CHAPTER 27

1.3K 48 1
                                    

Lexus POV

"Hindi sana kami mag aaway ni Philip ng ganito kung hindi niya lang nabasa iyong nakasulat sa diary ko." malungkot kong sabi habang tinitingnan iyong phone ko. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya talaga ito sinasagot. 3 weeks na ata kaming hindi nagkakausap. Aminado naman akong kasalanan ko pero kahit ako ay nahihirapan at nalilito na din sa mga nangyayayari sa akin. Lalong lalo na sa nararamdaman ko.


"Lexus !" tawag ni manang sa kanya at pumasok na ito agad sa loob ng kwarto.

" Anong gusto mong ulamin mamayang hapunan? Nag grocery ako diyan. Nang mailuto ko na agad." sabi ni manang pero nakita niya lang si Lexus na nakatulala.

"Lexus ! Lexus ! " Tawag ulit ni manang sa kanya pero wala pa din. Nakatulala lang talaga ito at hindi nakikinig. Kinalabit naman niya si Lexus pero wala pa din. Hindi na nakatiis si manang kaya binatukan niya ito ng malakas. Sa sobrang lakas ng batok ni manang cupid sa kanya ay napahiga ito sa kama.
Nagising naman sa reyalidad si Lexus at tiningnan kung sino ang bumatok sa kanya.

"Aray! " sigaw ko. habang nakahiga sa kama. Paglingon ko ay nakita ko si manang na nakapamaywang at tinitingnan ako.

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero para kang tanga diyan ! na nakatulala habang nakaupo sa kama! May problema ka ba?" tanong ni manang.
Napabangon naman ako habang hawak pa din iyong ulo kong binatukan ni niya.

"Ang lakas niyo naman pong mambatok !. " reklamo ko.

"Kung hindi ko pa siguro ginawa iyon ay hindi ka matatauhan !" sigaw ni manang. Napapikit naman ako habang nakalagay iyong mga kamay ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Relax lang po. Kayo naman." Irap ko.
" Huwag kayo masyadong highblood at baka tumaas ang Blood pressure niyo." dagdag ko.

"Tataas talaga ang blood pressure ko kapag ganyan ka!" Ilang araw na kitang nakikitang ganyan ah. Pinapabayaan nga lang kita eh dahil baka gusto mo lang mapag isa. Pero sa tingin ko lumalala na ata. Napapadalas na kasi kitang nakikitang ganyan. Baka isang araw magulat nalang ako, dahil nasa MENTAL ka na." sabi ni manang.

"Sobra naman po kayo. Ano po kasi ma - may problema lang po ako. Nag away po kasi kami ni Philip at hanggang ngayon hindi niya pa rin po ako kinakausap. Nakailang tawag at text na po ako ,basta lahat na po ginawa ko pero ayaw pa din. Galit na galit po ata." malungkot kong sabi.

"Kung ano man ang pinag awayan niyo ay ikuwento mo sa akin at makikinig ako. Nang mabawasan naman iyang pag-iinarte mo diyan. Hindi pa naman ako sanay sa lexus na tahimik." sabi ni manang at umupo sa tabi ko.
Ikinuwento ko naman ang buong pangyayari.






FLASHBACK

"Honey ! Do you want to go to the mall? Let's a watch a movie together. Ang tagal na kasi nating hindi nagagawa iyon eh." masayang sabi ko pagkapasok sa kwarto. Nagtaka naman ako dahil nakaupo lang si Philip at nakayuko habang kuyom ang kamao nito. Lumingon naman siya sa akin, pero nakita ko ang galit sa mga mata niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Honey what's wrong?" I asked.

"You're asking me what's wrong ?" ngisi niya. You're cheating on me Lexus! " sigaw niya.

"Huh? I don't know what your talking about ?" Saka hindi ako nagtataksil. Wala akong ibang lalaki." I said.

"Hindi sa lalaki Lexus ! kundi sa babae!". Akala ko mahal mo ako ! Kelan ka pa nagbago! at paano mo maipapaliwang iyong isinulat mo dito sa diary mo !". sigaw niya. Nakita ko namang hawak niya ang diary ko. Namutla ako dahil paniguradong nabasa niya iyong isinulat ko.
"Maayos naman tayo diba? Masyado ba akong naging kampante na akala ko okey tayo at walang makakasira sa atin !. Tapos mababasa ko lang ito?! " at itinapon niya sa sahig iyong diary ko. Hindi ko akalaing makikita niya iyon dahil buong akala ko ay naitago ko iyon. Nagsisisi tuloy ako dahil isinulat ko pa iyon dun.

Lexus The GayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang