117 - hoshi's

1K 50 58
                                    

"San nyo kami dadalhin!!?!?!?"

"Bitawan nyo 'ko!!"

"Ang selfish mo! Bitawan mo kami! Ganon dapat!"

"Sino kayo?! Anong kailangan nyo samin?!"

Sigaw nila Seungkwan at Minghao. Kinidnap namin silang dalawa at dinala sa bahay nila Seokmin. Nagpaalam ako kay Jihoon na aalis, nga pala, isang linggo na rin simula nung nakalabas ako sa ospital. Hindi ko pa masasabing okay na 'ko pero kaya ko naman na. Wala na ring masakit sa katawan ko pero kailangan ko parin ng pahinga.

"ALAM KONG YUMMY AKO PERO PLEASE LANG!! PAGMAMAY-ARI NA 'KO NI HANSOL MY LOVES SO SWEET!!"

Sa loob ng pitong araw, hindi ko parin na-ccontact ang Eomma ko. Kapag tinatanong ko si Jihoon tungkol sakanya, lagi nalang nyang iniiba ang usapan. Sinubukan ko nang kausapin si Jeonghan hyung pero wala rin syang masabi sakin. Si Cheol hyung naman ay naka-confine parin dahil sa mga bali nya sa katawan. Lagi namin syang binibisita ni Jihoon sa ospital para tignan kung kamusta na sya.

"WAAA!!! MASARAP TALAGA AKO AT HINDI YON MAIKAKAILA PERO HUEHUE MAY PANGARAP PA 'KO SA BUHAY!! MAMAHALIN KO PA JUNJUN KO!!"

So balik tayo, nandito kaming lima nina Mingyu, Seungkwan at Minghao sa bahay nila Seokmin. Iniiwasan ako ni Minghao at Seungkwan dahil maging sakanila ay naitatanong ko minsan ang tungkol sa Eomma ko. Nakakapagtaka lang. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na may kakaiba, at alam kong may alam sila. Kagaya ni Jihoon at Jeonghan hyung.

"Pag di kayo tumahimik, makakatikim talaga kayo samin!"

"OMG MAKAKATIKIM NG ANO??"

Iniupo namin sila sa dalawang upuan habang nakapiring parin at nakatali ang mga kamay.

"Tangina! Kapag nalaman kong isa sainyo si Mingyu at Seokmin, wwrestlingin ko kayo!!" Sigaw ni Seungkwan.

Natawa naman kami ng bahagya at tinanggal namin ang piring sa mga mata nila.

"TAENA?! ANONG KALOKOHAN 'TO HYUNG?!" Sigaw ni Minghao.

"OMG!!! PA'NO NA SI WONWOO, JISOO AT JIHOON HYUNG KUNG MAY HD PALA KAYO SAMIN?!?!?! WAG PO HUHUHUUUU"

"PAKYU"

"ISUSUMBONG KO KAYO KAY JIHOON-"

"Alam kong may alam kayo tungkol sa Eomma ko.." Panimula ko.

"..sabihin nyo sakin kung ano yun"

"WALA KAMING ALAM!!"

"Ayaw nyong magsalita??" Hamon ni Seokmin. "Putangina naman. Wala nga kaming alam!"

"Plan B"

Tumango si Gyu at Seok.

"Seungkwan.. alam mo bang alam namin na ikaw yung nagnakaw ng baon ni Jihoon hyung last year?"

"Putangina last year pa yan, naitae ko na yan! At wala akong pake! Pakawalan nyo 'ko!!"

"Hindi pa 'ko tapos Kwan. Ikaw rin yung naglagay ng bubble gum sa buhok ni Jeonghan hyung, 3 months ago, kaya nagpagupit sya.. diba?"

"Wag nyong mabanggit banggit yang baklitang yan!! Nako Grrr!!!"

"Ayan na ba yung pang blackmail nyo??" Inis kong bulong kay Seokmin.

"Teka hyung, si Mingyu, maraming alam kay Hao"

"Minghao.. Minghao.. Minghao.. nung nakaraang taon, nawala yung tatlong brief ni Junhui. Ikaw yung kumuha non diba? Nakita ko sa ilalim ng unan mo yung mga brief na 'yon nung isang araw lang.. at butas na"

Namula naman si Minghao. "Hindi yan totoo!!"

"Ginawa mo yun Hao?! Kadiri ka!!" Sabi ni Seungkwan.

"Wala kayong mapapala samin dahil wala kaming alam!! Kahit anong pang blackmail pa yan!!"

"Guys tama na! Plan C!"

Lumabas saglit ng kwarto sila Mingyu at Seokmin para kuhain ang mga kagamitan na kakailanganin namin para sa Plan C.

Tinanggal ko ang kurtina na nakatakip sa ibabaw ng lamesa.

"Seungkwan.. nakikita mo 'to?" Turo ko sa mga pagkain sa mesa. Halos lumuwa naman ang mga mata nya habang napapalip bite pa. Dahil dito, nagtawanan kaming tatlo.

"Kung magsasalita ka, ibibigay ko lahat ng 'to sayo.."

"WAG SEUNGKWAN!! WAG KANG BIBIGAY!!" Sigaw ni Hao.

"Ano Kwan? Magsasabi ka lang naman ng totoo eh. Unless, kung gusto mong kainin 'to ni Gyu at Seok sa harap mo?"

"SEUNGKWAN!! WAG!! IBIBILI KITA NG MAS MASASARAP AT MAS MAHAL PA DYAN!! NAKO!! MAKAKATIKIM KA TALAGA KAY JIHOON HYUNG!!"

"So may alam nga kayo nila Jihoon? Bakit ayaw nyong sabihin sakin? May karapatan naman ako dahil Eomma ko sya ah?" Sa totoo lang, kanina pa 'ko kinakabahan.

"Wala kayong mapapala sakin" Sabi ni Kwan sabay napairap.

"Lantakan nyo na" Utos ko sa dalawa.

Halos manlumo naman si Seungkwan dahil sa panghihinayang. "Tangina mo Hao, yung promise mo ah"

"So Minghao.." Kinuha ko ang mga naipon namin na litrato ni Junhui, mga walang shirt. Boxers lang ang suot. At itinaas ko ito para makita ni Minghao.

"Omygad"

Nanlaki at napanganga si Hao nang makita ang mga litatrong ito. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi sa reaksyon nya.

"So.. mamili ka, magsasabi ka ng totoo.. o pupunitin ko-"

"DON'T YOU DARE!!" Sigaw ni Hao.

"HAO?!?!?!" Sigaw naman ni Kwan.

"Hmm.. eto yung pinakatatagong pic ni Jun. Wala nito sa IG, Twt or Fb.. So yeah, pupunitin ko 'to-"

"NOOOOO!!!"

"MINGHAO?!?!?!?! WAG!!! MAS MATAKOT KA SA GAGAWIN SAYO NI JIHOON HYUNG!!!"

Tumingin naman si Hao kay Seungkwan, "Kwan.."

"PUTANGINA MO KA ANLANDI LANDI MO!! SIGE. IPAPAKIDNAP KO SI JUNHUI TAPOS PIPICTURAN KO SYA NG NAKA HUBAD. KINGINA MO WAG KA LANG MAGSALITA!!"

"Hao.. ano?"

"Sorry Kwan!!"

"Magsasalita na 'ko!" Dagdag ni Minghao.

"Y-yung Eomma mo, p-patay na sya"

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Where stories live. Discover now