Chapter 17

1.2K 47 5
                                    

Dali dali akong umalis sa lugar na iyon. Pumasok ako sa sasakyan ko at dun ibinuhos ang pag iyak. Ang sakit sakit !. Parang dinudurog iyong puso ko sa nakita ko. Umasa ako na darating siya, iyon pala nakalimutan niya lang.
"Nakakainis ka Lexie !!" galit na sabi ko at pinunasan iyong luha ko. Pinaandar ko naman ang sasakyan ko dahil ayoko ng magtagal pa doon.

"Cous " at niyakap ko si Maureen. habang patuloy pa rin sa pag iyak.
Mabuti nalang nandiyan siya dahil wala si Bff Crisha may family date daw sila.

"What happen to you ? Why are you crying?" Halika pasok ka" worried na sabi niya at niyakap din ako. Umupo kami sa may sala.

"Ang sakit Maureen. I'm expecting that he will come and it turns out na wala pala . Nagmukha lang akong tanga kakahintay sa kanya !" sabi ko habang iyak pa din ng iyak.
"Sobra akong nag alala dahil baka may masamang nangyari na sa kanya or what at makikita ko lang pala na kasama iyong Honey niya.
I know I'm just a friend pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng sobra sa nakita ko. " hagulgol na sabi ko. Lumapit naman si Maureen sa akin para damayan ako.

"Si Lexus ba iyang tinutukoy mo?" She asked. Napatango naman ako at pinunasan iyong luha ko.

"Humanda iyang lalaking. iyan sa akin bukas ,mag uusap kami !" galit na sabi niya.

"Maureen please huwag na."

"K fine. "Irap niya sa akin.
"Pero bakit ba naaapektuhan ka ng ganyan?" Sa nakikita ko kasi para kang pinagtaksilan ng boyfriend.
Umamin ka nga ? May gusto ka ba kay Lexus? "
Napatulala naman ako. Gusto ko na nga ba siya ? Kaya sobra akong nasaktan ng ganito?"

"I - I don't know? " Ku - kung may gusto ako sa kanya." sabi ko na parang naguguluhan din.

"Inosente mo talaga pinsan ! Ang hilig mong magbasa ng mga romance novel tapos hindi mo alam kung paano nababanggit dun iyong taong in love ?. Minsan nga nababasa pa dun iyong signs kung paano nainlove iyong character."
"Hay naku nalang " buntong hininga niya.
"Masyado ka kasing stick sa feelings mo na friends lang kayo at hanggang dun lang iyon!. Tuloy hindi mo napapansin na gusto mo na siya o baka nga mahal mo na siya eh."
Speechless ako sa mga sinabi niya. May mga signs nga ako na nararamdaman pero binabalewala ko lang. Akala ko kasi wala lang iyon.

"You didn't confirmed it yet?"
Umiling naman ako.

"Pero may mga nararamdaman ako minsan na hindi ko maintindihan. " sabi ko.

"Ok ganito nalang. Tell me those feelings that you feel for him for the first time. Para malaman natin kung totoo iyong hinala ko." Maureen said.

" -- First time ko maramdaman na tumibok iyong puso ko ng sobrang bilis. Iyong parang may karera ng kabayo sa loob. Halos naririnig ko na nga minsan eh. Nung una kong maramdaman iyon binalewala ko lang. Paminsan minsan nauulit din iyon kapag magkasama kami.
--- Masaya rin ako kapag nandiyan siya. Iyong parang buo na iyong araw ko makasama at makita ko lang siya.
--- Ma malungkot rin ako kapag wala siya. pa-pa rang may kulang. Nakayuko na sabi ko.
--- Mi minsan kinikilig din ako sa kanya. at kinagat ko iyong ibabang labi ko.

"O-M-G " gulat at napatakip sa bibig si Maureen.
"As in OMG !!! " Cousin !! In love kana nga !!! Sa wakas babae ka na !!" nagsisisigaw na sabi ni Maureen. Binatukan ko naman siya. Ang OA kasi . Sinimangutan niya naman ako.

" Tumigil ka nga ! Para kang baliw ! At ano bang tingin mo sa akin? Tomboy? Babae naman talaga ako ah !" sigaw ko sa kanya.

"Babae ka nga pero ABNORMAL ! Simula sa suot , pag aayos at feelings ! .Puro ka nalang jeans and t-shirt nagmumukha ka tuloy tomboy !. Iyong mukha mo naman walang kakulay kulay. Sana kahit light make up lang ay gumamit ka naman para mapansin ka rin ng mga lalaki ! " Hinawakan ko naman iyong mukha ko at sinimangutan siya.
" Puro ka na lang crushes sa international at local celebrities! Wala nga akong naririnig na may binanggit kang gusto o crush man lang sa paligid ! Maghanap ka naman ng REALITY hindi iyong puro FANTASY !! " mahabang litanya niya. Napaurong naman ako sa pagsigaw niya. Nakakatakot siya.

Lexus The GayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora