Chapter 19

1.3K 50 4
                                    

Nasa parking lot ako ng may biglang bumuhat sa akin. Ang gagang bakla pala !. Binuhat niya ako na parang sako.

"Ibaba mo ako ! gaga ka !!" sigaw ko at palo sa likod niya. Hindi naman siya nakinig at patuloy lang sa paglalakad.

"Ano ba! sabing ibaba mo ako eh!! " sigaw ko pa din. Ibinaba niya naman ako at nasa harap kami ng sasakyan niya. Binuksan niya ang pinto sa may passenger seat.
Matalim ko naman siyang tinitigan.

"Pasok!!" sigaw niya. Nagulat naman ako at napaatras. Seryoso siyang nakatingin sa akin at makikita sa mukha niya ang sobrang galit. Nakakatakot pero hindi ako nagpahalata .
Nginisian ko lang siya .

"I said get inside !" Or you want me to kiss you right now and I don't care if somebody caught us. Wala akong pakialam kahit pag chismisan nila tayo !." galit na sabi niya at tinitigan ako ng matalim. Halik na naman? Ito lang ang baklang mahilig manghalik ng babae ! sigaw ko sa isipan ko.

"Hindi mo ako matatakot sa ganyan !". galit na sabi ko at itinaas ko ang kamao ko para suntukin siya ng mapigilan niya
ito.

"Sinusubukan mo talagang pasensya ko Carlen ?! " Well pagbibigyan kita ." Bigla naman niyang hinapit ang bewang ko at inilapit sa katawan niya. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa ay pwede niya na akong mahalikan. Napalaki naman ang mga mata ko sa gulat at ang bilis ng tibok ng puso ko. Habang siya ay seryosong nakatingin sa mga mata ko. Bumaba naman ang mga tingin ko sa labi niya. Gosh! ayoko ng mahalikan ulit ng labing iyan !. Baka bumigay lang ako.! sigaw ko sa isipan ko.

"Fi-fine !" at itinulak ko siya. Pumasok na rin ako agad sa loob ng sasakyan niya. Nakita ko namang napangiti siya.
"Kainis!! " sigaw ko sa isipan ko.

Umikot siya at pumasok sa may drivers seat. He star the engine of his car. I want to ask if where are we going but I keep my mouth shut. Hinayaan ko nalang siya, wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin. Walang nagsasalita sa amin.Panay buntong hininga lang ang naririnig ko kay Lexie. Nasa labas naman ng bintana ang mga tingin ko. Nakikita ko din sa gilid ng mata ko na lumilingon siya sa akin paminsan minsan. Ang awkward nga sitwasyon namin ngayon. Narinig ko naman na nagpa FM radio si Lexie. Kasalukuyang nag aadvice si DJ love. May favorite DJ sa FM radios.

FM radio :

"DJ Love iyong girlfriend ko po galit na galit sa akin. Hindi po kasi ako nakapunta sa monthsary namin. Kasalanan ko naman po talaga dahil hindi ako nakapagtext o tawag na hindi ako makakapunta. Sobrang busy po sa office kaya nakalimutan ko. " sabi ng caller.

Gusto kong matawa sa problema ng caller. Parehong pareho sa pinag awayan namin ni Lexie. Iyon nga lang hindi kami couple. sabi ko sa sarili ko.

"Pambihira bakit mo kinilamutan? Kahit sino magagalit talaga. Siguro marami kang girlfriend kaya nawala sa isip mo. Babaero ka siguro noh?". sabi ni DJ love.

"Naku hindi po DJ love. Stick to one po ako. Opo aaminin ko tumitingin ako sa ibang babae pero hanggang tingin lang iyon. Mahal na mahal ko po girlfriend ko." sabi ng caller.

"Ganun naman pala. Eh di gumawa ka ng paraan para magkaayos kayo. Kahit binabalewala ka niya sige lang kulitin mo hanggang sa bumigay. Dahil kapag mahal na mahal ka ng isang tao hindi ka niya matitiis kahit gaano pa kalaki ang kasalanang nagawa mo sa kanya."
advice ni DJ love.

"Oo mahal ko si Lexie. Naiisip ko namang patawarin siya. Pero sa tuwing naalala ko iyon bumabalik iyong sakit." Tanggap ko naman na puwedeng hindi na bumalik iyong dating closeness namin. Pabor din sa akin iyon para mawala na itong feelings ko sa kanya. Pero hindi eh, makulit talaga siya."

"Thank you po DJ love sa advice
Pa play naman po ng This time ng Jadine. Karen kung nakikinig ka para sa iyo itong kanta ." sabi ng caller.

"Dapat ako ang nagsasabi niyan hindi ikaw !. Inaagawan mo pa ata ako ng linya. Gusto mo ata akong palitan as DJ love eh ." Tumawa naman ang caller.

Lexus The GayWhere stories live. Discover now