CHAPTER 28

1.1K 39 9
                                    

Carlen POV

Ilang araw na akong hindi kinakausap at iniiwasan ni Lexie.
Nagtataka nga rin ako kung bakit.  Wala akong maisip na dahilan kung bakit bigla nalang siyang naging  ganoon.   Kapag nagkakasalubong kami ay parang hindi niya ako kilala.  Tinititigan niya lang ako at walang expresyon ang mukha niya.
Nagtataka na rin ang mga kasamahan namin at tinatanong ako.  Sinasabi ko nalang na nag away nga kami.   Tinatanong nila kung bakit,  pero hindi ko sila sinasagot at ngumingiti nalang ako.

"Nag away ba kayo ni Lexus ? ilang araw ko na kayong hindi nakikitang nagpapansinan ?" kunot noong tanong ni Maureen.  Hindi ko naman siya sinagot at ipinagpatuloy lang ang pagkain.  Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng lunch sa canteen.

"Hoy!  Carlen, magkwento ka naman. " pangungulit niya sa akin.  Tumigil naman ako sa pagsubo at tinitigan siya.

"Puwede ba Maureen. Don't ask me that question. Dahil kahit ako,  hindi ko alam kung bakit."  inis kong sabi at ipinagpatuloy ulit ang pagkain.  Narinig ko naman si Maureen na nagsalita.

"Hay naku nalang pinsan.  Mukhang may bago ka ng kapalit sa pagiging bestfriend ng taong mahal mo." sabi ni Maureen. Tiningnan ko naman ang direksiyon ng tinititigan niya.   Bigla naman akong nakaramdam ng galit at pagkainis dahil sa nakita ko.  Lexus and Cris are eating together.  Simula ng iwasan niya ako ay si Cris na ang palaging kasama niya. Sobra akong nasasaktan dahil parang walang value sa kanya iyong friendship namin.   ANG MASAKIT PA AY IYONG IWASAN KA NIYA NG WALANG DAHILAN.

" Carlen! "  rinig kong tawag ni Maureen sa akin. Lumingon naman ako sa kanya. 
"Alam mo masyado kang obvious na nagseselos.  Kulang nalang siguro ay kutsilyo o baril sa iyo. Makakapatay na kasi ng tao iyang titig mo eh." dagdag niya.

"Ha! hindi noh at ano bang paki ko sa kanya?!.  Kaibiganin niya kung sino ang gusto niya dahil wa-la-a-kong-pa-ki!. " irap ko.

"Anong walang paki? eh ang higpit nga ng hawak mo diyan sa tinidor at kutsara mo. Kulang na nga lang ay itapon mo iyan sa kanila. " mahinang tawa ni Maureen.
Sa sobrang inis ko ay binitiwan ko iyong kutsara at tinidor ko ng pabagsak sa mesa. Kaya nakalikha ito ng ingay sa loob ng canteen.
Lumingon naman ako sa paligid ko at nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Nag sorry naman ako.  Pati sila Lexie at Cris ay nakatingin din sa akin.  Nagtama naman ang mga titig namin ni Lexie pero inirapan ko lang siya.  Siya lang marunong mambalewala ? Pwes ako din.  Ipapakita ko sa kanya na hindi siya kawalan. 

"Anong hindi kawalan, umiiyak ka nga kapag naaalala mo iyong happy moments niyo eh". sabi ng utak ko.  Nangunot naman ang noo ko.  Pati ba naman utak ko kinokontra na din ako.


"Relax ok.  Baka akalain niya eh nagseselos ka.  Ano ka girlfriend na nakita ang ex ? Hoy! bestfriend lang kayo !.  Huwag kang makaarte diyan na jowa mo siya ." sabi ni Maureen at pinandilatan ako.

"Nakakainis kasi.  Bakit niya ba ako iniiwasan ng walang dahilan.  Hindi naman kami nag away. " sabi ko.

"Ask him ".  sabi ni Maureen.

"Ayoko nga.  Siya ang unang umiwas tapos ako ang manguguna ?." Irap na sabi ko.

"Kung gusto mong malaman ang totoo, eh di huwag mong pairalin iyang PRIDE MO !." sabi niya at biglang  tumayo.

"Uy! Hintayin mo ako! "sabi ko at  tumayo na din.   Hindi ko namalayan na may nabangga pala akong lalaki.  Nag sorry naman ako pero nagulat ako ng pagtingin ko sa kanya ay ang taong kinaiinisan ko pala ang nabangga ko.

"Jake? "  kunot noong sabi ko.  Ngumiti naman siya sa akin.  Ang kapal talaga ng mukha.!

"Xander !" tawag ng isang pamilyar na boses ng isa din sa iniiwasan kong makausap ngayon.

"Gra-grandma?" sabi ko na nanlalaki ang mga mata.  Lumapit naman si grandma sa amin. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila.

"Huwag niyong sabihing si Jake at Xander ay iisa at ang ?"  putol ko sa sasabihin ko at biglang napatakip ng bibig.
"Oh my gosh". dagdag  ko. Nakita ko namang napatango si grandma.




Sa kabilang dako naman ay may matalim na nakatingin sa kanila at gustong hilain si Carlen palayo sa lalaking kasama niya ngayon.













__________________________

Nasa may waiting shed ako sa gilid ng kalsada.  Hinihintay ko iyong kapatid kong sunduin ako.  Hiniram niya na naman kasi iyong sasakyan ko.  Naiinis nga ako dahil perwisyo siya minsan.  Ayaw kasing bilhan ni mommy ng sasakyan dahil hindi nag aaral ng matino, at kahit iyong car ni daddy ay hindi pinapahiram sa kanya.  Kaya heto, ako ngayon ang kinukulit niya.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at headset. Makikinig nalang muna ako ng music habang nag iiscrol sa instagram.  Hindi ko naman napansin ang mga taong nagkakagulo sa paligid ko.  Wala akong kamalay malay na may isang 10 wheeler truck na papalapit sa kinaroroonan ko.  Halos lahat ng  tao ay nagtatakbuhan at nagkakagulo na.  Habang ako ay walang pakielam.  Dahil nga nakaheadset ako.   Nagsisigawan naman iyong mga tao sa paligid ko, dahil nga nakita nila akong nanduon pa rin at nakatayo lang.  Walang kaalam alam sa papalapit na truck na nawalan ng preno.

Namalayan ko nalang na may isang taong humila sa kamay ko at niyakap ako papalayo sa kinatatayuan ko.   Natauhan naman ako at nakita ang 10wheeler  truck  na dumiretso sa kinatatayuan ko kanina.   Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nakita.  Takot ang bumalot sa katawan ko at nanginginig ako ng sobra. Paano kapag walang nagmagandang loob na tulungan ako.  Eh di kanina pa siguro ako nakabulagta at wala ng buhay. 

Yakap pa din ako ng lalaking sumaklolo sa akin.   Pero kahit hindi ko siya nakikita kilala siya ng puso at isip ko, pati na ng buong pagkatao ko.   Hindi ko na napigilan at napahigpit ang yakap ko sa kanya at napahagulgol ng iyak. Magkahalong takot at saya ang nararamdaman ko.  Buong akala ko ay hindi na ako importante sa kanya.  Kahit pala papaano ay nag aalala pa rin siya sa akin.  Hindi niya kaya ako pinapansin,  mag iisang buwan na ata.  Oo natiis niya ako ng ganun.   Kahit na nagtataka at nagtatampo na din hinayaan ko na lang siya.   Baka nga may reason siya kaya iniiwasan niya ako.  Kumalas naman ako ng yakap sa kanya habang nakayuko at umiiyak pa din. 

"Ayos kalang ?"  worried na tanong niya.   Hinawakan niya naman ang baba ko para makita niya ang mukha ko. Pinunasan naman niya ang luha ko.

"Huwag ka ng umiyak.  Ligtas ka na.  Mabuti nalang at nakita kita agad, kung nahuli lang ako ay baka nahagip ka na ng truck na iyon."  sabi niya.  Tinabig ko naman iyong kamay niyang pinupunasan iyong luha ko.

"Thank you " sabi ko at tumalikod agad.   Hinila niya naman iyong braso ko at napaharap ulit ako sa kanya.   Pinunasan  ko naman iyong luha ko at galit siyang tinitigan.














"Ano pa bang problema mo ha?!
Nag thank you na ako diba?
At sa pagkakaalam ko wala ka namang paki sa akin.!  Simula nung iwasan mo ako.  Wala na tayong pakielamanan diba.?  Kaya please lang pabayaan mo ako!. "  sigaw ko. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan pa kami.  Tumalikod naman ako agad at mabilis na naglakad.  



AUTHOR'S   NOTE :

👉   Hi readers!  Medyo lame ba iyong update?  Comment naman kayo, para malaman ko iyong opinion niyo.  Hehehe.  Nagsisimula na din ang makakalove triangle nila.  Medyo duma the moves na hahaha. 

👉    kung gusto niyo malaman kung kelan ang update ng story na ito.  You can follow my account here on watty, because I will post a message about the story update.
Hindi ko kasi alam kung kelan ang next update ko.

👉    Don't forget to vote !! and thank you.  God bless you always readers !!😘😘

Lexus The GayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum