91 - hoshi's

1.2K 71 93
                                    

"Jihoon? Antagal mo naman!"

"Wait lang kasi! Eto na lalabas na oh!"

"Bilisan mo!!"

Kanina pa 'ko naiinis sa pandak na 'to. Pa'no kasi, ang tagal tagal nyang lumabas ng bahay. Lalabas kasi kami ngayon. Hindi 'to date. Kahit naman ako lang mag-isa, lumalabas talaga ako minsan eh.

"Tsk. San ba tayo pupunta?" Nakasimangot na tanong nya. "Basta"

Sumakay ako ng kotse at nung sasakay na sya, pinigilan ko sya. "Tignan mo sa likod kung babangga" Sabi ko. Hindi ko kasi na park ng maayos 'to kaya patalikod yung pwesto.

"Okay"

Pinaandar ko ang kotse habang nakatingin ako sakanya sa salamin. "Atras pa!"

"Atras pa!"

"Atras pa!"

*BLAAAAGG!*

Napalabas ako ng sasakyan dahil sa narinig ko.

"Oh ayan bumangga na"

"Gago ka ba?!" Napatakbo ako sa harap nya at sinamaan sya ng tingin. Chineck ko ang likod ng kotse kun may gasgas. "Jihoon sasamain ka sakin kapag may— what the.." Bumuntong hininga muna ako bago ako magsalita, para mapigilan ang inis ko.

"Jihoon.. alam kong bobo ka—"

"Aalis ba tayo o magdadaldal ka?!"

'Aba?!? Siya pa 'tong galit?!'

"Hoy! Tignan mo 'to! Ikaw pa galit ah?! Nagasgasan kaya 'tong baby ko!" Inis na sigaw ko sakanya. "Konti lang naman yan eh!"

"Kahit na!!"

Nakasimangot lang sya sakin. Para syang babae. Kapag nakagawa ng kasalanan, sila pa yung galit. Sila pa yung dapat suyuin at ikaw pa ang dapat magsorry. Di gaya ng mga boys. Kapag nakagawa ng kasalanan, magsosorry tapos hindi na uulitin. Hays.

Tinarayan ko naman sya. "Hindi ka manlang ba magsosorry?"

"Bakit ako magsosorry?"

"Kasi—"

"Hindi ako nagsosorry para sa mga bagay na hindi ko kasalanan"

"So kasalanan ko?!"

"Oo!"

o___o

"Aba Jih—"

"Tara na kasi!" Sabi nya sabay pasok sa loob. Hindi ko alam kung nagpapacute sya o ganun talaga boses nya kapag nag-iinarte. Nag-boses bata kasi sya. Sinundan ko nalang sya sa loob atsaka pinaandar yung kotse.

"Soon, kamusta si Tita?" Biglang tanong nya. "Naka-confine sya. I assume na okay lang sya" Sabi ko.

"Nga pala, san tayo pupunta?"

"Kakain"

"Luh? Pwede naman sa bahay nalang ah?"

"Jihoon sawang sawa na 'ko sa hotdog mo" Sagot ko. Puro nalang kasi hotdog ulam namin. Umaga, tanghali, gabi ._. Ano na. Tumingin ako sa salamin at napangisi dahil nakita kong sobrang pula nya. Sinadya ko talagang patununging bastos yun para manahimik sya.

"O-okay.."

Kagaya ng inexpect ko, hindi na sya nagsalita after nun. Pero sandaling katahimikan lang. "Wait!"

"Bakit?"

"Mamalengke tayo!"

Inihinto ko ang sasakyan at tumingin sa tinuturo nya. "Luh? Meron nyan sa mall. Dun nalang tayo. Mas safe yung mga nandun"

"Magastos ka talaga e no"

"Tsk. Teka, bakit mamamalengke? Marunong ka bang magluto?"

"Susubukan ko" Sabi nya. Tumango naman ako. "Daan muna tayo sa mall bago kumain kung may bibilhin ka. Ibang way na kasi dadaanan natin kapag pauwi na" Sabi ko.

-

"Ano pong hanap nyo?" Malanding sabi nung babae sakin habang nagtitingin kami ni Jihoon ng mga gulay.

"Kuyang pogi, fresh na fresh po yang mga gulay namin" Dagdag pa nya. Let me clear it to you guys, ako yung kinakausap nya 😎 Busy kasi si Jihoon sa pagpili at ako pa talaga ang ginawa nyang taga tulak ng cart.

"Pa'no mo nasabi?"

"Na-fresh po yung mga gulay?"

"Na pogi ako?"

Napansin ko naman na napahinto si Jihoon sa ginagawa nya nang marinig nya yung sinabi ko at napailing sya. Natahimik naman yung babae.

'Hays. Nakakaspeechless talaga ang kagwapuhan ko'

"Dun naman tayo sa kabila" Sabi ni Jihoon.

Hindi pa kami nakakalayo sa pwesto, napahinto na kami nang makita namin sina Hansol at Seungkwan.

"Jihoonie hyung~!"

"Isa pang tawag mo sakin nyan.. nakikita mo 'yon?" Turo nya sa meat section. "Magiging isa ka sakanila" Pagbabanta ni Jihoon. Natawa naman kami ng bahagya.

"Anong ginagawa nyo dito hyung?"

"Obvious ba?"

"Tsk! Highblood?"

"Buti pa yung blood, high. Ee yung height nya?" Mahinang sabi ni Hansol. Pero sigurado akong narinig yon ni Jihoon kasi sumimangot sya lalo.

"Ikaw Hansol, hindi ka high pero you're so fly kasi dinadapuan ka ng langaw. Hala. Tignan mo yung langaw sa noo mo oh! Feeling airplane!" Sabi ko. Kahit konting rebuttal lang para kay Jihoon. Haha. Napangiti naman ako nung narinig kong natawa si Jihoon.

"Joke lang" Dagdag ko. "Sige na alis na kami" Paalam namin.

"Para silang mag-asawa e no? Kelan mo ba 'ko illive-in Hansol?" Rinig kong sabi ni Seungkwan. Natawa naman ako. Pero naputol yon nang biglang magsalita si Jihoon.

"Sa susunod na ganunin mo si Vernon, tatanggalan kita ng mata. Ako lang pwedeng manlait sa mga yun" Mahinang sabi ni Jihoon.

o___o

"Ikaw na nga pinagtanggol!"

-

"Hala gabi na pala.." Sabi nya paglabas na paglabas namin ng mall. Napatingin ako sa oras at alas syete na. Maging ako ay hindi napansin ang oras.

"Tara bilisan na natin. Bukas pa naman yu—"

"Di na. Uwi na tayo. Tulungan mo nalang akong magluto mamaya"

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ