chapter six: prophecy & connections

585 16 0
                                    


What is the meaning of the prophecy

.
.

Third person POV

"Nararamdaman mo ang nararamdaman nya,

Nararamdaman nya ang nararamdaman mo

Nangyayari sayo ang nangyayari sa kanya

Nangyayari sa kanya ang nangyayari sayo

Konektado kayo sa isa't isa

Miski sa sugat na meron ka meron din sya

Humanda ka malapit mo na syang makilala

Malapit mo ng makilala ang itinakda

Malapit na kayong magsama"

Fire flame, ikaw ang makakasama ng itinakda

Ikaw ang nakatadhana para sa kanya

Fire POV

Nagising ako sa isang panaginip. Anong ang ibig sabihin non?  Isa iyong propesiya. Ibig sabihin bang niyon, nandito na sya? Ang queen of all?

Pero asan sya?  Sino sya?

" o kuya,  gising ka na pala. " sabi ni angel. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala sya.

" anong nangyari? " tanong ko. Natandaan ko lang ay nasa cafeteria ako.

" nawalan kayo ng malay ni Sappy" sagot nya. Agad naman akong napabangon.

" kamusta na si Scarlet? " tanong ko ulit.

" relax lang kuya, ayos lang sya. Actually kakagising lang din nya. Sabay nga din kayo eh" sabi nya.

Napaisip ako. Kame? Sabay? Coincidence lang kaya yun o may connection kameng dalawa? Pero  pano naman kame magkakaroon ng koneksyon eh hindi naman sya ang queen of all?

" baka nagkataon lang kuya" sabi ni angel. I forgot to block my mind. Mind reader nga pala sya.

" siguro nga" tanging nasagot ko na lang.

" ayos ka na ba kuya? " tanong nya saakin

Tumango lang ako.

" maari ka na daw lumabas kuya,  tara na puntahan natin si scarlet " aya nya sakin.

Lumabas na kame sa clinic at nag punta sa katabing room. Pagpasok pa lang namin sa pinto bumungad agad sa amin ang nakabusangot na mukha ni scarlet. Ano kayang nangyari rito?

Sappy POV

Kanina pa ko nakabusangot dito.  Pano ba naman kasi kaiingay ng mga kasama ko. Tss.

Bumukas ang pinto at iniluwa non sila angel at fire.

Dug dug dug dug

Eto nanaman ang puso ko. Bumibilis nanaman.

" kumusta ka na sappy? " tanong sa akin ni angel.

" ayos lang naman" walang gana kong sagot.

" guys pwede na raw silang lumabas. Tara na" aya nya.  Agad akong tumayo at naglakad pauna sa kanila.

" hanep ah,  sya ang galing sa clinic sya pa ang nauuna" pailing iling na sabi ni ren. Tss.  Problema nito?

" ano ba ang nangyari sa inyo at bigla kayong nahimatay? " tanong ni aeron.

Hindi ako umimik. Aba malay ko kung bakit ako hinimatay.

" si kuya kasi may sinat kanina,  kaya siguro sya hinimatay" sabi ni angel.

Now i know.

" eh ikaw sappy?  Anong dahilan mo? " tanong ni raina. Bagay sila.  Pareho silang matanong. Tss.

" nawala sa kontrol" simpleng sagot ko. Imposibleng mangyari yon. Hindi ako kailanman nawala sa kontrol ko.

" ibig bang sabihin, hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo? " tanong naman ni ren.

" parang ganon na nga" sagot ko.

" guys hindi pwedeng hindi nya kontrolado ang kapangyarihan nya. Delikado yun" nag aalalang sabi naman ni lizzy. Alam ko nanan yun no.  Tss.

" itetrain natin sya bukas na bukas rin. " sabi ni fire. Wow!  Nagsalita si sungit.

" at ang magtetrain sa kanya ay si kuya" sabat naman ni angel.

" oo nga fire ikaw ang magyrain sa kanya. Ikaw ang leader eh" sabat din ni ren.

" okay" sang ayon nya at nauna ng maglakad sa akin.

Lady's first dapat tss

" oy kuya lady's first daw" sigaw ni angel.

Nabigla ako. Anong sinasabi nya.  Omgee..  Nakalimutan kong iblock ang mind ko.

" what" iritang tanong nya.  Kahit kailan talaga.

" ang sungit talaga " bulong ni angel. Pero rinig ko naman.

" hayaan mo na.  Ganyan talaga ang kapatid mo.  Hindi ka pa ba nasanay?" sabi ni lizzy.

Nag pout lang si angel. Isip bata talaga. Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan.

Maya maya pay nakarating na kami sa bahay. Nakaramdam nanaman ako ng hilo. Tsk.  Itutulog ko na lamang ito.

Dumiretso na ko sa kwarto at humiga. At tsaka nag pahila sa antok.

" Fire kung hindi mo ko kayang mahalinako na mismo ang puputol sa koneksyon nating dalawa. "

Huling sambit ko sa aking isipan bago ako nakatulog.

ZZZZzzzzzzzzzz

**************¤¤**************

Si angel po iyan. Kapatid ni fire. Ang earth element user.

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now