97 - hoshi's

1.1K 60 132
                                    

"S-Soon.."

"Jihoon! Okay ka lang?!" Alala kong tanong sakanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at tinignan ang kabuuan nya. Inikot ko sya at hinawakan rin ang noo at leeg nya.

Wala naman syang sakit dahil hindi sya mainit. "Bakit nandito ka?!"

Hindi parin sya sumasagot at parang gulat na gulat sya na makita ako. "Ji?"

"K-kanina ka pa?"

"Kadarating ko lang. Bakit?"

"W-wala.. okay lang ako. Uhm.. uuwi na 'ko.."

Tumango ako sakanya. Nahagip naman ng paningin ko si Seungcheol hyung na nakaupo sa kama sa loob habang nakatingin samin.

So magkasama sila all this time?

Muli akong humarap kay Jihoon pero hindi parin nya ako tinitignan ng diretso.

"Ji?"

"B-bakit?"

"Anong nangyari? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Lumuhod ako sa harapan nya at inayos ko yung buhok nya. Don't get me wrong. Ginagawa ko lang 'to dahil kay Seungcheol hyung. Mainggit ka hehehehe.

"Okay na 'ko.."

"Good.." Sabi ko bago ko sya yakapin. Tumingin naman ako kay Hyung na nakatingin parin samin at nginitian ko sya.

"Tara na?"

"Ha?"

"Uwi na tayo"

"Pero may klase ka pa ah?"

"Nah.. okay lang. Ipapauwi ko nalang kay Junhui yung gamit ko" Sabi ko at hinila ko sya palabas ng clinic. Syempre nag-goodbye rin ako kay Cheol hyung.

"Soonyoung okay ka na ba?" Mahinang tanong nya. Rinig ko naman ito dahil kaming dalawa lang ang naglalakad sa hallway. "Okay lang ako"

"Hindi ka na ba galit sakin?"

Tinignan ko sya at nahuli ko syang nakatingin sakin. Naghilis sya bigla ng tingin. "Galit ba 'ko sayo?"

"Hindi ako galit sayo Jihoon"

Tumango naman sya. "Jihoon? Ano bang nangyari sayo? Bakit nasugod ka sa clinic?"

"Medyo sumakit yung dibdib ko.. wala akong inhaler na dala eh"

"Nga pala, uuwi na tayo?" Tanong nya. Tumango naman ako.

Muling kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa nakarating na kami sa parking lot ng campus. Sumakay naman agad sya sa kotse at sumunod na rin agad ako.

"Bakit nga pala kayo magkasama ni Cheol hyung?"

"Sya yung nagdala sakin sa clinic"

Tumango-tango ako sakanya. "Kumain ka na ba?"

"Oo. Katatapos lang"

"Hmm.. gusto ko sanang pumunta sa park ngayon.."

"Punta tayo?"

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Wala rin naman akong gagawin sa bahay" Sabi nya. Iniliko ko ang kotse papunta sa ibang direksyon.

Ilang sandali lang at naroon na kami. "Anong park 'to?" Tanong nya. "Hmm.. Potato Park" Natawa naman sya.

Naglakad-lakad kami sa loob ng park at pumunta sa kung saan-saang lugar na ituro nya. Sa ginagawa namin ngayon, para akong nagttour ng bata.

Habang naglalakad lakad kami, bigla syang natalisod. Natawa naman ako. Like seriously? Anong meron sa dinadaanan nya at bakit natalisod sya?

"Anong ginagawa mo? Hahaha"

"Inatake ko yung sahig"

"Hahahaha! Tara dun tayo!" Turo ko sa isang lugar hindi ko na sya hinintay na sumagot at hinila ko na agad sya. Hawak hawak ko ang kamay nya habang tumatakbo papunta sa isang malaking puno. Duon ako lagi umuupo kapag napapadpad ako sa lugar na 'to.

"Ang hilig mo sa mga malalaking puno no? Remember nung pumunta tayo sa Forest hill?"

"Ah hahaha. Wala lang. Nakakawala lang kasi ng sama ng loob" Sagot ko sabay nginitian sya. "M-masama loob mo.. ngayon?"

"Hmm.. not really"

Nang makarating kami sa puno, umupo ako sa ilalim nito. Si Jihoon naman, tinitignan yung katawan ng puno (hindi ko alam tawag dun). I guess tinitignan nya yung mga nakasulat don. Hindi parin kasi nawawala yung mga nakaukit sa puno, I mean, yung mga naka-carve don.

"Alam mo Soon, ilang beses na 'kong nakakita ng mga ganito sa puno.. pero na-ssurprise parin ako kada makakakita ako"

"Bakit naman? Astig nga eh"

"Haha. Indeed. May mga tao pala talagang nagdadala ng kutsilyo sa mga date nila" Sabi nya habang natatawa.

Oo nga no hahahaha

"Malay mo yung iba, hindi kutsilyo ang ginamit. Sadyang mga matutulis na bagay lang"

"Look, Hobi V .. gaya nito.." Turo ko sa isa sa mga nakaukit don.

/I ship Vhope 😎 Daz my first and main otp on bts/

"..maaaring yung deadly weapon ni Hoseok hyung yung ginamit nila dyan.." Sabi ko at natawa naman sya. "So pa'no 'tong Taoris ? Baba ni Kris hyung?" Tanong nya.

"Exactly"

"Ansama mo haha"

"Atleast hindi ako nanloloko ng tao.."











/Pansin ko lang, ang unfair ng treatment nyo ka Ji at Soon. Haha. Pag si Soon ang may kalokohan, halos isumpa nyo na. Pag si Ji, parang wala lang. Hala lagot ka. Parang ganyan lang .___. Hays/

I'M INTO YOU √ soonhoon [editing]Where stories live. Discover now