108 - scoups

1K 46 61
                                    

"Jeonghan naman.. akala ko ba okay na? Akala ko ba tapos na tayo dito?"

"Tingin mo ganun lang kadali yon Cheol?"

"Nag-usap na tayo tungkol don diba? Pumayag ka na eh! Okay na diba?"

Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng sasakyan ni Han na nakapark sa tapat ng campus.

Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Jisoo na bantayan ko daw si Jeonghan dahil may kakaiba nanaman sa ikinikilos nya lately. Nagkataon naman na nakita ko ang kotse nya na naka-park sa tapat ng campus. Knowing na wala syang class ngayon, walang dahilan para pumunta sya dito.

"Hindi parin okay sakin.."

"Tigilan mo na nga yan! Kahibangan na yan Jeonghan! Ano ba para sayo si Soonyoung?! Kapatid na yung turing mo sa tao diba?! Wala ka nang dapat ipag-alala na magkakabalikan pa kami ni Jihoon. Sila na ni Soonyoung. Masaya na sila. Hindi mo ba yun-"

"Hindi sya mahal ni Jihoon! Alam ko ang lahat Seungcheol. Alam na alam. At alam kong may alam ka rin sa bagay na yun"

"Pero Han, hindi mo ba nakikita? Mahal na sya ni Ji-"

"Hindi sya mahal ni Jihoon. At hindi sya kayang mahalin ni Jihoon"

Sa totoo lang gusto ko nang sapukin si Jeonghan dahil sa mga pinagsasasabi nya. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sakanya. Ibang iba na sya.

/Syempre nasaktan eh. Ano tingin mo mananatili parin yan sa kung sino sya noon matapos mong saktan? Well, ganon kasi yon para sakin. The pain of love is what truly change us. kbye/

"Nagkakamali ka Han. Alam kong mahal na nila ang isa't-isa. Kilala ko si Jihoon. Nakasama ko sya-"

"Ano? Jihoon nanaman? Hindi ko kayang manahimik nalang Seungcheol. Habang ako nagdurusa, tapos sya magpapakasaya"

"Anong nagdurusa? Okay naman na tayo diba? Sabi mo okay ka na eh. Pwede na tayong maging magkaibigan diba?"

"Manahimik ka nalang"

"Oh san ka pupunta?" Tanong ko nang bigla nyang paandarin yung kotse.

"Han.."

"Cheol pwede bang manahimik ka nalang muna?"

"Makinig ka sakin. Kung ano man yang pinaplano mo, itigil mo na. Okay na yung dalawa. Tsaka wala na kaming pag-asang magkabalikan ni Jihoon kaya hindi ka na dapat mag-alala pa. Isa pa, hindi ko na rin sya mahal. I'm sure of it. Okay na 'ko. Mas pinili kong maging masaya nalang para sakanya"

"Wala akong pakealam. Kailangan kong makausap si Soonyoung"

"Anong sasabihin mo?"

"Wala ka na dun" Malamig na sagot nya.

Nanatili akong tahimik ng ilang minuto bago ako nagsalita.

"Wag na wag mong sisiraan si Jihoon- ... han? A-ano yang nasa pulso mo?" Takang tanong ko.

Nahagip kasi ng paningin ko ang namamaga nyang pulsohan nang titigan ko ang kabuusn nya. Mamula-mula ito.. at parang may hiwa.

Fuck

"NAGLALASLAS KA?!"

"What?! No!"

"PATINGIN!" Sabi ko at pilit na inaabot ang kaliwang kamay nya.

"WALA 'TO!"

"JEONGHAN!"

Kahit papaano ay nag-aalala parin ako kay Jeonghan. May pinagsamahan kami. Naging masaya rin ako sakanya kaya naman may pakealam parin ako sa taong 'to.

"HAN!"

"Seungcheol wag kang magulo!"

"Ipakita mo sakin yan!"

"CHEOL!"

"Jeonghan!"

"NAGDDRIVE AKO CHEOL! BAKA MAAKSIDEN- AHH!"

"HAAAAANNN!!!!"

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Where stories live. Discover now