72 - woozi's

1.2K 78 304
                                    

Ika-limang araw na namin sa camping, bukas na bukas rin ay uuwi na kami. Nandito ako sa tent nila Wonwoo hyung ngayon, nakipagpalit ako kay Mingyu kasi hindi na 'ko komportable kasama si Soonyoung.

Speaking of Soonyoung Kwon, oo, iniiwasan ko na sya. Naiilang na kasi ako sakanya. Hindi ako sanay sa mga ipinapakita nya, lalo na nung nalaman ko na si Hoshi at sya ay iisa. Bawat conversation namin ay pumapasok sa isip ko .. hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to. Pero may guilt sa puso ko.

"Wonwoo! Jihoon! Pumunta daw lahat dun sa may sapa!"

"Kita mong nagnanarrate ako diba?"

"Aysh! May bisita daw! Bilis na!"

'Puta. Last day na may bisita parin?'

Hindi ko na inayos ang sarili ko dahil kahit ano namang gawin ko e cute parin ako. Lol.

Nang makarating ako sa sapa nandun na silang lahat. Nag-uumpisa na rin magsalita ng kung ano-anong nonsense yung mga guide namin sa camping. Ang naintindihan ko lang e may darating.

"So .. may nakakakilala ba sainyo kay Chan Lee?" Tanong ni Hoseok hyung.

'Si Chan?!?! Akala ko sa sabado pa uwi nya?'

"Bayani ba yon?"

"Tanga baka tindero sa campus"

"Baka sya yung may ari nitong site?"

"Baka sya yung driver?"

"Classmate po ba namin?"

"Bobo. Baka taga-ibang section"

"Baka tatay ni Jihoon?"

"Baka kuya ni Seokmin?"

"Hoy wala akong kapatid na dinosaur no!"

"Baka kapatid ni Hoseok Oppa?"

"Tanga ka ba? Kabayo yan! Sila ni Seokmin Oppa pwede pa"

"Kingina!! Pinsan yan ni Soonyoung hyung!!" Biglang sigaw ni Mingyu.

'What?! No way..'

"Omg girls! Baka gwapo rin yan kagaya ni Oppa!"

"Huhu! Di ko parin iiwan si Soonyoung Oppa!"

"Edi sakin na si Chan!"

"Hindi mo pa nga nakikita eh! Mukhang dinosaur daw yun sabi ni Seokmin Oppa! Rawr"

"Ay ayoko na pala. Baka mukhang sinauna Hahahaha!"

"Shut up na nga kayo dyan! Visitor natin sya okay. So nasaan si Soonyoung?"

"Nasa puso ko po!"

"Nasa puso ni Jihoon!!"

"Kadiri kayo! Akin si Oppa!"

"Tanga sakin lang sya!"

"Buset hati nalang tayo! Sayo taas akin baba! Hahahaha"

"Kingina kasi diba? Tinatanong ko kung nasaan si Soonyoung" Muling sabi ni Hoseok hyung. Luminga-linga kami pero hindi namin makita si Soonyoung.

'San naman nagsususuot yon'

"Jihoon? Hindi mo ba kasama si Soonyoung pumunta rito?" Biglang lapit ni Seungcheol hyung saken. Umiling naman ako sakanya. "Hindi parin ba kayo magkaayos?"

"Huh? Nag-away ba kami?"

"Ay hindi ba?"

Hindi na namin napakinggan yung mga sinasabi ni kabayo hyung, este ni Hoseok hyung kasi nag-usap nalang kami ni Seungcheol hyung. Hindi ko alam pero parang may nakatingin samin ng masama. Maffeel mo naman yun diba?

"Akala ko kasi nag-away kayo laging wala si mood si gago" Sabi nya habang nakangisi. "Baliw ka ba? Bakit naman kami mag-aaway?"

"Tangina. Bakit nga ba kayo nag-away noon ha? Makapagsalita ka.."

"Tsk. Sya kaya sisihin mo!"

"Sino? Si Soonyoung?"

"Oo sya nanguna nun eh"

"Tsk. Damay nanaman ako?" Napahinto kami ni Cheol hyung at napatingin kami sa gilid namin. Nandun si Soonyoung. Nag-iwas agad ako sakanya ng tingin kasi nga punyeta, naiilang ako. Lumapit pa sya samin nararamdaman kong intense yung tingin nya OSNSJSBUSNSO

"Hoy Jihoon.." Sabi nya.

'Tangina anong nangyayari sakin. Bakit ganon yung boses nya. Bakit kinakabahan ako. Siguro dahil lang 'to sa pag-iwas ko sakanya dahil sya si Hoshi. Oo tama. Dahil lang 'to don'

"Hmm?"

"Tumingin ka sakin.. Bakit mo 'ko iniiwasan?" Sabi nya habang naka-nguso pa.

"Guys alis na ba 'ko?" Awkward na sabi ni Seungcheol. Hindi naman namin ito sinagot.

"Bakit si gilagid kinakausap mo? Tapos sakin umiiwas k—"

"Dahil mahal nya 'ko" Sabi ni Cheol sabay akbay sakin. "Hehehe kingina mo.. papatayin kita mamaya" Bulong ko sakanya.

"As I know, sakin may gusto si Jihoon" Sabi ni Soonyoung habang tumatango-tango pa.

"Edi sayo na. Hahaha"

"Dati pala kayong magkaibigan noon no? Ngayon ko lang ulit naalala eh" Sabi ni Soonyoung. Nagtinginan naman kami ni Seungcheol at awkward na tumango.

"Bakit naman kayo nagkahi—"

"OMG SI CHAN!!"

"ANG GWAPO NYA!!"

"HINDI SYA MUKHANG DINOSAUR GOSH!!"

Nakuhang muli ang aming atensyon dahil sa sigawan ng mga babae. Nandun si Lee Chan kasama si Jeonghan hyung. Bakit mukha silang mag-ina haha

"Gago talaga 'to. Sabi nya sa sabado pa sya uuwi" Bulong ni Soonyoung. Nakatingin parin kami kay Chan habang nasa gitna sya. Nang biglang magtama ang aming mga mata. Mas lalong lumapad ang ngiti nya at kumaway-kaway pa sya. Nang magtama ang paningin namin ni Jeonghan hyung, ewan ko kung ako lang ah. Pero biglang nawala ang mga ngiti nya.

"HELLO SOONYOUNG HYUNG!!"

"HI CHAN!!"

"JIHOON HYUNG!! CHEOL HYUNG—"

Nagtataka namang lumingon samin si Soonyoung. "Magkakila—"

"—ANG SWEET NYO PARIN MGA HYUNG AH! MAAABUTAN KO PA TALAGA KAYONG MAGKAAKBAY HA! SAMANTALANG DATI PA-SHY TYPE PA SI JIHOONIE HYUNG! AT HINDI NYO NA 'KO BINABALITAAN ABOUT SAINYONG DALAWA HYUNG AH? HAHAHA! ILANG YEARS NA KAYO?? SABI KO NA NGA BA'T FOREVER NA KAYO EH! JIHOON HYUNG!! BAGAY TALAGA KAYO NI SEUNGCHEOL HYUNG!! PAKATATAG PA KAYO! HAHAHA! ALAM NYO NAMAN NA SHIP NA SHIP KO KAYO! KISS NAMAN DYAN HAHAHA!"

/Omg. Dito lang muna ako mag-uupdate para magkakasabay ulit yung chapters ng mga ff ko. On-going na ulit sila. Alam nyo naman na namomotivate ako dahil sainyo. Kaya pipilitin kong wag magpaapekto sa issue na yun. Thankyou!:)/

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon