chapter twenty nine: infinity symbol

587 15 0
                                    

Tears of?

.
.

Sappy POV

Humingi lang ako ng paumanhin sa mga students. Kelangan rin yun dahil mahabang panahon natago ang buong katotohanan. At tsaka hindi rin naman namin mababago ang lahat. Mangyayari ang nakatakdang mangyari.

Ibinigay ko sa emcee ang mic. At nag concentrate. Pumikit ako.

" I'm the princess. I'm the queen of all. I'm princess scarlet sapphire smith. The daughter of king sean smith and queen jade smith. I summon you my gurdians. Guide me where ever i am. I summon you my protector. Protect me whatever happened. And i protect you no matter what. "

Naramdaman ko ang napakalakas na kapangyarihan ang dumadaloy sa katawan ko. Nagliwanag ako. Nakakasilaw na liwanag. May naramdaman din akong lumalabas sa katawan ko. Alam kong yun na ang gurdians ko.

Nagmulat ako ng mata ko at nakita ang tatlong nilalang sa harap ko. Dalawang dragon at si fire. Ang dragon ko ay white and black ang colors.

" master" sabay na sabi nilang tatlo. Yup. Pati si fire kasali.

" you may go now, ferry and rina. " sabi ko sa Dalawang dragon. Mag asawa sila. :-)

" thank you master" at tsaka naglaho.

" sa enchanted garden tayo fire" sabi ko habang nakangiti ng malungkot. Tumango lang sya.

Nagsabi na ko sa emcee na tapusin na ang programa. Pumunta ako sa royal which is my family. Kasama nila si angel.

" anak, masaya ako at magkakasama na ulit tayo. " sabi ni dad.

" ako rin princess " sabi ni kuya. Ngumiti lang ako sa kanila. Tumingin ako kay angel. Kitang kita ko sa kanya ang pagkahiya.

" I'm sorry sappy" sabi nya.

" didn't i told you? Don't call me sappy. Who are you to call me that name? Are you my family? Your not my friend. I don't even have one" malamig kong sabi.

" i-im sorry princess" sabi nya. Kita kong tumulo ang luha nya. Pinatahan sya ni kuya. Alam ko namang hindi magagalit si kuya kasi alam nya na gagawin ko ito. At ramdam kong nasaktan si fire ng makita nyang pinaiyak ko ang kapatid nya. Hindi nya ko masisisi.

" ma, mag uusap lang po kami ni fire" sabi ko kay mom. Tumango lang sya at ngumiti.

Nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman sakin si fire. Tahimik lang kaming nakarating sa enchanted garden.

Tumigil kame sa tapat ng puno. Humarap ako sa kanya at tsaka ko sya hinalikan. Eto ang first kiss ko. At eto na rin siguro ang magiging huli. Lungkot at sakit ang nararamdaman ko. Saya naman ang nararamdaman ko sa kanya.

Sabi ko na nga ba. Hindi nya talaga ako minahal. Pinigilan ko ang luhang gusto ng tumulo. Nararamdaman kong may lumiwanag sa bandang wrist ko. Eto na siguro ang infinity symbol. Kumalas na ko. Hinintay ko ang sasabihin nya. Ramdam ko ang saya at kaba sa kanya.

Bakit naman sya kaya kinakabahan?

" scarlet, alam kong alam mo na hindi ko tanggap ang connection namin ng queen of all. " sabi nya. Nadurog ang puso ko sa sinabi nya.

" alam kong alam mo rin na gusto kong mawala ang connection na iyon. " patuloy nya. Nag liwanag muli ang infinity symbol. Unti unti itong naglalaho.

" peri scarlet" tumigil ulit sya at huminga ng malalim.

" ayaw ko ng mawala ang connection natin. Mahal kita scarlet" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko. Muling bumalik sa dating hugis ang infinity symbol, at lalong itong lumiwanag.

" mahal na mahal kita Scarlet Sapphire Smith " kasabay nya ng pagbigkas nya sa buong pangalan ko. Ang paglitaw ng koronang makulay sa ibabaw ng infinity symbol namin.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Masaya ako. Masaya akong malaman na mahal din ako ng taong mahal ko.

" huwag kang umiyak" sabi nya at Pinahid ng thumb nya ang luha ko. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko.

" ayokong nakikita na umiiyak ka" patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko maging ang sa kanya. Umiiyak din sya.

" kelan pa fire? " tanong ko.

" nung una kitang makita, naramdaman kong gusto na kita. Hindi ko man ipinahahalata sayo pero tinitingnan kita mula sa malayo. Alam kong kakaiba ka dahil sa malakas na aura mo pero hindi ko akalain na ikaw pala ang princess. " paliwanag nya.

" simula nung malaman kong mahal na kita, sinubukan kong pigilan dahil alam kong masasaktan lang ako. Isinumpa ko ang connection natin. Nagalit ako sa sarili ko. Nagalit ako kasi ako ang pinili ng goddesses na maging asawa ng princess. Nagalit ako kasi hindi kita pwedeng mahalin." ramdam ko ang sincerity ng boses nya.

" pero kanina lang ng malaman ko ang lahat, nakaramdam ako ng ginhawa. Ikaw pala ang princess. Ikaw pala ang queen of all. Ikaw pala ang nakatakda para sakin" patuloy nya. Ramdam ko ang saya at pag asa sa boses nya. Napangiti ako habang tulo pa rin ng tulo ang luha ko.

" mahal kita scarlet " sabi nya.

" mahal din kita fire zean flame ash" tugon ko. Hinalikan nya ko. Isang puno ng pagmamahal na halik. Tumugon ako sa halik nya. Masaya ako. Sobrang saya ko. Akala ko hindi nya ko mamahalin.

Nasaktan ako at nadurog ang puso ko ngunit muling ring nabuo.

Patuloy pa rin ang agos ng luha ko. At masasabi ko lang ay eto pala ang pakiramdam ng tears of joy.

My World ( Queen Of All )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें