114 - woozi's

1K 52 10
                                    

"S-Soonyoung?"

"J-Jihoon! Hi!"

"Anong ginagawa mo?"

"Nakikinig ng music. Tara nga dito" Itinabi nya ang laptop at head phones nya.

"I miss you"

Medyo nagitla pa 'ko nung yakapin nya 'ko. Wala naman akong nagawa kundi ang yumakap pabalik.

"Kelan ako makakalabas? Hindi ko kasi macontact si Eomma" Naiimagine ko na nakanguso sya habang sinasabi iyon.

"Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo? Kinakabahan ka ba?" Tanong nya habang nakayakap parin sakin.

Natatakot ako ..

"Hindi naman"

"Jihoon, may itatanong lang ako."

"Hmm?"

"Sabi mo, mahal mo 'ko diba?"

"Hmm"

"Anong nagustuhan mo sakin?"

Napangiti naman ako ng bahagya sa tanong nya, "To tell you honestly, hindi ko rin alam"

"Huh?"

"Hindi ko alam. Basta. Bigla nalang kitang nagustuhan. One day, narealize ko na gusto pala talaga kita. Na mahal pala talaga kita. Ewan ko. Para sakin kasi, wala namang dapat maging dahilan kung bakit mahal mo ang isang tao. You know, as long na tanggap mo sya, sapat na yun"

"Talaga? Tanggap mo 'ko?"

"Yup"

"..okay. So.. kelan mo narealize na mahal mo na 'ko?"

"Matagal na.."

"Ga'no katagal?"

'Magsisinungaling ba 'ko..? o magsasabi ng totoo?'

"Jihoon? Ga'no katagal?"

"N-Nung hinalikan kita sa hagdanan.."

"Talaga? Gusto mo na 'ko nun?"

"Oo"

"You are lying"

o___o

"Ha?!"

"Sabi ko, I love you. Haha"

"Tsk"

"Alam mo ba? Ikaw ang first kiss ko. Way back nung hinalikan mo 'ko sa hagdanan, hindi ka na nawala sa isip ko. Tapos, dumating sa point na nagseselos ako kay Cheol hyung dahil sa closeness nyo. Nung dinala kita sa bahay, I guess, crush na kita nun. Haha. We kissed and cuddled kahit walang label ang relationship natin. I enjoyed doing things with you. You know that?"

"..hmm"

"And I trust you, Jihoon"

Humiwalay kami sa yakap at hinayaang mamayani ang katahimikan.

"Do you trust me?"

"..of course. I trust you too"

"Good then. We trust and love each other"

Tumango naman ako sakanya. "But what if, nalaman mo na, pinaglalaruan lang kita? Right from the start? Trip lang kita. Planado ang lahat ng 'to. How do you feel?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Pinanatili kong kalmado ang mukha ko kahit na sa loob-loob ko, nagwawala na 'ko.

Parang itinanong mo sakin kung anong mararamdaman ko kapag ginawa mo sakin ang ginawa ko sayo. Soonyoung, anong alam mo?

Umiling ako sakanya. "H-hindi ko alam.. like what you said, we trust and love each other. So.. you know. H-hindi mo makakayang gawin yun, right?"

"Exactly. Kung may tiwala ka at mahal mo ang isang tao, sasabihin mo sakanya ang lahat at hindi mo sya lolokohin. Right from the start"

Napalunok ako at teka, humina ba ang aircon? Bakit parang pinagpapawisan ako?

"P-pero Soon, people change. May ilang tao na hindi nila mahal at pinagkakatiwalaan ang isang tao sa una, pero in the long run, nagbabago ang tingin nila sa taong yun. I mean, matututunan nilang mahalin at pagkatiwalaan yung taong hindi nila naisip na makakasama pala nila, diba?"

"May point ka.. but the thing is, kung may tiwala na talaga sila sa taong 'yon, at mahal na rin nila, don't you think na dapat umamin na sila? I mean, kung may kalokohan man silang ginawa from past. Kasi diba, mas masakit kung malalaman ng taong yun ang pagkakamali nila mula sa ibang tao?"

Lunok.

"M-may mga bagay kasi Soonyoung na hindi ganon kadaling sabihin. That's why. I guess?"

"Tingin mo bakit?"

"Dahil natatakot silang magbago ang tingin sakanila ng taong mahal nila"

"Kung ayon ang magiging dahilan nya, it means, wala syang tiwala sa taong mahal nya. At kung hindi natanggap ng taong 'yon ang pagkakamali nya, it means hindi nya mahal yung isa. Kasi diba, kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo kung ano at sino sya? Noon at ngayon"

"Soonyoung. Sino bang tinutukoy—"

"Anyway, kelan nga ba 'ko makakalabas?"

"Hindi ko rin alam eh.."

"Ah.. miss ko na talaga si Eomma.. alam nya ba yung nangyari sakin?"

"Uhm.. a-ano.. Soonyoung.. mukhang ang bigat ng kamay mo.."

"Huh?"

"Gusto mong hawakan ko para sayo?"

"Pfffttt—"

Hindi mawala ang kaba ko dahil sa mga tanong nya. Hindi ko kayang sabihin sakanya ang nangyari sa Eomma nya. Hindi ako ang dapat na magsabi non. At hindi pa pwede sa ngayon. Pero hindi lang 'yon ang bumabagabag sakin. Ano na nga bang alam nya? May alam na nga ba sya?

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon