CHAPTER 32

1.3K 51 4
                                    

"I LOVE YOU CARLEN." Lexus said. Ngunit kasabay din nun ang pagsisimula ng fireworks display.

 Ngunit kasabay din nun ang pagsisimula ng fireworks display

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wow! ang ganda !" rinig kong sabi ni Carlie.
" Tingnan mo Lexie! "sabi niya at tinapik ang likod ko. Napakalas naman ako ng yakap sa kanya at napatingin sa fireworks display. Napangiti naman ako.

"Oo nga ang ganda, kasing ganda mo ." bigla kong nasabi.

" Huh ?." rinig kong sabi ni Carlie. Lumingon naman ako at nginitian siya. Nakakatuwa talaga iyong mukha niyang gulat dahil sa sinabi ko. Bakit ba ang cute ng babaeng ito ?. sabi ko sa isipan.

"Oh bakit parang nagulat ka? Alangan namang sabihin kong pangit ka. Eh totoo namang maganda ka girl, walang echos ." sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa. Kumunot naman ang noo ko.

"Nagbalik ka na nga Lexie. Nakakamis rin pala iyong beki words mo minsan. " natatawang sabi niya. Napahalf smile naman ako.

"Narinig mo ba iyong sinabi ko kanina?" lingon ko sa kanya.

" Meron ka bang sinabi?" Nakita ko namang nag isip siya at hindi makapaniwalang tinitigan ako.
Napatitig na rin ako sa kanya. Gusto kong malaman ang sagot niya. Sana hindi niya ireject iyong feelings ko.

" SINASAGOT NA KITA." napangiti naman ako hanggang tenga. Ibig sabihin our feelings are mutual.

"SINASAGOT NA KITA NG HINDI !. NARINIG MO NAMAN DIBA?. SUMABAY IYONG FIREWORKS SA SINABI MO. MALAMANG HINDI KO MARIRINIG AT MAIINTINDIHAN IYON." paliwanag niya. Laglag naman ang balikat ko. Akala ko iyon na. Napangiti naman ako. Maybe it's not the right time.

"Timing ka din eh. Sana sinabi mo ng hindi pa nagsisimula ang fireworks display." irap na sabi niya.
"Now, what do you want to say? " dagdag niya pa. Napatitig naman ako sa mga mata niya. Bahala na ! sabi ko sa sarili ko.

"I - I Lo____ " putol ko sa sasabihin ko ng marinig kong may tumawag sa kanya. Lumingon naman ako sa boses ng tumawag sa kanya at nakita ko si Jake. Gusto ko tuloy magmura. Nandun na sana eh. Epal talaga itong lalakeng ito.

"Jake ?" gulat na sabi ni Carlie.
"What are you doing here? Paano mo nalamang nandito ako?" dagdag pa niya. Nakayuko lang ako at nakapamulsa habang pinapakinggan sila.

"I have my ways. You can't do this to me Carlen. Ano bang nakita mo kay Lexus at siya pa rin ang gusto mo? Diba sinabi ko na sa iyong BAKLA siya !. " bigla naman akong napalingon kay Jake. Paano niya nalaman ? . Lumapit naman si Carlie sa akin at humawak sa braso ko.

"Bago ko lang din nalaman. Sumakay ka nalang. Ang akala niya kasi ay boyfriend pa rin kita." pabulong niyang sabi sa akin. I'm speechless. So, all these years may nakakaalam palang bakla ako.?

"Don't push yourself to me because I will never be yours !. I already know that Lexus is a gay and you have nothing to do with it. Because he's the one I loved !. The man that I want to be with. I don't care if he's a gay and I don't care what people want to say. I accept him for who he is. Alam ko sa sarili kong mahal niya rin ako at kaya niya akong mahalin bilang isang babae kahit na may puso pa siyang babae. " sabi ni Carlie at seryoso akong tiningnan sa mata. Nakatitig lang din ako sa kanya. Alam kong palabas niya lang ito para saktan si Jake. Pero habang pinapakinggan ko lahat ng sinabi niya. Sa palagay ko ay totoo lahat ng iyon.
Kung hindi lang ito palabas iisipin kong totoo nga. Nagulat naman ako ng hawakan niya ako sa pisngi at biglang halikan sa labi.
It's just a smack pero sapat na iyon para mapangiti ako ng hindi niya nakikita. Kahit kelan talaga hindi marunong humalik. Dapat pinatagal niya pa para convincing. Napapangiti naman ako sa naisip.

Lexus The GayWhere stories live. Discover now