CHAPTER 29

1.2K 41 3
                                    

Habang nag dadrive ay napansin ko ang nagkakagulong mga tao sa gilid ng kalsada. Nakita ko naman ang pagewang gewang na 10 wheeler truck sa harapan ko. Pero medyo malayo pa ito. Sa palagay ko ay nawalan ito ng preno. Nagulat ako ng mapansin ko si Carlen sa may waiting shed sa gilid ng kalsada. Hindi alintana ang paparating na panganib sa kinatatayuan niya. Natakot ako ng sobra kaya dali dali akong bumaba ng sasakyan at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanyang masama at hindi ko siya mailigtas. Laking pasalamat ko dahil napaiwas ko siya sa truck na iyon. Nakita ko naman ang shock sa mukha niya lalo na at naramdaman kong napayakap siya ng mahigpit sa akin. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong pag iyak niya. Ayokong may mangyari sa kanyang masama at higit sa lahat ayokong mawala siya sa akin.

Nakita ko naman ang galit sa mga mata niya nang titigan ako. Hinayaan ko nalang siyang umalis at lumayo sa akin. Bumalik nalang ako sa sasakyan ko.
Hindi na ako magugulat kung ganoon ang galit niya sa akin. It's my fault and I think that it's the best thing to do. Nang hindi na lumala ang away namin ni Philip. Nagkaayos nga kami, pero tama si manang cupid hindi na ganoon sa dati. Iyong masayang kami ay hindi na, parang pinipilit ko nalang iyong sarili kong maging masaya kapag kasama siya, but deep inside I'm not that very happy. I don't want to hurt him, because in the first place he's the one who accept my true identity. I've also promised to myself that I will forget all the memories of Carlen and me. But, there are times that I saw her in my mind. Bigla bigla nalang siyang pumapasok sa utak ko kahit hindi ko naman intensyong isipin siya. Habang yakap yakap ko siya kanina bigla na naman tumibok ang puso ko. Iyong kakaibang tibok na siya lang ang nakakagawa sa akin. Sa kanya ko lang naramdaman itong ganitong pagwawala ng puso ko. Isang tanong lang ang bumabagabag sa akin minsan. Kung MAHAL KO NA BA SIYA ?. Hindi ko rin alam hanggat hindi ko nakukumpirma sa sarili ko. Mahirap magpadalos dalos sa mga bagay bagay.










____________________🐼

Nasa mall ako ngayon ng bigla kong mabangga ang isang lalaki . Nag sorry naman ako agad. Pag angat ko ng mukha para tingnan kung sino ang nabangga ko, ay laking gulat ko ng makita ko si Lexie. Napairap at napabuntong hininga naman ako. Pwede bang kahit isang araw man lang ay hindi ko siya makita? Sa work nagkikita kami, pati ba naman sa labas magkikita pa rin kami? inis na sabi ko sa sarili. Napansin ko naman ang kasama niyang lalake, na kung makatitig ay parang inieksamin ako sa microscope. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo nakataas pa ang kilay niya. Napangisi naman ako. Sirena din ang isang ito. Sayang nga lang dahil gwapo, matangkad, maputi at higit sa lahat artistahin ang dating. Siya na siguro ang jowa nitong ex bff ko.

"Carlen ?" rinig kong tawag ni Lexie sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"So, siya pala iyong bestfriend mo?" rinig kong sabi ng lalaking kasama niya. Gusto ko nga siyang icorrect eh. Gusto kong sabihing EX BESTFRIEND ! pero nanatili nalang akong tahimik.

"Excuse me, but I have to go" sabi ko. Pero pinigilan ako ng kasama niya.

"Wait, Can we be friends also? Were having a dinner ,you can join us." tinititigan ko naman siya. Mukhang sincere naman siya at mabait. Pero may kakaiba lang talaga akong nararamdaman sa kanya.

"Why you are inviting me ? Sino ka ba?" curious na sabi ko. Malay ko ba kung tama ang hinala ko na siya nga ang Philip ni Lexie.

"Sorry, I'm not able to introduce myself. I'm Philip John Aguirre. Lexus boyfriend. " sabi niya. May kirot naman akong naramdaman sa puso ko. Ganito na ba kasaklap ang lovelife ko ngayon? Pwede naman akong magmahal ng iba ,pero bakit hindi ko kaya?. sabi ko sa sarili ko.
" Can you join us? Please. I want to know you because Lexus talk a lot about you. ". Nakita ko namang tiningnan ni Lexie si Philip.

Lexus The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon