82 - woozi's

1.3K 75 264
                                    

"Soonyoung alam mo ba talaga pauwi?! Uuwi na rin tayo bukas bakit di pa natin hinintay?" Reklamo ko sakanya. Medyo malayo na kami sa campsite kasi nakasakay na kami ng isang bus. Sabi nya alam nya daw pauwi eh.

"Tsk. Alam ko nga. Isang bus tapos jeep tapos bus ulit"

/Wag kang magrerebut na walang jeep sa korea dahil kahit unicorn pwedeng magkaroon dito .___./

"Alam mo ba kung ano yung mga sasakyan?!"

"Isa lang naman yung pupuntahan nun diba?" Sabi nya. Napapoker face nalang ako sakanya.

"Tanga ka ba?! Iba-iba ang ruta ng mga sasakyan! Pa'no pag naligaw tayo?!" Inis na sabi ko sakanya. Nanghihila tapos di pala alam yung mga sasakyan.

"F-first time ko kasi .. sorry. Lagi kasi akong nakakotse kapag umaalis ako eh"

Matapos nyang sabihin yun. Nagtanong-tanong kami sa mga taong nakikita namin kung saan may terminal ng jeep kasi sabi nya sigurado daw sya na ayun yung mga sasakyan.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakita na namin yung hinahanap namin. "Kuya may nadadaanan ba 'tong terminal ng bus pauwing Seoul?"

"Meron."

"Pwede pong pakisabi nalang samin pag nandun na? Hindi po kasi kami pamilyar dito sa lugar." Tumango naman sya atsaka kami sumakay sa loob. Wala pang masyadong tao kaya dun kami pwumesto sa bandang pasukan ng jeep. Sa pinaka una. Dun sya sa dulo ako naman ay nasa tabi nya. Hindi rin nagtagal at napuno na yung jeep. Ilan nalang rin ang pasaherong hinihintay.

"Ang init"

"Magtiis ka"

"Hanap kaya tayo ng naka-aircon?"

"Walang aircon na jeep"

"Nu bayan"

Nilingon ko sya at nakitang pawis na pawis na sya habang nakanguso pa. Nagpapaypay lang rin sya gamit ang kamay nya. "Jihoon ang init talaga"

"Paalis naman na. Wait ka lang. Malapit lang naman ata dito yung terminal"

"Edi sana nilakad nalang natin diba?" Sagot nya. "Wag ka nang maingay paalis na"

Napuno na ang jeep na sinasakyan namin. Medyo sardinas kami dito sa loob at talaga namang mainit.

Tahimik lang kami sa loob, nag-umpisa nang magpaabot ng bayad yung mga pasahero, nasa may pintuan naman kami kaya hindi namin kailangang ipasa pa yung mga yun. Ayoko kasing umuupo sa likod ng driver dahil magkakaroon ako ng sideline job.

"Ibayad mo Ji" Biglang abot ni Soonyoung sakin ng isang libo. Napapoker face nanaman ako sakanya. "Wala ka bang fifty dyan o isang daan lang?"

Muli syang tumingin sa wallet nya at kumuha ng mas mababang halaga. "Bayad po" Pag-abot nya nung pera.

'Marunong naman pala'

"Saan yung isang daan?"

Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nung biglang napatingin si Soonyoung sa pwesto ng driver habang nakasimangot pa. "Kuya kaaabot ko lang po ah? Nawala agad?"

o___o

"Hoy ilabas nyo yung bayad namin!" Dagdag pa nya habang nakatingin sa mga tao.

>///<

'Lupa kainin mo 'ko'

Nagtinginan naman samin yung mga pasahero habang nagpipigil ng tawa. "Kuya sa terminal po" Sabi ko. Pinipilit na hindi pinapansin yung nangyari.

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon