CHAPTER 31

1.3K 43 4
                                    

Nakasalampak lang ako ng upo habang nag iiscrol sa aking mga social networking accounts.
I'm so bored here.  Ang nakakainis pa ay pinagsuot ako ng off shoulder na three fourth below the knee red dress.  Naka high heels pa ng 3 inches at naka bun iyong hair ko.  Sabi kasi ni grandma dapat daw presentable ako sa magiging future in laws ko.  Hinayaan ko nalang siya. It's our second dinner with the parents of my future husband.   Ngayon ko rin isasagawa ang plano ko.  Wala akong pakielam kahit na magmukha akong bastos sa harapan nila.  I can do what I want and I will do what is right !.

"Carlen, ikaw anong masasabi mo sa mga preparations ng kasal niyo?" tanong ni grandma pero tinitigan ko lang siya at silang lahat.  Matagal ko silang tinitigan bago ako nagsalita. Halos lahat sila ay nakakunot ang noo. Siniko naman ako ni mommy at nagtatanong kung anong nangyayari sa akin.

"Sorry mommy and daddy"  lingon ko sa kanilang dalawa.  Pabagsak ko namang pinalo ang mesa at biglang tumayo.   

"What I want to say is I DONT CARE !. Sorry Tito, tita, grandma's, mommy and daddy lalo ka na Jake." Tingin kong isa isa sa kanila.
"Kahit anong gawin niyo, hindi ako papayag sa kasalan na ito.  Wala kayong karapatang diktahan ako kung sino ang nararapat sa akin.  I have my own mind and feelings. You don't have the right to manipulate me and push me to someone else that I don't love. I dont deserved this kind of bullshit !.  Sabihin niyo na pong bastos ako tatanggapin ko ng buong buo.  Pero ang hindi ko matatanggap ay iyong
ipilit niyo sa akin ang kasal, na kayo lang ang may gusto. Sorry, but whether you like it or not I'm backing out. Kahit ituloy niyo pa iyan wala akong pakiealam dahil hindi naman ako,  pupunta sayang lang ang effort niyo.  Again sorry"  sabi ko at mabilis na naglakad.
Narinig ko namang nagsalita ang grandma ni Jake.

"Napaka walang modo naman ng apo mo.  Hindi niyo ba siya naturuan ng magandang asal?" Jusmiyo ! Mga kabataan nga naman ngayon. Masyadong kakaiba ang ugali !"

Humarap naman ako sa kanya.
"Excuse me po.  Wala kayong karapatan para kuwestiyonin kung paano ako pinalaki ng magulang ko.  Dahil alam ko sa sarili kong hindi sila nagkulang. For me they are the best parents in the world.  May mga tao lang talagang mahilig mandikta ng gusto nila kahit hindi naman sang ayon ang iba." sabi ko at tiningnan si grandma at ang grandma ni Jake. 
"Bakit? tinanong niyo ba ako kung gusto ko ang kasalang iyan? . Diba hindi?." Tiningnan ko naman si grandma.
"Grandma ilang beses ko pong sinabi sa inyo na ayaw ko, pero hindi mo ako pinakinggan.  Sana naman po ngayon pakinggan mo iyong gusto ko. I'm very tired every time we argue.  Mahal na mahal ko kayo grandma kahit na nag aaway tayo minsan. Kaya sana naman po tigilan niyo na ito.  Alam kong napipilitan lang kayo dahil iyon iyong naipangako niyo sa isa't isa.  Pero matagal na po iyon. It's all in the past." sabi ko

"Tawagin niyo na po akong walang modo.  Pero walang modo po talaga ako lalo na kapag nasa tama ako. " sabi ko at dali daling naglakad palabas  ng hotel na iyon. Nasa labas na ako at nag aabang ng taxi. Sa kamalas malasan naman walang dumadaang taxi na walang sakay, halos lahat may sakay na. Gusto ko ng umuwi dahil nangangati na talaga ako sa suot ko. Hindi kasi ako sanay sa ganito.  Nagtaka naman ako dahil isang sasakyan ang tumigil sa harapan ko. Napairap naman ako dahil alam ko kung kanino ito. Ibinaba naman niya ang windshield at hindi nga ako nagkakamali. Si Lexie nga ito. Tinignan niya ako pero inirapan ko lang siya at tinaasan ng kilay . Pero nginitian lang ako ng gaga.  

"Sumakay ka na mahihirapan kang makahanap ng taxi na walang sakay.  Libre pa dito." sabi niya.

"Anong akala mo sa akin poor?"sabi ko.  Nakita ko naman siyang. tumawa.
"Kaya kong magbayad saka magtiyatiyaga nalang akong  maghihintay kesa sumakay diyan sa sasakyan mo.!  Kahit kelan hinding hindi na ako sasaka_____ " putol ko sa sasabihin ko. May narinig kasi akong tumawag. Lumaki naman ang mata ko ng paglingon ko ay si Jake ang tumawag sa akin.  Nataranta naman ako. Kailangan ko ng makasakay agad bago pa niya ako maabutan !.  Lumingon naman ako para maghanap ng taxi pero wala talagang available.  Kaya no choice, agad naman akong pumasok sa sasakyan ni Lexie.  Nakita ko naman siyang napa half smile. 

Lexus The GayWhere stories live. Discover now