chapter eleven: fake princess

552 16 0
                                    

She's a fake princess

.
.

Sappy POV

" hi" bati ko sa katabi ko.

" what are you doing here" cold nyang tanong.

" wala naman. Nabwisit lang naman kasi ako kay prince angelo" sabi ko.

" bakit naman? Di ba FIANCE mo sya? " diniinan pa talaga nya ang salitang fiance. Ayoko sanang mag assume pero kasi feeling ko nagseselos sya. Nararamdaman ko kasi ang nararamdaman nya.

" nope. He's not my fiance. " tanggi ko. Napatingin sya sakin tila ba nagulat sa sinabi ko.

" akala ko ba--" pinutol ko ang sasabihin nya.

" akala mo lang yun. Pinagselos nya lang si angel. Kaya wag kang magtaka kung pagbalik natin sila na. " sabi ko. Nagtaka naman sya.

" pano mo naman nasabi yun?" tanong nya.

" instincts " tanging sagot.

Tumango lang sya. Hindi na sya nag salita kaya ako na lang ang nag umpisa ng topic.

" ayaw mo ba talaga sa kanya? " tanong ko. Tumingin sya sakin tsaka ulit tumingin sa unahan.

" bakit mo naitanong? " tanong nya.

" wala lang. Curious lang. " sagot ko.

" hindi naman sa ayaw kaya lang paano kung hindi ko naman sya kayang mahalin. Edi parang niloko ko na rin sya kapag nagkataon. Ayoko namang mangyari yon. " mahabang paliwanag nya. Wow nagsalita sya ng maraming words. Magpapaparty na ko huu.

" may paraan pa naman kung talagang hindi mo sya kayang mahalin eh. " sabi ko. Tumingin ulit sya sakin.

" anong paraan? " tanong nya. Kahit masakit sasabihin ko sa kanya. Para hindi na sya mahirapan pa.

" pag naghalikan kayo, lalabas ang infinity symbol sa inyong dalawa. Yun ang katunayan na kayo ay sealed na. Pagkatapos sabihin mo sa kanya na hindi mo sya mahal. Pagkatapos non. Unti unting masisira ang sealed symbol. Mawawala ang connection nyo at magiging malaya ka na. " walang emosyon na sabi ko. Pero Deep inside, masakit para sakin na mawawala na ang koneksyon namen.

" alam mo nararamdaman kong nasasaktan sya ngayon. " tumingin ako sa kanya. Nakatingin sya sakin. Seryoso ang mukha nya. Binaling ko na lamang ang tingin ko sa iba.

" patunay lang yan na may connection talaga kayo. " sabi ko na lang.

" pano mo nga pala nalaman yon?" tanong nya sakin.

" sinabi sakin ni angelo" simpleng sagot ko. Ang totoo, sinabi sa akin ni papa ang tungkol don.

" tara na, baka hinahanap na nila tayo" tumayo sya at inilahad ang kamay nya sa akin. Tiningnan ko ito. Hinawakan ko ang kamay nya pero bigla ko na lamang itong binawi. Shit. Bakit ako nakuryente?

" may problema ba? " nag tatakang tanong nya. Umiling lang ako tsaka tinanggap ang kamay nya ramdam ko pa rin ang kuryente pero hinayaan ko na lang. Nang makatayo na ko. Kinuha ko na ang kamay ko tsaka nag simula ng maglakad.

* fast forward *

" class nandito ako ngayon para ihatid sa inyo ang magandang balita. " bungad sa amin ni headmaster.

" anong balita po iyan HM? " tanong ni aeron.

" nahanap na ang nawawalang princess. Nandito na ang queen of all" masayang balita nya.

Tsk. Sino kaya ang taong yon. Bakit sya nagpanggap na ako?

" nasan po sya HM? "- ren

" nasa sapphire kingdom sya ngayon kausap ng royal family" sagot nya.

" kelan po namin sya makikilala? " excited na tanong ni lizzy.

Kilala nyo na sya tsk.

" malapit na" sabi ni HM.

I rolled my eyes. Like duh.

" ano nga po palang pangalan nya? " tanong ni raina.

" Serralyn Smith" simpleng sagot ni HM.

Umalis na si HM. At ako ngayon ay bored na. Tumungo ako sa aking kwarto.

Ano kayang kapangyarihan nya. Sana hindi nya maloko ang kaibigan ko.

Pero alam ko namang mahina lang sya.

SHE'S A FAKE PRINCESS AFTER ALL

************¤¤***********

Si raina po pala sa multimedia.

My World ( Queen Of All )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt