Chapter 4

1.6K 52 1
                                    

Nakaalis na si Carlen pero ako ay heto pa rin at nakatulala..
I can't imagine na tutugon ako sa halik niya. Kung tutuusin pwede ko naman siyang itulak pero para akong naestatwa kanina.. at parang sinasabi ng katawan ko na go with the flow.  Wala sa sariling hinawakan ko ang lips ko..

"Oh my gosh nakaleptulelang ko ang isang babae ?!"   This can't be ! What am I doing? Bakit nawala ako sa sarili ko kanina at tumugon sa mga halik niya ?"
"Feeling ko tuloy nagahasa ako !" sabi ko sa sarili ko at parang maiiyak na..

May bigla namang tumapik sa balikat ko at sa sobrang gulat ay napasigaw ako ng bongang bonga..

"Aaaaaaahhh!!!!" tili ko.

"Hoy! Anong nangyayari sa iyo? " Maureen asked kasama si Kuya Johnny.
Napahawak naman ako sa dibdib ko .

"Ano ba! hindi ba pwedeng tawagin mo nalang ako sa pangalan ko ?! Hindi iyong bigla bigla ka nalang nanggugulat.. Kita mong ang tahi-tahimik dito sa parking lot!"
galit kong sabi.

"Sorry hindi ko naman intensiyon na gulatin ka. Ano ba kasing ginagawa mo dito at nakatayo kalang diyan? " Maureen asked.

"Wa-wala ma-may kinuha lang ako sa sasakyan ko." at tumango naman si Maureen. Napansin naman namin ni Maureen na kanina pa tawang-tawa si kuya Johnny .

"Kuya? Bakit tawa ka ng tawa diyan?" tanong ni Maureen sa kanya..
"Nakakatawa kasi iyong reaction ni Lexus parang babae kung tumili ang lakas!" at tumingin siya sa akin "Kung hindi kalang lalake iisipin kong bakla ka." at tumawa na naman siya ulit..
"Oo nga,  parang mas malakas pa ata ang tili niya sa akin" sabi ni Maureen kay kuya Johnny at nakisali na ring tumawa..

Dahil sa inis ko ay iniwan ko sila at nag walk out na.
"Magsama kayong dalawa,mga pangit! " sabi ko sa isipan ko..












_________________________

Napabalikwas ako ng higa dahil kanina pa ako hindi dinadalaw ng antok. Tinignan ko naman ang orosan na nasa may lampshade ko na pink hello kitty,  at nagulat ako dahil mag aalas dos na pala ng madaling araw. 
Naaalala ko pa din kasi  iyong nangyari kanina. Oo at nakahalik na ako ng mga babae noon kapag kinukumbinsi ko ang mga parents at friends ko na na lalaki talaga ako, but in the end kapag natapos na ang halik ay diring diri ako at nasusuka..  Pero iba iyong labi niya ang lambot at ang sarap halikan.
Hindi lang man ako nandiri bagkus ay gusto ko pang ulitin.. Alam kong hindi siya marunong humalik dahil nasubukan ko na dati iyong ibat ibang uri ng halik sa mga naging girlfriends ko at siyempre kay honey love ko ngayon. Pero nung kinagat niya iyong ibabang labi ko ay para akong nakuryente kaya hayun bumigay na ako.

"Ahrrrg" sigaw ko at gulo sa buhok ko. "Kainis kang babae ka ! Hindi tuloy ako makatulog ! ".
Kailangan ko ng kasagutan at hindi ako matatahimik ng ganito.
Bakla ako mga besh ! Since birth sa isip at sa puso ! Patago nga lang dahil hindi alam ng parents ko. Signs na ba ito na babalik na ako sa pagiging hombre ulit !?
Hindi pwedeng mangyari iyon ,mahal na mahal ko si Philip ,ayaw kong sirain iyong tiwala niya sa akin ng dahil lang sa babae..
Kaya kinuha ko ang phone ko at nag message kay Carlen. Dahil nga hindi kami close kaya wala akong # niya. Friend kami sa Facebook pero hindi sa reality.  Kaya huwag na kayong magtaka.

"Hi Carlen , pwedeng makuha # mo
Important matters lang.
I'll text you. thank you ..
Chat ko sa kanya sa messenger.


Humiga na ako ulit ng mag vibrate ang phone ko. One message received from Phillip..

"I miss you Lexie honey. Malapit na akong bumalik and We need quality time pagbalik ko..😉
I love you always and forever 😍.
Ingat lagi honey.."😘

Napangiti naman ako at kinilig sa nabasa ko.. He make me happy talaga at sa palagay ko makakatulog na ako..
"Savior talaga kita , I miss you too honey and I love you forever and ever.." sabi ko at natulog na ng masaya...











_______________________

Karen POV

Dahil off ko ngayon ay hindi ako maagang nagising.  Iphone ko agad ang kinuha ko , but one chat message caught my attention. It's from Lexus. My no. 1 kinaniinisan sa work at sa aming barkada. Simula kasi ng magkatrabaho kami ay naging barkada na kami kahit hindi ko masyado close iyong baklang Lexus na iyon.  Kapag buo ang barkada hindi ko siya kinakausap. Pinapabayaan ko lang siyang dumaldal.   Himala na siguro kung makausap ko siya ng matagal.  Siguro once lang nangyari iyon. Pinapabayaan na lang din kami ng mga barkada namin.  I don't know kung bakit ,dahil siguro sa ingay niya at sa taas ng sense of humor niya kaya hindi ko siya gusto o talagang hindi ko lang siya feel..
Tahimik kasi akong tao pero minsan may pagka loka loka din. Kaya ko ngang hindi sila kausapin at kibuin ng buong araw.  Nasanay na rin siguro nung college . Madaldal lang ako sa mga taong bestfriends ko at sa mga taong alam kong makakasundo kami. Hindi kagaya ni Lexus na sa unang kita ko palang sa kanya ay nafefeel ko ng hindi ko siya makakasundo.

Iyong nangyari kahapon ay hindi ko iniexpect.  Kasalanan niya kinuha niya ang First kiss ko !.  Iniyakan ko iyon ng bongang bonga pag uwi ko sa bahay.
Kagaya nga ng sabi ko I want it to become memorable for the man i love.. pero wala na nasira na lahat ng plano ko!  .Alam niyo bang nanunuod pa ako ng Steps on How to kiss!?  .Oo sa maniwala kayo at sa hindi nanunuod ako nun dahil nga wala akong lovelife since birth kaya hindi ko alam kung anong feeling ng may boyfriend at nahalikan na..
I have suitors ,but I prioritized first my studies nung college days. No time for love... Kaya heto ako ngayon at nag hihintay ng tamang panahon kung kelan darating ang taong nakalaan para sa akin..
Iyon na nga ,wala na ang first kiss ko,  kaya sa sobrang inis ko sa Lexus na iyon ginantihan ko siya at hinalikan din . Tutal wala na din ang iniingatan kong first kiss ng dahil lang sa dinedeny niyang hindi siya bakla!.  Hah! ako pang niloko niya eh kitang kita na nga ng dalawa kong mata!.
Oo nga at ako ang may kasalanan kung bakit niya nagawa iyon ,but I didn't expect na gagawin niya iyon.. Bakla siya eh. I'm sure mandidiri  iyon.. Ni hindi nga tumagal ng one minute iyong halik niya sa akin.As in Smack lang talaga iyong kiss niya.  Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi niya lang man ako itinulak nung hinalikan ko siya ,ni pagtutol ay wala.
Pero infiernes ang lambot ng labi niya ,at ang sarap niya palang humalik.. Ginaya ko lang iyong napanuod ko sa kiss tutorial na kapag hindi tumugon ang partner mo ,kagatin daw iyong ibabang labi
Ginawa ko naman at iyon na naapektuhan siguro si bakla kaya mas tumagal iyong halik..

"Hindi na masama ,kung siya man ang first kiss ko. Gwapo naman siya at expert humalik kaya ok lang" napapangiting sabi ko.
Hinawakan ko naman ang labi ko. "Parang ang sarap ulitin" .napangiti naman ako. Hindi joke lang  one is enough but two is too much. Baka akalain niya may Hidden desire ako sa kanya.  Hah ! sinuswerte siya.
Kahit ang sarap ng halik niya at sobrang gwapo niya pa, hinding hindi ako magkakagusto sa bakla as in never !!

"Bakit?"
reply ko sa kanya sa chat at online pa talaga siya.

"Basta ibigay mo na lang iyong # mo at wag ka ng magtanong.."
Reply niya.

"Ayoko nga ,baka ano pang gawin mo sa akin para makapaghiganti sa ginawa ko sa iyo kahapon.."
Reply ko. Dapat pakipot mode muna. Babae kaya ako.

"Ang arte mo naman ,ibigay mo na kasi.. " reply niya ulit..

"OK heto. Madali naman akong kausap.. 0904*******. reply ko ulit

May ilang sandali nakatanggap ako ng text message ,unregistered number.

"Kita tayo mamaya 7 pm sa Starbuzz coffee shop.. Be on time ayaw ko ng late.."

-Lexie..




Matapos kong basahin iyon ay napangiti ako.Dahil dun sa name na ginamit niya.
"So ,tanggap niya ng alam kong bakla siya.. Mukhang mahaba habang usapan nga ito.. "

Lexus The GayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang