80 - hoshi's

1.2K 66 334
                                    

"..Yes, I'm setting you free" Sabi ni Jeonghan hyung. Lahat kami ay nag-angat ng tingin sakanya.

'Pero okay na rin yun sa tingin ko. Because sometimes holding on does more damage than letting go. Tao rin naman si hyung, napapagod'

"Jeon, Okay na ba? Masaya ka na? Yan na oh. Nakaganti na kayo. Binitawan ko na."

"I never gave you that incentive. Anong kasalanan ko?"

"Tsk. Oh c'mon. Eto naman talaga gusto mong mangyari diba? Ang magantihan ako dahil sa pinaggagagawa ko? Hindi lang yung alam mo ang lumabas, pati na rin ang totoo tungkol saamin nila Seungcheol. Yan na. Pinamukha nya na na si Jihoon ang mahal nya. Okay na ba?"

"Ginusto ko ba? Alam ko ba na aabot sa ganito ang lahat?"

"Kung hindi mo sana ginawa—"

"Edi sana ano? Nagpapakatanga ka parin sakanya?"

"Han, tara na" Mahinang sabi ni Jisoo hyung habang nakaalalay kay Jeonghan.

"Bakit ka ba kasi nandito?! Akala ko ba nakaalis ka na?!"

"Di na yun mahalaga"

"Bitawan mo nga 'ko!"

"Han. I'm really sorry" Sabi ni Seungcheol hyung. Kanina pa sya tahimik simula nung nagsalita na si Jeonghan hyung tungkol sakanila.

"I'm sorry for being selfish. I'm sorry for bringing the worst in you. I'm sorry I let you saw the worst in me. I'm sorry if I made you like this. I'm sorry for making you feel sad. I'm sorry I made you feel unloved. Sorry because I'm still stucked in the past. Jeonghan, hindi laro ang lahat para saakin. I appreciated your efforts, I appreciated everything about you. Minahal rin naman kita. Minahal kita sa paraang alam ko. And I'm thankful dahil hindi mo 'ko agad sinukuan. Pero hindi kita pipigilan. Para sa ikabubuti mo 'to eh. Sige. I'm letting you go. I'm sorry"

'And Jeongcheol ends here'

Nananatiling nakayuko silang tatlo. Si Chan, Wonwoo at Jisoo ay tahimik lang rin. May pag-aalala sakanilang mga mata.

"Cheol you're always special to me and I always love you. Your happiness is really important to me, even if it means has to be with someone else, I'm all for it. I guess I really have to accept the fact that I need to let you go in order to make you completely happy. Ang hirap rin kasing ipaglaban yung taong pinagtatabuyan ka na. Yung taong pinapamukha sayo na may mahal syang iba. But well, I will never close my mind to the idea of us finding each other again. Balikan mo lang ako kapag narealize mo na mahal mo na 'ko. Kapag nakita mo na ang halaga ko" Malungkot na sabi nya kay Seungcheol hyung. Alam kong mahal na mahal nya talaga si hyung eh.

Humarap naman sya kay Jihoon bago muling magsalita. "Jihoon, sorry ah. Sorry talaga. Yung mga nasabi ko kanina, patawarin mo 'ko. Nadala ako sa galit ko. Yung mga nagawa ko sayo, patawarin mo 'ko. Sobrang natakot lang ako na mawala sakin si Seungcheol. Sobrang mahal ko sya. Alam mo yan. Sorry kung ginulo ko kayo. Kung sinira ko yung relasyon na meron kayo. Desperado ako eh. Jih—"

"Jeonghan. I want to ask you something. You already accept the defeat so I want to claim my prize. Matagal ko na 'tong gustong itanong sayo or maybe sabihin sayo. I guess, eto nalang rin ang pagkakataon ko. So it's now or never" Pagpuputol ni Jihoon sakanya. Halata ang panginginig ng mga labi nya, parang ano mang oras ay iiyak nanaman sya.

"Why ask for a man's love when you know that his love is already reserved for someone else? Bakit mo pinagsiksikan ang sarili mo kahit alam mong wala kang lugar sa taong yon? Dahil kung meron, umpisa palang iniwan nya na 'ko eh. Ganon ba kababa ang tingin mo sa sarili mo na feeling mo e wala nang magkakagustong iba sayo kaya kahit alam mong may karelasyon na, nilandi mo? O sadyang mataas lang talaga ang tingin mo sa sarili mo kasi feeling mo lahat ng gustuhin mo ay makukuha mo? Are you really that insecure with yourself na wala ka nang mahahanap pa para kumabit ka sa taong may nagmamay-ari na? Do you even know the meaning of respect? Tell me. I don't understand. All these time, I tried to understand your reason kung bakit mo nagawa yun but I really can't. And I'm not sorry. Pa'no naging sapat yung rason mo para ilayo ang isang tao sa isang tao na nagmamahal sakanya? Pa'no naging sapat yung rason mo para putulin ang kaligayahan naming dalawa?"

"Jihoon tama na.."

"Wag mong mamasamain ang mga sinasabi ko kanina pa. Gusto ko lang ipaalam sayo na simula pa nung una, ikaw na ang naglagay sa sitwasyon mo kung saan naging kaawa awa ka. Sana hindi na maulit 'to. Sana wala ka nang siraing relasyon para lang sa kaligayahan mo. Wag kang selfish. Wag kang self-centered. Magbigay ka naman sana ng respeto lalo na sa mga humahanga sayo. Kung hindi mo man kayang gawin yon, please. Kahit katiting lang na respeto para sa sarili mo, wag mong ipagdamot. Ibigay mo. Kaya wag ka nang magtaka kung bakit hindi makita ni Seungcheol ang halaga mo, dahil ikaw mismo sa sarili mo hindi alam pahalagahan ang halaga na sinasabi mo" Sabi nya. Diretsong nakatingin kay Jeonghan hyung.

"Please don't get me wrong. I'm not mad. I will never. But I'm really hurt, still. At wala akong ibang masisi kundi ikaw. Alam kong marupok yan si Cheol, but still, why him? Marami dyang iba na naghahabol sayo noon diba? Bakit si Cheol? Bakit yung mahal ko pa? You're almost perfect and I can't even imagine myself compare to you."

'Why are you acting like you still care? You're acting like you're still hurt. Are you still inlove with him?'

"Sorry. I'm really sorry. I don't even know myself. Pero Ji, mahal ko talaga sya. And please, give him a chance. Mahal na mahal ka nyan. Mahalin mo rin ulit sya. Mahalin mo sya ng higit sa pagmamahal na kaya kong ibigay sakanya. Mahalin mo ulit sya kagaya ng pagmamahal mo sakanya dati" Sabi ni Jeonghan hyung sabay tatakbo papalayo.

'Hyung hindi pwede'

Parang nasimento naman ang mga paa namin dahil walang naglalakas loob na sumunod sakanya. Muli kaming nabalot ng katahimikan bago nagsalita si Jisoo hyung.

"Jihoon, hindi ko hihingiin ang kapatawaran mo. Pero sana wag mong huhusgahan si Jeonghan nang dahil sa nagawa nya sayo. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan nya habang sila ni Seungcheo—"

"Alam mo rin ba yung naramdaman ko habang ginagawa nyo yun sakin?"

"Nagawa nya lang naman yun—"

"Dahil malandi sya. Dahil desperado sya. Dahil binulag sya ng pag-ibig nya"

"Hindi mo ba sya kayang patawarin ha?"

"Matagal ko na syang pinatawad. Dun palang sa pagpapanggap ko na hindi ko sila kilala pasalamat na dapat sya. Kayang-kaya kong ilabas lahat ng sikreto nya. Pero mas pinili kong manahimik para malayo na sakanila. Kaso hinding-hindi ko makakalimutan yung mga ginawa nya, yung mga ginawa nyo. Jisoo hyung. Itinuring kitang kaibigan. Pa'no mo nagawa sakin yun?"

"Oo, alam ko. Maling-mali yung ginawa namin pero wag kang magmalinis Jihoon. Dahil alam mo mismo sa sarili mo na marumi ka. Hindi lang kami ang may ginagawang kagaguhan kaya wag kang magpakakampante. Tandaan mong hindi lang rin kayo ang may nalalaman." Sabi nya habang direktang nakatingin kay Jihoon bago maglihis ng tingin sakin.

'Anong gusto mong palabasin?'

"Tandaan mong lalabas ang lahat sa panahong hindi mo inaasahan"

...





/Gottablast na muna para makapag-drafts:)/

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora