100 - woozi's

1.2K 59 147
                                    

Are you a cowboy? Because I can see you riding me

There's a sale in my bedroom right now. Clothes are 100% off

I will treat you like my homework. I will slam you on a table and do you all night long—

Ugh. Disguting!

"Hao?! Ano 'tong pinagsesend sayo ni Junhui?!" Tanong ko sakanya habang hawak hawak ang phone nya. Makikitext sana ako sakanya pero naagaw talaga ng atensyon ko yung conversation nila ni 'Junjun💕' nya.

"Akala ko ba hyung makikitext ka lang? Bakit may pabasa ng convo? Hays. Pero tangina, hyung, ewan ko sakanya.." Sagot nya habang nakasimangot pa. "Turn off na nga ako eh"

"Turn off? You mean..?"

"Oo hyung.."

Huminga muna ako ng malalim.

May gusto sya kay Junhui

"Kelan pa? Bakit hindi ko alam?!" Inis na tanong ko sakanya. Nangako kasi kami na walang magtatago ng sikreto. Lalong lalo na yung part na kung saan may nagugustuhan ka na.

Pinitik ko ang noo nya at ngumuso naman sya. "Hindi ka naman na masyadong lumalabas hyung eh. Tsaka anlayo ng bahay nila Soonyoung hyung sa bahay namin nila Kwan. Hindi na rin tayo masyadong nakakapagkwentuhan dahil sa projects"

"Reason. Halatang nagsisinungaling—"

"Kasi hyung diba, lagi mong kasama si Soonyoung hyung? Kapag break, may sarili kayong mundo. Minsan nga kayo na pinag-uusapan namin tapos parang wala kayong naririnig! Kapag uwian, nag-uusap lang kayo tungkol sa kung anong kakainin nyo pag-uwi. Kung sinong magluluto at maghuhugas ng plato. Tapos minsan, naririnig namin kayo na nagsset ng schedule kung kelan kayo magggrocery at kelan maglilinis ng bahay. Parang mag-asawa na nga kayo eh. Hindi rin naman kita ma-contact kasi nakapatay lagi ang phone mo. Hindi rin kita ma-chat kasi hindi 'to epistolary"

Natulala naman ako habang pinapakinggan sya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa pag-init ng mukha ko.

"So hyung.. pa'no kita iistorbohin kung nakikita kong sobrang saya mo kapag kasama mo si—"

"Hulaan mo kung sino 'to"

Biglang may nagtakip sa dalawang mga mata ko at bumulong sa mga tenga ko.

Hindi ka naman bastos nyan?

"Tsk. Isa"

"Hulaan—"

"Hulaan mo kung anong gagawin ko sayo kapag hindi mo inalis yang mga kamay mo sa mata ko, Seungcheol"

"Tsk! Kj ka talaga kahit kelan!" Sabi nya. Base sa peripheral vision ko, nakanguso sya.

Nandito kaming lahat sa Rooftop ngayon nila Soonyoung. Kami nila Seungcheol, Hao, Vernon, at Chan. Sina Seungkwan, Soonyoung, Seokmin at Mingyu naman ay umalis para maggrocery. Sa totoo lang, nag-aalala 'ko para sakanila. Pero parang mas tragic ang mangyayari kung sila ang maiiwan dito para mag-ayos. Nagplano kasi sila ng isang maliit na handaan para kay Junhui. Kaming lima na naiwan dito ang nag-ayos ng 'venue' para magmukhang presentable kahit papaano.

"Okay na lahat?"

"Okay na"

"Sila Chan?"

"Pinagtapon ko ng basura"

"Oh e ba't nandito ka pa?"

"Aba—"

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang