chapter thirty two: sorry

489 11 0
                                    

She's crying in front of me, of us.

.
.

Lizzy POV

Bakit?! Bakit nya nagawa yun?! Bakit hinayaan nya lang patayin ng lalaking yun si raina?! Ganito ba sya kagalit sa amin? Na kahit mapahamak kami wala lang yon sa kanya. Tumulo ang luha ko. Alam kong kasalanan namin kung bakit sya nagkakaganyan pero hindi makatarungan ang ginawa nya.

" bakit sappy? " tanong ni aeron. Alam kong galit na galit sya. Pero pinipigilan nya lang. Nakakuyom ang palad nya at konti na lang alam kong mawawala na sya sa kontrol.

" kaano ano ko ba kayo? " malamig na tanong nya.

" lintik na tanong yan! " sigaw ni aeron. Nagulat kame. Kahit kelan hindi sya nagkakaganyan. Ngayon lang.

Nakatingin lang sya kay aeron ng walang makikitang expression sa mata nya.

" aeron calm down" pagpapakalma ni ren. Hahawakan nya sana si aeron pero mas pinili nya na wag na lang. Takot nya lang.

" calm down? Paano ako kakalma kung kitang kita ko kung paano pinatay ang mahal ko. Tapos ano?! Wala syang ginawa!! Hinayaan nya lang na mamatay ang mahal ko!! Tapos kalma?! Paano ko gagawin yun?!" galit na galit na sigaw nya. Kitang kita ko ang pagtulo ng luha nya.

" siguro nga tama sya. Wala ka nga sigurong puso. Bakit ikaw pa ang pinili ng mga goddess para maging queen of all? Ni wala ka ngang pakielam sa mga nasasakupan mo. Hindi ka karapat dapat sa posisyon mo. " tuloy pa rin sya sa pag iyak. Kita ko kung paano napakuyom ng palad si angelo at si fire. Samantalang si sappy, parang wala lang sa kanya. Blangko pa rin ang expression nya.

" sappy" tawag ko sa attention nya. Tumingin sya sa akin.

" bakit sappy? Bakit hinayaan mo lang syang mawala? " kalmado pero nagmamakaawa ang tono.

" kaibigan natin sya diba? Bakit hinayaan mo lang na mangyari yon sa kanya? " umiiyak ako. Kinokompronta ko sya. Gusto kong malaman ang sagot.

" kaibigan? Naisip nyo ba ang salitang yan bago nyo ko salitaan ng masama? " sabi nya.

" kaibigan? Naisip nyo ba na masakit para sakin na hindi nyo ko pinagkatiwalaan? Alam nyo ba talaga ang salitang yan? Naiparamdam nyo ba sakin yan?  Tinuring nyo ba talaga akong kaibigan? "

" unang una sa lahat aeron, may puso ako. May pakiramdam ako. Nasaktan ako nung ipagtabuyan nyo ko. Pangalawa, hinayaan nyo lang akong umalis ng hindi man lang sinasabi ang tunay na dahilan ng away namin ni serra. " kita ko ang paglambot ng expression nya. Tumulo ang luha nya ganun din si fire.

" tapos tinatanong nyo ako? *turo sa sarili* bakit nga ba ako nagkaganito? " tanong nya. Patuloy ang agos ng luha nya.

" bakit ko sya hinayaan na mamatay? Bakit ko pababayaan ang nasasakupan ko? Bakit ako ang napili ng mga goddess para sa position na to? Bakit nga ba ako? " tanong nya sa amin. Hindi kami nakasagot hinayaan lang namin syang magsalita. Wala kaming masabi miski si aeron natigilan nung magsalita sya. Ngayon kinakain kami ng konsensya namin.

" kasi may dahilan ako. Kasi may plano ako. At ang pagpili sakin ng goddesses? Sa tingin mo ba ginusto ko yon? Sa tingin nyo ba masayang pinagpaplanuhan kung paano ako papatayin? Sa tingin ng iba swerte ako. Nasa akin na ang lahat ng kapangyarihan. Maipagtatanggol ko ang sarili ko. OO MAIPAGTATANGGOL KO ANG SARILI KO!! PERO PANO ANG MAHAL KO? PAANO KAYO? SA TINGIN NYO BA GUSTO KONG MAPYAHAMAK KAYO NG DAHIL SAKIN? " sigaw nya. Ngayon talagang wala na kaming mukhang maiharap sa kanya. Nakayuko kaming lahat.

" naituring nyo ba talaga ako bilang kaibigan? Pinagkatiwalaan nyo ba ko kahit minsan? " tanong nya.

" s-sappy" kami. Humagulgol sya ng iyak. Niyakap lang sya ni fire. Humagulgo na rin kami ng iyak. Hindi pwede to. Kasalanan namin to.

" I-i-im s-so-sorry " tanging nasambit ko.

She's crying in front of me, of us.

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now