Chapter 11

1.3K 51 6
                                    

"Pare ,mukhang pinopormahan ni Jake iyong girlfriend mo. Tingnan mo iyon oh." tapik ni Jonathan sa balikat ko at itinuro si Carlen na kausap si Jake.
"Alam mo naman ang ugali ni Jake. What he wants ,he gets. Walang kaibi kaibigan sa kanya." at napasmirk ito. Napakuyom naman ang kamao ko.  Hindi ko gusto ang nakikita ko at lalong hindi ko gusto na makuha ni Jake ang loob ni Carlen. Dali dali akong tumayo at pinuntahan sila. Nang malapit na ako ay siya namang  alis ni Jake.

"Are you ok?" I asked.
Tumango naman siya.
"Nakakainis talaga iyang Jake na iyan akala mo kung sino.Mayabang na mukhang manyakis pa.!  Kung hindi lang ako naka dress ,sasapakin ko talaga iyan. Makikita niyang galing ko sa martial arts. Black belter kaya ako." she said. Natawa naman ako.

"Ano bang sabi niya?" I asked.

"He likes me and he want me daw."
Ang kapal niya talaga. Ano ako easy to get at makukuha niya lang ng basta basta! Asa pa siya! ."
Bigla naman akong nagalit sa narinig ko. Hindi ako makakapayag na pati si Carlen ay isali niya sa mga babae nito.. 

"Basta mag iingat ka sa kanya. Matagal ko ng kilala si  Jake at alam ko ng ugali niya. " babala ko sa kanya. Bigla namang may humawak sa braso ko at pinihit ako paharap dito. Nagulat na lang ako ng isang halik ang dumampi sa labi ko. Nang makita ko kung sino ito ay bigla akong nainis. Si Rhea . Ang babaeng obsessed at stalker ko simula nung college hanggang ngayon. Hindi talaga napapagod kakahabol sa akin. Girlfriend ko ito dati at ang aming campus queen.

"Hi babe! " Miss me ? " Sorry hindi na ako nakakabisita sa iyo ,busy abroad eh." ngiting sabi  nito habang nakayakap sa mga braso ko.

"Ano ba Rhea! Matagal na tayong tapos. Hindi ka pa ba nakaka move on?.  It's been a years since we broke up ." Alis ko sa braso niyang nakakapit sa akin.

"Hindi pa ,because all these years ikaw pa rin ang mahal ko."

"We're over and I already have a girlfriend." She's Carlen. " Lapit ko kay Carlen at inakbayan ito.  Nginitian naman ito ni Carlen.















_______________________

Carlen POV

Hindi ko alam na nagka girlfriend pala si Lexie. Sinasabi niya dati na nagakaroon daw siya ng maraming girlfriend pero hindi ako naniniwala. Bakla siya diba?

"Hi , nice to ----- " putol na sabi ko.

"Shut up you ,bitch !" sabi niya sa akin. Nagpanting ata ang tenga ko dun ah. Napangisi akong tinitigan siya. Kanina na kating kati itong kamay kong manapak simula pa dun sa Jake na iyon. Mapagpraktisan nga ang babaeng ito. Binulungan naman ako ni Lexie .

"Alam kong iniisip mo . Wag mo ng ituloy please. Ang daming tao."

"Wag kang mag alala babe ,ilalagay ko lang sa kung saan nababagay ang babaeng ito. Bitch pala ha. Puwes I will show her my bitchy mode." pinigilan niya naman ang braso ko.
"Huwag mo akong pipigilan dahil baka sa iyo ko ibuntong itong nararamdaman ko." natakot ata siya kaya binitawan niya ako.
"Hawakan mo itong juice ko." Favorite ko iyan. " taas kilay kong sabi at hinarap ang babae.

"Ako? Bitch.? " at tumawa ako.
"Sinong mas bitch sa atin? Ako na girlfriend o ikaw na mang aagaw ng boyfriend.! Ang lakas ng loob mong tawagin akong bitch! "

Napangisi naman ang babae.
"Bakit mahal ka ba? " Hindi na ako magtataka kung one day iwan ka na lang niya.  Kilala ko si Lexus madaling siyang magsawa sa babae.." sabi niya sa akin.
Baka magsawa sa lalake. Napatawa naman ako sa naisip. Hindi nga niya ako mahal ,Pero ang alam ko mahal niya ang friendship namin ! sigaw  ko sa isip ko.

Lexus The GayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum