor.
Pero ewan ko ba kung bakit naiinis nalang ako bigla rito. I'm a friendly person. Pero pagdating sa Lexus na ito ay natatahimik ako at walang masabing topic o idudugtong sa mga kwento nito. Nagtataka nga rin ako sa sarili ko kung bakit ganoon ang naramdaman ko.
Habang nakikipagchikahan si Cris kay Lexus at Wesley ay nakita ko si Maureen at nilapitan ito .

" Maureen !!." sabi ko at niyakap ito.
" Kakagaling lang ni Tita sa bahay kahapon. She didn't mention to us na natanggap ka pala sa work. Ni hospital nga na pinag aplyan mo ay hindi niya nabanggit ."

" Nakalimutan sigurong ikwento ni Mommy hehe. Buti nalang pinsan at nandito ka may makakasama na rin ako sa kalokahan !!!." excited na sabi nito.

" Ewan ko sa iyo Maureen. Dinamay mo na naman ako ." irap ko rito.
Mahilig kasi itong gumimik. Minsan nga binubugaw ako niyan sa mga kakilala niya. Nang magka boyfriend na raw ako. Oh diba napaka supportive cousin. Iyong last na nireto niya sa akin fuckboy. Naku ! nasapak ko lang iyong lalaki !. Balak pa akong gawan ng masama.
Lumapit naman si Cris sa amin.

Lexus The GayWhere stories live. Discover now